Chapter 03

13 1 0
                                    

▪▫▪

8:PM na ng makauwi kami ni Shantel kahapon. Pumunta pa kasi kami ng kumbento. We visited the children there. Nangako kasi kami noong nakaraang linggo sa kanila na dadalawin namin sila. So ayun nag-ambagan pa kami ni Shantel para makabili kami ng tinapay para sa kanila.

Hindi pa maganda ang pakiramdam ko ng matulog ako kinagabihan. Kanina parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko sa sakit pagkagising ko. At hindi pa alam ni Shantel na may sakit ako ngayon.

"Hoy, bumangon kana diyan! Ngayon ang laban nila Arkeo sa UM." Hinila niya ang kumot na nakatakip saakin. "Para ka namang bagong panganak diyan e. Hoy!" Niyog-yog niya ako sa braso. "Hala, bakit mainit ka!?"
Nagpapanic na kinapa-kapa niya ang noo ko. "Sobrang init mo Jin! Wait lang tawagan ko si tita."

I immediately hold her arms. "Wag! Mag-aalala yun."

"E anong gagawin ko!? Hindi ako marunong mag-alaga ng may sakit." Mangiyak-ngiyak niyang usal. Kung wala lang akong sakit ngayon. Kanina pa ako humagalpak ng tawa dahil sa mukha niya ngayon. Gusto ko siyang bediyohan.

"Kumuha ka nalang ng plangganita na may maligamgam na tubig tapos face towel." Tumanggo siya at nagmadaling lumabas ng kuwarto.

Pagkabalik niya ay dala nga niya ang mga iyon. Tinuruan ko siya kung paano at kung saan niya ako pupunasan. Pagkatapos ay inutusan ko siyang bumili ng gamot sa malapit na botika.

Nakapatong sa noo ko ang basang face towel habang nakapikit. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Eto na." I opened my eyes and saw her holding a glass of water and a small white plastic na may nakasulat na ritemed.

Inabot niya saakin ang baso. Siya na ang nagbukas ng gamot ko. Ininom ko iyon kaagad at humiga ulit.

"Masyado ka lang yatang napagod kahapon." She concluded. Naka-upo na siya ngayon sa couch.

"Baka."

"Magluluto lang ako ng sopas." Lumabas siya ng kuwarto kaya naiwan akong mag-isa.

Naguiguilty tuloy ako. Alam ko kung gaano ka gustong manood ni Shantel ng laro nila Arkeo sa Unibersidad ng Makata. Sila iyong nanalo ng final kaya sila ang lalaban sa interhigh.

Ilang minuto akong naghintay bago matapos ni Shantel iyong pagluluto ng sopas. Pumasok siya mula sa pinto ng kuwarto dala ang kalahating bowl ng sopas.

"Mainit pa to. Maya mo na kainin." She said at sinalat ulit ang noo ko. "Medyo bumababa na ang init." She gave me a small smile at bumalik sa couch dala ang selpon niya.

I saw how her face change into a sad one.

"Anong tinitignan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Mags-start na raw ang laro nila." Mas naguilty pa ako ng sabihin niya iyon.
But wait...paano niya naman nalaman?

"How did you know?" May pang-aakusang tanong ko.

"Ark texted me." She answered.

Ang bilis talaga nitong kaibigan ko. Kailan lang sila nagka-usap pero magka textmate na. Ang tinik. Hindi na ako magtataka kung maya't maya may bago na namang crush to.

"Pumunta ka." Her eyes widened because of what I've said.

"No! Noway! Baka kung mapano ka pa. Wala kang kasama dito."

"I'll take care of myself, don't worry." I gave her a smile to assure her.

"No, makikibalita nalang ako." She said with a finality on her voice.

Until The End(Josh Fanfic)Where stories live. Discover now