Chapter 3
Reeshiene's POV
As usual tambay na naman ako ng library HAHA. Para akong supervisor dito lakad lakad lang wala kasi akong magawa. Masyadong boring kaya lakad lakad lang ang gawa ko sa library.
Nag bell na at nagsibalikan na ang mga students sa kani-kanilang classroom.
Habang nagsisilabasan ang mga estudyante sa library ay may bumalda sa akin. As in balda talaga lalaki pa pero parang di nya ako nakita syempre multo ako.
Pumunta nalang ako sa rooftop at may nakita akong isang lalaking estudyante sa rooftop. Nag-gigitara siya. Di ba nag bell na? 'Bat di parin siya bumababa? Matanong nga.
'kaso marinig ka kaya niya?'
Itatry ko lang naman."Ehem" tumikhim ako para marinig niya.
Nagulat nalang ako ng lumingon siya sa akin at
at
at
at
atat masyado?
"Hi" ani niya.
Naalala niyo ba siya lang naman yung nakakuha ng atensyon ko sa library. Ang gwapo niya pala sa malapitan. Pero teka! ibig sabihin nakita niya ako? narinig niya ako? naramdaman niya ako?
"Miss tulala ka na? Siguro nagagwapuhan ka sa akin noh?" Saad niya.
"Maparuson adi?" (mahangin noh?)
sarkastiko kong sagot sa kanya."Ha? Anong ibig sabihin mo? Anong maparuson?" inosenteng tanong nya.
Ah mukhang hindi ito nakaka intindi ng bicol ah?
"Ibig sabihin nun ang galing mo" sikreto akong napangiti ng sinabi niyang....
"Oo maparuson naman talaga ako" masiglang sambit niya. Napa smirk nalang ako. Tumabi ako sa kanya at nagtanong
"Anong name mo?"
tanong ko sakanya parang di naman siya snobber."Maxace Alledric Venedrino ikaw?"
ani niya.Oh ang astig ng pangalan niya. Syempre di nagpatalo pangalan ko noh pero di ko sabihin baka kasi sabihin niya sa iba famous pa man din ako dito.
"Shiene hehe" sagot ko di ko kasi nga pwede sabihin baka nabalitatan niya ng patay na ako edi wala akong makakausap boring pa man din.
"Taga saan ka?" tanong niya saakin.
"Sa Mandellage ikaw ba?" Tanong ko sa kanya.
Mabuti at hindi na niya tinanong full name ko. Ang Mandellage yung village namin halata naman ata noh? Pinagdugtong lang naman yung Mandell at Lage ng Village.
"Kakalipat pa lang namin dito sa Legazpi Albay" sagot niya.
"Ah so malapit ka lang dito sa El Timus Central School?" Malapit kasi ang Albay sa ETCS . Eh 'bat tinanong ko pa?
"Oo lakad lang ng konti andito na" sagot niya.
"Gusto mo turuan kita mag bicol?" suhestiyon ko. Shemperd mag te take advantage ako kasi ang hangin nya.
"Sige ba di ko kasi naiintindihan ang bicol" ahlam na dis HAHAHA
"Anong word gusto mo itranslate sa bicol?" tanong ko.
"Syempre sa pinaka common yung ang gwapo ko" sabay kindat sa akin. Aba aba mahangin talaga.
"Pandok udo ako" (mukha akong tae) sagot ko habang nakangiti. tanginughh HAHAHA
"So pandok udo ako?" nakangiting tanong niya HAHA. Kawawa naman.
"Oo pandok udo at maparuson ka" HAHA
" 'Wag mo nga akong masyadong pinupuri" natatawang ani niya. Di niya alam nagmumukha siyang tanga HAHA.
"Eh ano naman ang, ang ganda mo?"
tanong niya syempre ito sinabi ko malay mo mapuri pa tayo nito bwahaha"Magayunon ka" (ang ganda mo) nakangiting sagot ko.
YOU ARE READING
My Girl Is A Ghost
Short StoryAlledric never wished to fall inlove with a ghost. One day, he found himself loving Xtine the ghost. But Alledric never knew that Xtine is a ghost cuz she didn't told him. Hep!Hep!Hooray! char. Let's find out how did Alledric found out that Xtine i...