Chapter 1
Reeshiene's POV
Nandito ako ngayon sa library habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagbabasa ng libro at nagchichikahan sa sulok. Masarap tumambay dito lalo na at tanghali mapresko kasi naka bukas ang mga bintana kaya pumapasok ang hangin. Uy di naman na ako nakakaramdam noh? At tsaka di naman nila ako nakikita kasi multo ako. Pwera nalang sa may mga third eye eh makikita nila ako pero wala naman akong pake sa kanila duhzz -_-
Habang tumitingin tingin ako sa paligid ay may isang estudyante ang nakakuha ng aking atensyon. Oo! Nakakuha ng aking atensyon gusto pang ulit ulitin? Chos! Grabi ang gwapo naman niya kaso nagulat ako ng biglang siyang tumingin sa gawi ko kaya mabilis akong nagtago.
Teka! Bakit ba ako nagtatago? Eh di naman niya ako nakikita? Kasi multo nga ako diba? Paano kung tumingin lang siya sa gaw-
"Out! NOW!" nagulat ako ng biglang sumigaw ang librarian. Jusko akala ko narinig niya ang mga ini-isip ko.
'Bobo kaba? Di naman niya maririnig ang sinasabi mo at di ka naman niya nakikita kasi multo ka na remember?'
Ay oo tama!Tiningnan ko yung mga estudyante na pina alis ng librarian. Yan kase ang ingay ingay! Alam ng library dito pa mag chichikahan. Hay nakaka stress ang mga studyante ngayon! Tiningnan ko ulit yung studyanteng tinitignan ko kanina pero wala na siya. Eh bat ko ba siya hinahanap?
Alledric's POV
Nagbabasa ako tungkol sa mga ghost. Oh walang aangal ang umangal ipapa hunting ko sa ghost HAHAHA. Alam niyo ba guys na may third eye ako? At nakakakita talaga ako ng multo? Lagi nga nila akong tinatawag na creepy, weirdo kahit ano pa kasi nakakausap daw ako ng ghost. Minana ko daw ito sa lola ko na namatay lang last year.
Habang nagbabasa ako ay may naramdaman akong may tumititig sa akin kaya agad ko nilingid ang aking paningin hanggang sa makita ko kung sino ang tumititig sa akin. Nang tiningnan ko yung babaeng tumititig sa akin ay nagulat siya at mabilis na nagtago. Bakit kaya nagtago yun?
"Out! NOW!"nagulat ako ng biglang sumigaw ang librarian. Jusko! Aatakihin atah ako sa gulat kasi bigla bigla nalang sisigaw. Magugulatin pa naman ako. Umalis nalang ako ng library kasi magta-time naman na at saka dumiretso sa classroom.
Habang nagtuturo ang teacher namin sa Filipino ay lumilipad ang isip ko di kasi mawala sa isip ko yung babaeng nakita ko kanina. Maganda siya pero bat siya nagtago ng tiningnan ko siya? Hayss...
"Mr. Venedrino nakikinig kaba?"saad ni Sir Alfred kaya napabalikwas ako sa upuan. Bwisit! Muntik pa akong mahulog ano ba yan?!
"Ano p-po yung tanong mo S-sir?"nauutal na tanong ko sa kanya. Kasi yung babaeng yun eh! Di naman ako ganito da-
"Ang sabi ko naniniwala ka ba sa multo?"saad niya. Bigla naman akong nakarining ng bulungan
"HAHA uyan masimbag na si Dric"
"Iyo ngani pre HAHA"
"Uy dai nindo pagparakarawan isumbong ngani kamo kaan sa multo"
"HAHAHAHAHAHA"
Mga bicolano kasi mga kaklase ko kaya kapag nagtatawanan sila salitang Bicol. Actually di ko naiintindihan ang salitang bicol. Kakalipat palang kasi namin dito mga 2 weeks ago pero lagi nila akobg pinagtatawan kasi nakita nila yung ghosts book ko.
