04

17 5 2
                                    

"Sinong tapos na magsulat? Pwede niyo na ipasa sa akin, plus 10 points yung magshe-share dito o magbabasa ng gawa nila." Sabi sa amin ng ni Ma'am Tin. Inilibot ko yung paningin ko sa mga kaklase ko, yung iba ay humihikbi, yung iba naman ay nagsitayuan na para magpasa, wala pang nagbabasa o nagshe-share ng gawa nila. 

lumingon ako kay Miles, naka yuko lang siya sa lamesa niya. Sinilip ko yung paper niya, name palang niya yung nakasulat, tulog nanaman yata siya, si Kaf naman nasa likod ni Ma'am Tin, nakikibasa sa gawa ng classmates ko. "Okay yung iba wait ko until tomorrow morning, good bye class," tumayo na si ma'am at lumabas na ng room, kinawayan naman ako ni Kaf at bigla nalang siyang nawala.

---

Nandito ako ngayon sa canteen, ang daming tao, "syempre recess na Mica," sabi ko sa isip ko kahit wala ako nun, chars. Nasa likod ko lang si Jaxon, isa sa mga tropa kong lalaki, nakahawak siya sa dalawang balikat ko para hindi ako matumba. Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa mga paninda. "Mica anong bibilihin mong pagkain?" Tanong niya sa akin. "Burger nalang at C2 na red," iniabot ko sa kanya yung bayad ko. "Ay tapos dalawang cream-o na color blue." Naupo muna ako sa upuan para hintayin siya, ang ingay ng paligid at medyo nakakairita yung ibang students. Naka balik agad si Jaxon, "eto na oh, tapos nilibre na din kita ng fries," kinuha ko na yung mga pagkain, "yiee, salamat Jax bait-bait taraga ng kaibigan ko, hayaan mo ako naman manglilibre sayo sa susunod," ginulo ko yung pagkakaayos ng buhok niya at kumapit sa braso niya. "Oo na nalang Mica," ngumisi nalang siya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko, "pang ilang beses ko na ba sinabi sayo yun?" 

---

Nandito na kaming dalawa sa room, dumiretso na ako sa upuan ko, iniabot ko yung dalawang Cream-O kay Miles. "Recess kana sis," nginitian ko siya, kinuha naman niya yung inabot kong pagkain at saka siya ngumiti, "alam mo talaga favorite kooo."  Pagkatapos ng recess ay pumasok na yung Oral Commmunication teacher namin, at for sure tutulugan ko nanaman siya.

Natapos na yung mga klase namin ng umaga, kasabay kong umuwi si Jax, habang naglalakad kami sa hallway ay may mga babaeng tumitingin sa amin. Bakit kasi puro gwapo at sikat tropa kong lalaki eh, "gwapo?" tanong ko sa isip ko. "Dala ko yung sasakyan ko, sabay kana ha?" Pag-aaya niya, libre sakay kaya sumang ayon ako, "HAHAHAHA." Napatakip agad ako ng bibig dahil napalakas tawa ko, "Anong nakakatawa Mica?" Tanong ni Jax sa akin, kaya napatinig ako sa kanya, "nakakahiya ka Mica, iwas iwasan mo nga kalutangan mo," sermon ko sa isip ko. "Wala, may naalala lang akong nakakatawa," pagpapalusot ko.

Nandito na kami sa parking lot, nasa harapan na namin yung sasakyan ni Jax, naka single pala siyang motor, shit abnormal pa naman ako sumakay sa ganito, naka palda pa ako, huhuness bubukaka ba ako? Tanong ko sa sarili ko.

I Need You.Where stories live. Discover now