"Remember the days na masaya pa tayo? Yung tipong magjojoke ka tapos ikaw lang nakakaintindi... Miss ko yun. Miss na kita." Mahinang sabi ko. Habang nakatingin sa intabladong tinatayuan niya. Habang nakangiting nakaway sa fans nila.
"BUDJING! ANG CUTE MO!" Sigaw nang katabi ko. Napatingin naman siya sa pwesto namin sabay ngumiti at nagpasalamat.
"Salamat po sa panonood! This has been SB19! Maraming salamat po!" Sabi nang Leader nila at isa-isa naman silang bumaba sa stage.
Umuwi na ako pagkatapos nang event nila. Napakataas na nang naabot niya... Kilala niya pa kaya ako? Justin miss na kita sobra.
"Nakita mo siya?" Bungad na tanong nang kakambal ko saakin pagkapasok ko sa bahay.
"Yes... Ang saya niya nga eh! Unti-unti na niyang nararating ang gusto niya." Nakangiting sabi ko naman sa kanya.
"Nausap ba kayo? Nasabi mo na?" Seryosong tanong niya saakin. Ang ngiti ko kanina ay biglang nawala at napalitan nang lungkot.
"Hindi eh! Tsaka bakit niya pa malalaman? 'Wag na... Masaya na ako kapag nakikita ko siyang masaya." Tugon ko naman sa kanya.
"Alam mo! Sinabi ko na saiyo ako na ang magsasabi! Nakikita ko naman sila sa Office... Sasama kita para makapagusap kayo." Inis na sabi niya saakin.
"Hayaan mo na." Pilit na sabi ko sa kaniya.
"Hayaan?! Nicole naman! Bestfriend mo parin siya! Kailangan niya ding malaman ang kalagayan mo!" Galit na sabi saakin ni Ate Nica. At umakyat na sa taas. Nanatili lang akong nakaupo at tahimik sa sala. Hindi ko alam kung anong gagawin!
|NEXT DAY|
Nagising ako nang maaga at nagasikaso para sa pagpasok ko. Ginawa ko na rin ang morning rituals ko at bumaba na sa unang palapag at dumiretso na sa kusina. Nadatnan ko namang nagluluto si Ate Nica.
"Nandiyan ka na pala... Kumain na tayo at sumama ka saakin." Sabi niya saakin at naghain na din siya.
"Papasok pa ako Ate... Tsaka may pupuntahan pa ako eh!" Palusot ko naman.
"Hindi! Nasabi ko nadin naman sa mga kasama ko doon... Tsaka we need an staff right now. Kaya ikaw ang ni rekomenda ko sa kanila." Sabi niya saakin. At kumain na siya.
"Pero Ate—" Hindi ko na tapos ang pagsasalita ko at sumabat siya.
"Oo sasamahan din kita sa pupuntahan mo mamaya... Pero please si Ate muna samahan mo. Tsaka wala ka namang trabaho eh! Saan ka papasok?! Sabado ngayon walang pasok sa school." Sabi niya pa at kumain na nang diretso.
Kumain na din ako pero kinakabahan ako. Paano kung galit siya saakin? Paano kung ayaw niya na akong makita? Pano kung hindi na niya ako tanggap bilang bestfriend niya? Paano kung magtanong siya? Anong sasabihin ko? All this time... This past years I've been following their group... I'm an fan. And my years here in the Philippines... Never ko pa siya nakakausap uli.
|A FEW MOMENTS LATER|
Binabaybay na namin ang kalsada papuntang SowBT... Ate Nica is driving while I'm in the shotgun seat. Nang makarating kami ay agad naman kaming pumasok sa loob at binati naman si Ate Nica nang mga kaofficemate niya.
"Nicole... Dito ka muna ah! May pupuntahan lang ako." Pakiusap niya saakin. Nagnod nalang ako at umupo sa bakanteng upuan sa hall sabay din nang paglakad ni Ate Nica palayo.
Tahimik lang ako at hinihintay si Ate nang dumating na nga ang Boys.
"HELLO ATE NICA! Kamusta na?" Masayang bati ni Stell. Ate Nica? Hindi naman ako si Ate Nica... Well we're identical twin kaya siguro nasabi niya yon. Pero ngumiti lang ako kay Stell at nagbow.
![](https://img.wattpad.com/cover/241429409-288-k419088.jpg)
BINABASA MO ANG
Short Creative Juices
Truyện NgắnCompilation of Short Stories written by yours truly A'tin Jahjahxsb. This compilation is organized by your enjoyment of reading experiences. ENJOY! STORIES: *Liham Ni Aurum *Room 1134 *Corny Jokes Will Never End *I Hate Love (On process) __________...