A/N: there are some traumatic scenes and inappropriate words in this story.
The ending is not what you've expected. (Not polished)Written last 2020
_
"Inom pa! Walang kwenta'ng mga lalaki! Whoohoooo!" Tungga lang ako nang tungga ng alak at humahalakhak na parang wala sa sarili. Lunod na lunod.
Pake ko ba?
I wanna get wasted right now. I just want to forget what I saw. Masakit siya oo, pero pinangako kong hindi ako iiyak. Bakit naman ako iiyak?
Ano siya, Kawalan?
"Louisse, that's enough. lasing ka na, oh. Umuwi na tayo," malakas na sigaw ni Gavriel habang hinihila ako mula sa dagat ng mga taong nagsasayaw.
"A-ano ba! Kita mo namang nagsasaya pa ako o! At ano ba'ng pakealam mo, ha?!" Sigaw ko pabalik nang palabas na kami sa bar. Halos hindi na ako makalakad ng maayos dahil sa kalasingan. I'm a little bit drunk and I want to fully get wasted! Gusto kong magbabad sa alak kahit ngayon lang.
Gusto ko lang makalimot...
"Tama na 'yan! Wag kang magpakatanga sa lalaking 'yon! Sa ayaw at gusto mo, iuuwi kita!"
Padarag niyang hinula ang aking braso dahilan upang mapaigik ako sa sakit niyon. Gusto ko pa sanang magpumiglas pero wala na akong lakas kaya nagpatianod na lamang ako sa kan'ya. Bigla akong tinangay ng pagkahilo kaya't kumapit ako sa kaniya ng mariin. Being drunk really sucks.
"Shit." Iyon ang huli kong narinig bago kami tuluyang nakalabas ng bar. He carried me in a bridal style, making me grin. Mapupungay na ang aking mga mata habang habang buhat buhat niya pero nagawa ko pa ring paglaruan ang kaniyang pisngi habang hawak ng kaliwa kong kamay ang kaniyang braso. I love the view.
He opened his car and placed me in the shotgun seat, then he went in to the driver's seat and maneuver it.
Tahimik lang kami sa buong byahe patungo sa condo ko. Yes, I have a condo since our house is really far from the university I studied.
Binuhat niya pa rin ako hanggang sa marating namin ang kwarto ng condo at pinahiga sa kama bago hinubad ang aking stilettoes. Ang sakit ng paa ko.
"A-ang iniiit," reklamo ko nang kaagad maisapampak ang katawan sa higaan. Parang walang kwenta ang pagpakabit ko ng aircon!
Dahil sa pamamawis, gusto kong hubarin ang damit ko without even minding anything. I heard Gavriel cursed nonstop. I could even feel his heavy breathing. What the hell happened to him?
"Please, stay still. Kukuha lang ako ng damit." Hindi ko na siya hinintay pa at hinubad ko na ang aking saplot kaya undergarments na lang ang natira sa 'kinh katawan.
Nakaupo na ako ngayon. Humakbang siya palapit sa akin kaya pilit ko siyang inaninag. Nakita ko si Gav na hindi makatingin sa'kin ng deretso. Hindi ko maiwasang matawa sa kan'yang reaksyon.
"A-As if naman *hik*na di mo pa nakita katawan ko, Gabgab," lasing kong sabi at humagikhik.
Namula bigla ang kan'yang pisngi at tainga.
BINABASA MO ANG
Give Me One Shot of Pain
Randomnot your cup of tea One-shot stories with different genres. written by maxetispsych (Photo Credits)