"Ang Taong Matalino ay Mabuti at ang Mabuting Tao ay Matalino"

269 4 0
                                    


          Ang tao ay nilikha ng Diyos bilang kakaibang nilalang, may kapangyarihan siyang nagmula sa Diyos ang isip at kilos-loob. Ito ay maaaring gamitin ng tao upang maunawaan at kumilos ayon sa huling layon. Ang pinakamataas na layunin ng isip at kilos-loob ay ang pinakadakilang katotohanan at kabutihan .... ang Diyos. (Castro et al; 2010)

Kapangyarihan ng Isip


1. Nilikha ang tao bilang isang rasyonal (makatwiran) na nilalang. Ang pagiging makatwiran ang tao ay nagpapakita ng kanyang pagkabukod tangi (unique) sa lahat ng nilalang.

2. Ang isip ng tao ay may kamalayan, may kakayahang umunawa, tumanggap ng impormasyon, sumuri, tumuklas at magbigay ng kahulugan.

3. Ang isip ng tao ay di lamang tumatanggap ng impormasyon, ito rin ay sumusuri..Ang pang-unawa ng tao ay nakakatulong sa kanyang paghatol at pagpapasya sa pamamagitan ng pagkukumpara at pagsuri sa mga impormasyong tinatanggap ng kanyang isip.

4. May kakayahan ang taong pangatuwiranan ang kanyang pasya base sa mga impormasyong nakalap niya upang magamit sa pagtukoy ng tama at nararapat.

5. May kakayahan ang taong tukuyin ang tama sa mali.

6. May kakayahan ang taong kumilos ayon sa kanyang responsibilidad.

7. May kakayahan ang taong kumilos at harapin ang mga kahihinatnan ng kanyang mga gawa: Ang tao ay may pananagutan sa lahat ng kanyang ginawa. Dapat ding palakasin

8. Di tulad ng hayop, isinasaalang-alang ng tao ang kanyang pagkilos upang hindi makasakit ng iba. Ito ay pagpapatunay ng pagiging makatuwiran.


  Kapangyarihan ng Kilos-loob

Ang pag-alam ng mabuti ay ang paggawa ng tama. Ano nga ba ang kilos-loob?

Ang kilos-loob ay ang determinasyon ng tao upang gawin ang isang bagay. Ito rin ay kakahayang karugtong ng isip upang ipakita o gawin ang kanyang ninanais. Ang kilos-loob ay ang rasyonal o makatwirang pagkagusto sa mabuti at pag-iwas sa masama.

1. Ang tao ay nagsusumikap hindi lamang dahil sa kanyang kalikasan (instinct) bagkus dahil sa kangyang kilos-loob.

2. Dahil sa kanyang kilos-loob kaya ng taong higitan ang kanyang kalikasan gaya ng pag didisiplina sa sarili.

3. Ang isip ang sumusuri subalit ang kilos-loob ay ang malayang pumipili.

4. Kung ang isip ang nangangalap ng impormasyon ang kilos-loob ang nag-uudyok na piliin ang mabuti o masama ayon sa pag-unawa ng isip nito. (Babor; 1999)

5. Nasa kalikasan ng kilos-loob ang pagpili ng mabuti. (Punsalan; 2019)

6. Ang kilos-loob ay nasisiyahan sa paggawa ng tama.

7. Ang paggamit ng kilos-loob ay panghabang panahong kasiyahan na humuhubog sa tao upang maging mabuting nilalang.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Ang Taong Matalino ay Mabuti at ang Mabuting Tao ay Matalino"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon