BAHAGYANG IBINABA ni Jill ang suot na sunglasses habang iginagala ang tingin sa parking lot ng airport. Nakita niya ang kaibigang si Frances na nakasandal sa dark blue nitong Ferrari.
Maingat siyang naglakad tungo sa sasakyan at tinapik ito sa balikat.
'Jill! " nagulat nitong sambit nang makilala siya. "Akala ko'y mamaya pang alas once y media ang dating mo?"
"I took an earlier flight." Sinulyapan niya ang suot na Baby-G watch.
"Ang aga mo rin."
"Kilala kita kaya inagahan ko talaga."
Inihagis niya ang dalang maleta sa trunk ng kotse at saka naupo sa front seat. So Frances na ang bahalang mag-drive.
"How was your trip?" tanong nito nang makalabas sila ng airport.
" Exhausting." Ini-adjust niya ang upuan upang makapagpahinga siya.
Nilingon siya nito. "Saan tayo?"
"Sa opisina. Patay ako kay Lois kapag hindi agad ako nagpakita room," aniyang nai-imagine ang kanyang publisher.
"Lois is fine. Sanay na 'yon sa iyo," walang anumang saad nito. Pareho sila ng opisinang pinapasukan, magkaiba lang nga ng linya. Illustrator si Frances.
Writer naman siya na kilala sa hindi pag-meet ng deadlines. At halos mabaliw ang kanyang editor na si Ruth dahil hindi siya mahagilap kapag may ia-assign na project sa kanya.
Pero alam niyang hindi siya tatanggalin ni Lois sa trabaho. Maliban sa siya ang gumagastos sa materials niya, hindi nito magagawang tiisin ang hipag-to-be nito.
Napaangat ang kanyang likod nang may naalala. "Kamusta so Nathan."
Muntik na siyang mapasubasob sa dashboard nang biglang nagpreno si Frances.