A Sad Surprise (One Shot)

108 2 2
                                    

Naisipan ko lang gumawa ng isang short story. actually gusto ko sana tong gawin by series kaso wala ako masyadong time para magupdate everyday. Sana magustuhan niyo, this story is based on real situation somehow :)

==============================

"Kinakabahan ako, pero hindi ko na kayang iatras pa ito. Nandito na eh, ano pa nga bang magagawa ko. Haaayyyyyyyyy -,- kaya ko to!!!! Ako pa :) saka gagawin ko to para maging masaya siya, para din sa kanya to." Sabi ni Chris sa kanyang sarili habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin.

"Friend, andyan na sa labas si Celine. Dumating na siya. Ok na ang lahat :), ikaw na lang ang kulang." Sabi sa kanya ni Mark, ang bestfriend ni Chris.

"Sige sunod na ako." Sagot ni Chris

Nakareserved ang isang mamahaling restaurant para lang sa isang big surprise na gagawin ni Chris kay Celine. 3 years ng magsyota ang dalawa. Ngayong gabi gagawin ni Chris ang isang malaking pagbabago sa kanilang relasyon. Pinaghandaan mabuti ito ni Chris para kay Celine. Katuwang ni Chris sa surprise na to si Mark. Ang buong akala lang ni Celine ay isang simpleng dinner lang ang gagawin nila ni Chris.

Candle light dinner, may dekorasyon ang paligid at lamesa ng puting rosas na paborito ni Celine. May tumutugtog din ng violin habang kumakain sila. Normal lang na nilapitan ni Chris si Celine. Umupo sila sa lamesa at nagcheers ng wine habang tumutogtog ng napakasasweet na music ang violin. Masaya ang ngiti ni Celine pero mahahalata mo sa kanyang mga mata na parang may mali. Si Chris naman ay normal pa din ang kinikilos nito. Sinimulan ni Chris ang conversation nila sa isang malalim na boses at binanggit ang pangalan ni Celine.

"Celine?" sabi ni Chris

"Bakit? :)" sagot ni Celine

"Happy 3rd anniversary :)" sabi ni Chris habang nakatingin sa mga mata ni Celine

"Happy annive din :)" Sagot ni Celine

Hinawakan ni Chris ang kamay ni Celine at saka nagsimulang magsalita habang nakatingin pa rin sa mga ni Celine. "Celine, I love you :') hindi ko kayang ipaliwanag kung paano ko maidedescribe ng maayos kung gaano kita kamahal. Im so blessed to have you. Three years na tayo, ang dami ng problema na bumating sa buhay natin, actually up to now meron pa rin. But you know Celine inspite of all those trials and problems we encounter I still love you and forever I will do. Celine I wll give you something..." binitawan ni Chris ang pagkakahawak niya kay Celine at inabot ang isang box.

"Nag-abala ka pa :)" Sabi ni Celine habang hawak ang box

"Dont say thank you, ako dapat ang nagsasabi niyan sayo. Im doing this beacause I LOVE YOU..." sagot ni Chris

":)" ngiti lang ang iginanti ni Celine sa sinabi ni Chris

"Celine, I want you to open that box right now, please?" request ni Chris kay Celine

Binuksan naman ito ni Celine, nang mabuksan niya ito ay napuno ng gulat ang mukha ni Celine. Tumingin si Celine sa mga mata ni Chris. Naghihintay ng mga kasagutan sa mga nakita niya.

Nagsalita si Chris "I LOVE YOU Celine. Thank you for everything, THANK YOU. Napakahirap para sa akin gawin ang bagay na ito pero I have no choice. Diba sabi nila kung talagang mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para sa kanya. Celine hindi ako manhid, nararamdaman ko lahat yun, lahat ng pambabalewala mo sa akin. I know your not happy with me. I kkow your searching for another, I know your cheating pero binaliwala ko lang yun lahat kasi mahal kita. Kasi baka sakaling magbago ang isip mo at mahalin mo pa rin ako, baka sakaling masave ko pa yung relationship natin. But Celine I failed, I failes...." Nagsimula ng tumulo sa mga mata ni Chris ang mga luha. "Celine I want to hold you more,but you want to release even more. Ayokong pahirapan ka, ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sayo lalo na at alam kong may iba ng may-ari ng puso mo. It really hurts Celine lalo na at alam kong ang ipinagpalit mo sa akin ay kaibigan ko pa.... si Mark."

"Alam mo?" gulat na tanong ni Celine kat Chris at sabay ng pagtulo ng mga luha ni Celine.

"Yes, I know. Alam kong niloloko niyo ako pero tiniis ko. Martir kung martir yan ako Celine, ganyan kita kamahal. Pero nakakasawa pala Celine. Di ako nagsawa kakamahal sayo, nagsawa ako sa pagiging gago ko sa inyong dalawa. Ang tagal kong tinago ito lahat. At iyang nasa box, iyan lahat ng mga regalo mo sa akin noon. Celine I'm letting you go T.T i say GOODBYE to you. Mahirap man pero ito ang tama, ANG PAKAWALAN ANG TAONG MAHAL NA MAHAL MO PERO HINDI KA NA MAHAL. Im sorry kung tinapos ko ang lahat ng ito sa ganitong paraan. Its over Celine, I'm done..." Tumayo si Chris at lumakad palayo.

Tumayo di agad si Celine at nagpunas ng luha. "Chris, wait..."

Lumingon si Chris kay Celine, Umiiyak si Chris pero hindi siya makatingin ng diretso kay Celine. Lumakad dahan dahan si Celine papalapit kay Chris, niyakap ni Celine si Chris at ibinulong ni Celine kay Chris....

"....

......

Im sorry :(.....

Please forgive me....

I hurt you......

Its all my fault......

but still....

I'm THANKFUL kasi PINAKAWALAN MO AKO.......

=========================================================

Masakit magLet go pero iyon ang pinakatamang gagawin sa oras na niloloko ka na. Mas mabuting palayain ang taong mahal mo kaysa naman sa pinipilit mong ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya. Learning to let go is a STRENGTH..........

A Sad Surprise (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon