Chapter 01

31 1 0
                                    

▪▫▪

"Go engineering department!"

Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa sigaw ng aking kaibigan na halos maputol na ang ugat sa leeg kakasigaw.

"Arkeo shoot that ball!"

Hinila ko ang kamay ni Shantel para patigilin siya sa ginagawa niyang pag-sigaw. Nakakahiya sa mga ibang nanood na malapit saamin. Hindi naman ganoon ka wild ang ibang mga tao. Sisigaw lang sila kapag nakapuntos ang team nila. Pero itong kaibigan ko walang tigil sa pagsigaw nakakainis.

"Manahimik ka nga!" Inilibot ko ang aking paningin sa mga nanonood rin. "Nakakahiya ka!" Pabulong na saway ko sa kaniya.

"Anong nakakahiya doon? Chini-cheer ko lang naman ang team natin." Shantel pouted. Sinamaan ko siya ng tingin.

Nakasimangot na umupo siya sa tabi ko at tahimik nalang na pinanood ang nagaganap na laban ng engineering dept at science dept.

Second day na ng intrams namin ngayon. At dahil wala kaming ka-talent talent nitong kaibigan ko pagdating sa sports, ayun wala kaming sinalihan kahit isa. Napag-desisyonan nalang namin na manood ng basketball since malapit lang ang basketball court sa pinuntahan naming canteen kanina plus may crush rin itong si Shantel kay Arkeo. Ang captain ng team engineering dept. Syempre support na din sa team namin.

Pagkatapos ng game ay kaagad na hinila ako ni Shantel. Halos madapa na ako dahil sa paraan ng kaniyang paghila.

"Where are we going?" Naguguluhang  tanong ko sa kaniya.

"Kay Arkeo." Kaagad na hinaklit ko ang aking kamay mula sa kaniyang pagkakahawak kaya napatigil kami.
"Bakit!?" She asked.

"Baliw ka ba!?" Sigaw ko sa kaniya. "Tignan mo oh. Kinakausap pa sila ng coach nila. Nakakahiya."

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa aking balikat at tumalikod para umalis na sana kaso bigla akong hinila pabalik ni Shantel.

"Yejin! Samahan mo na ako pls...
ico-congratulate lang naman natin sila eh."

Napabuntong hininga nalang ako tanda ng pagsuko. "Oo na."

"Yeyy!" She hug me. "Thank you Jin."

Kahit na pumayag na ako ay nakakaramdam parin talaga ako ng hiya. Lalo na at kinakausap pa sila ng kanilang coach.

Habang papalapit kami sa kanila ay deritso lang ang aking tingin sa isang lalaki na pasekreto kung chini-cheer sa aking isip kanina.

De Guzman number 3. Iyan ang nakalagay sa likod ng kaniyang jersey. Siya yata yung point guard nila.

My eyes widened when he also look at my direction. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagtibok ng malakas ng aking puso gawa ng kaba. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa naging reaction ko sa biglaan niyang pagtingin.

Tumigil ako at hinawakan ang braso ni Shantel. "Mamaya mo nalang kaya siya batiin."

Her forehead creased. "Alam mo Jin, ang gulo mo."

"Eh kasi nakakahiya nga!" Ibinalik ko ag aking tingin kay De Guzman. Nakakunot parin ang noo nito pero hindi na siya nakatingin.

Kinuha niya ang kaniyang gatorade na hawak ni Arkeo at uminom doon. Napalunok ako.

"Wala ng hiya hiya let's go." Pumulupot si Shantel sa braso ko para makasiguradong hindi ako makakaalis.

"Mamaya ka talaga saakin!" I said but she just raised his two fingers for a peace sign.

Ng makalapit na kami sa kanila ay sakto namang natapos na ang kanilang pinag-uusapan.

Sa likod ni Arkeo kami tumigil. Kinalabit siya ni Shantel kaya medyo natawa ako dun. Para namang close sila kung maka kalabit.

Until The End(Josh Fanfic)Where stories live. Discover now