Nakakainis sila pero mas pinili ko nalang na wag mag pa apekto kasi iisipin nilang bakla ako o weird. Pero teka bat ba siya nagtanong ng ganyan? Eh hindi naman kasama sa lesson nya yung multo tsk.
"Bakit niyo po natanong Sir?" tanong ko nakaka curious kasi na magtatanong siya ng ganyan.
"Lumilipad na naman kasi ang utak mo" sagot niya at biglang nagtawanan ang mga walang kwenta kong kaklase. Nakakagago to ah -_-
"Pero seryoso naniniwala ka ba?" tanong ulit ni sir
"Ah opo Sir naniniwala po ako na may multo talaga" sagot ko kay Sir pero tumawa lang siya. Ano ba? Kala ko seryoso pero natawa pinag kakaisahan atah ako ng mga toh eh!bwisit! Bigla namang sumeryoso ang mukha niya bago magsalita.
"Mr. Ocampo walang multo hindi sila totoo. Ang mga multo ay guni guni lang yan o mga imahenasyon lang iyan ng isang tao" seryosong sagot ni Sir pero bakit parang malungkot siya? :/
Pagkatapos niyang sabihin yon ay umupo na ako at nakinig sa lesson ngayon.Mag-isa lang akong kumakain dito sa rooftop wala naman kasi akong masyadong kaibigan akala kasi nila baliw ako pero di yun totoo noh!
Madalas ako rito sa rooftop para mag pahangin o mag muni-muni. "Hay makatulog kaya" sabay higa sa gilid malinis naman dito...Reeshiene's POV
Nasaan kaya yung lalaking yun? Hinahanap ko pa kanina yun. Pero bat ko ba hinahanap yun? Aish. Makapunta na nga lang sa canteen. Naglalakad ako papuntang canteen ng ma alala ko na hindi naman kami nagugutom o kaya'y nakakakain ang bobo ko talaga.
'Oo bobo ka talaga sayang ng paglalakad di ka naman kakain' ay abat may sumasapaw gago to ah.
"Pupunta na nga lang ako sa rooftop" doon kasi ako madalas tumabay kasi favorite place ko yun ng nabubuhay ako.
Curious ba kayo kung paano ako namatay? Syempre nagsuicide ako yung lang naman ang paraan noh. HAHAHA pero seryoso doon ako namatay sa rooftop tumalon lang naman ako diba ang dali lang. Pero 'wag niyong gagayahin baka pagsisihan niyo.
Ah btw, di niyo pa pala ako kilala so magpapakilala ako. I'm Reeshiene Liahna Mandelle died 1 year ago at the rooftop.
Well-known ang pamilya namin lalo na sa part ng Bicol. Ang galing ko kayang mag bicol gusto niyo ba ng tutorial? HAHAHA, so nang mamatay ako pinalabas nilang murder yung nangyari para hindi madumihan ang pangalan ng family namin. Nagbayad pa si lolo sa mga nakakita sa akin na tumalon para hindi ipagkalat yung nangyari. Kaya ako at ang family ko ang nakakaalam sa nangyari kahit yung mga kapamilya namin hindi alam ang totoo.
Masyadong workaholic ang parents ko kaya wala na silang time for us. Pero ng bata kami lagi nila kaming inaasikaso pero ng nag high school ako parang wala na silang time para sa amin. Yea you heard it right, US tatlo kasi kaming magkakapatid pangalawa ako. Yung eldest si Kuya Rikky and yung bunsong babae si Rhalelya, oo kami ang triple R.
Tama na marami na kayong nalalaman HAH-
"Excuse me? Di ka pa ba baba nag bell na?" omg may nakakita sa akin AHHHHH>0<
YOU ARE READING
My Girl Is A Ghost
Short StoryAlledric never wished to fall inlove with a ghost. One day, he found himself loving Xtine the ghost. But Alledric never knew that Xtine is a ghost cuz she didn't told him. Hep!Hep!Hooray! char. Let's find out how did Alledric found out that Xtine i...