DANIEL POV
"SHHHIIITTTT!!!! LATE NA AKO!! DI MO AKO GINISING PAPA!!!" pasigaw kong sabi sa kaniya habang nagmamadaling pumunta sa c.r. para maligo.
Hi!. Ako nga pala si Daniel Rivera. 19yrs. Old. Matangkad,morena pero pango!. Oo aminado ako dun. Pango talaga ako. Minsan nga iniisip ko kung ampon ba talaga ako kasi lahat ng kuya ko mula sa panganay hanggang sa pangatlo eh matatangos lahat at tanging ako lang, opo, ako lang ang pinagpalang pango!.
First day of school pala ngayon, and to inform you guys. 30 minutes ang byahe mula sa amin hanggang sa university at for sure, LATE AKO! .
" Bakit kasi nagpuyat ka pa alam mo namang 1st day of class mo ngayon" sabi ni papa na nagmamadali na ring ubusin ang kape niya dahil ihahatid niya ako.
" Sorry naman pa!. Need ko lang talagang tapusin yung series ehh. Saka last na yun. Study hard na po ako ulit!" Nagmamadali kong sagot sa kanya habang nagbibihis.
"Oh bilisan mo at baka mamaya matraffic pa tayo!" Sabi ni papa at lumabas na ng bahay at sinimulan nang paandarin ang kotse.
"Opo papa patapos na, magsasapatos nalang" sagot ko sa kanya.
Dalawa nalang kami ni papa sa bahay dahil ang mga kuya ko ay may kani kaniyang pamilya na rin. Si mama naman kasi maaga namatay kaya ayun. Dalawa lang kami ni papa magkasama sa bahay.
Habang nasa byahe ay nagring ang phone ko.
"Asan ka na brader?,kanina pa ako dito sa gate. Pakiramdam ko nga inugat na ako dito!"sabi ni Bryan. Ang bestfriend ko since day one noong elementary pa kami.
"Malapit na. Mauna ka na sa loob!alam ko naman na yung room natin" sagot ko sa kanya.
"O sige sige. Mauuna na ako loob ahh. Kita nalang tayo mamaya. Bilisan mo. Major pa naman natin first subject." Paalala ni Bryan sa akin.
Binaba ko na ang cellphone at nagsuot ng earphone, pinatugtog ang playlist na nasa cellphone ko habang tumitingin tingin sa labas. Nang makarating na kami sa university ay kaagad akong nagpaalam kay papa at tumakbo na papasok para makapunta kaagad sa room namin.
Malapit na ako sa room namin ng biglang...
B---L---A----G!!!!
"WHAT THE....." sabi ng kung sino mang nakabangga ko.
" Sorry sorry. First day, nagmamadali. Sige bye. Sorry ulit" tanging nasabi ko nalang sa kanya.
Buti naman at saktong wala pa ang prof. nung dumating ako sa room at kaagad kong nakita si Bryan pero nasa dulo siya at may kausap na. Kumaway naman ito sa akin pero sa ibang upuan ako umupo, mamaya nalang kami mag uusap siguro.
May pumasok sa loob ng room na babaeng maganda. Matangkad at may dalang mga folders. Siguro ito na prof. Namin.
"Ok class, my name is Rachel,one of your senior here in your course. And in behalf of the faculty and your dept. I would like to welcome you all to the university. Let's give ourselves a round of applause." Sabi ni Rachel at lahat naman kami ay nakangiting pumalakpak.
" Ok, since this is your first day. Magpapakilala muna tayo sa isa't isa and at the same time ipapakilala ko sa inyo ang mga magiging prof. Nyo sa dept. na actually nakalagay na sa mga folders na ito na ipapamigay ko and mga clubs and org. Na pwede niyong salihan. By the way class, there is also a transferee from other university and he will be joining you in this class. Ok, Mr. Falcon pwede ka ng pumasok." Dagdag ni rachel.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang lalaking nabunggo ko kanina ay siyang transferee sa room namin. Parang gusto ko nalang kainin ng lupa sa puntong ito.
BINABASA MO ANG
Dorm 16
RomanceAng kwento na ito ay tungkol sa apat na binata na papasok palang sa kolehiyo. May kani-kaniyang istorya ng buhay. ibat-ibang ugaling kailangang ipakisama sa iba at higit sa magbubuong pagkakaIBIGang higit pa sa pagkakaibigan. Kilalanin sila Ace,Brya...