07

11 4 0
                                    


Umupo ulit si Miles sa tabi ko, humarap siya sa akin kaya naman humarap din ako sa kanya, si Jaxon naman inunanan yung likod ko, "Salamat ah, pinakinggan niyo problema ko. Nahihiya lang ako magsabi sa inyo, kasi baka makadagdag lang ako sa problema niyo." naiiyak niyang sinasabi sa amin, "magsabi ka lang pag may problema ka, kaya nga tayo magkakaibigan eh, sino pa ba magtutulungan, eh tayo-tayo lang din naman," sagot ko naman sa kanya, niyakap niya ako at umiyak lang siya ng umiyak. Si Jaxon naman naka unan pa din sa likuran ko, walang imik. 

Ilang saglit lang ay tumahan na si Miles, umayos na siya ng upo at pinunasan ang luha, "okay kana?" tanong ko naman. "Oo, salamat ulit. Gumaan pakiramdam ko," ngumiti siya at tumayo. "Tara na, nagugutom ako." Kinapa ko naman yung mukha ni Jaxon, may luha akong nasalat. "Jax? Okay ka lang?" Umupo siya ng maayos at kinusot ang mata, "Oo, inaantok lang," humikab siya at naginat.

"Tara na, nagugutom na din ako," tumayo na siya at inakbayan si Miles, "okay kana ahh?"

"Opooo, kain tayo, libre kooo" hinila ni Jaxon kamay ko, "tayo naaa, libre naman niya ehhh, HAHAHAHA!" Tumayo na din ako. Napatingin ako sa bilog na bintana, naka dungaw dun yung lalaki kanina.

"*/facepalm; nakakahiya ka Mica" sabi ko sa isip ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti, ang ackward kaya ngumiti nalang din ako. "Mica tara na, ang bagal naman, iiwan ka namin dito sige ka," tawag sa akin ni Jaxon. Dali-dali naman akong pumunta sa kanila, "eto na nga ehh, atat kayo kumain ahh," pumasok na kami sa elevetor. Si Miles na yung pumindot, napakapit naman ako sa braso ni Jaxon, hindi kasi ako sanay talaga sumakay sa elevator.

"Pakapit haha," tinignan ko si Jaxon at ngumiti. "Sige lang hahahaha," he poked my right cheek.

"So san tayo kakain?" tanong naman ni Miles sa amin, "eh ikaw nagyaya at manglilibre eh, edi ikaw na pumili," sagot ko naman sa kanya. "Gusto ko mag jollibee eh," umupo naman siya sa sulok, hindi ba siya nahihilo.

---

Naka labas na kami at lumakad na papuntang sasakyan, masigla na ulit si Miles. Si Jaxon naman ay naka ngiti na, "dalian niyo, gutom na ako!" sigaw naman ni Miles sa amin, magkasabay lang kami ni jaxon maglakad. "Dalian na natin, mukhang gutom na si Miles," hinawakan niya right hand ko tsaka naglakad ng mabilis papunta sa sasakyan. "Papunta na!" sigaw naman ni Jaxon.

Nandito na kami sa labas ng sasakyan, binuksan na ni Jaxon yung mga lock ng pinto, kaya pumasok na kami, "Jaxon yung panyo mo bukas ko nalang ibabalik ha? Taena nakakahiya talaga," inilagay ko na sa loob ng bag ko yung panyo niya. Nagstart naman na yung sasakyan niya, "okay na ba kayo dyan?" tumingin sa amin si Jaxon. "Opo okay na," sagot ko naman, nagstart na siya magdrive.

Habang nasa byahe kami ay di ako mapakali, ewan ko ba naggo-goosebumps ako. Parang may mangyayari masama, "okay ka lang?" tanong ulit sa akin ni Jaxon.

"Oo, hehe. Nagugutom lang," I smiled at him. "Nasan na ba tayo?" tanong ko naman sa kanya.

"Palabas na tayo ng Mt. Samat, pababa na kaya medyo delikado," sagot niya habang dahan-dahang nagmamaneho. Sumilip ako sa labas, oo nga pababa na. "Ano kakainin mo Mica?" tanong sa akin ni Miles, "gusto ko ng fries at burger, HAHA!" sagot ko naman sa kanya.

"Eh.. ikaw Jaxon? Ano gusto mo?" tanong ulit ni Miles, "same with Mica, Thank you." Sagot naman niya, "ehh.. ikaw self, ano gusto mo?" Tanong niya sa sarili niya, "same with Mica na din," sagot niya. 

"Nabaliw kana dyan Miles, HAHAHAHA!" Tinignan ko siya sa likod, nililista niya yung mga order namin at nagkukwenta, "magkano? eto ambag ko Miles," kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko, nakakahiya kasi. "Wag na... HAHAHA, libre ko. Wag kana mahiya, kasi ibibigay na allowance ko." Ngumiti siya at tinapik braso ko. "Okayyy," umupo na ulit ako ng maayos, kinuha ko yung phone ko sa bag para tignan yung oras, 4:13pm na. Tinext ko si Mama, 

To: Mader earth

       Ma? Mga 6:00pm na po ako maka uwi. i love you, mwaaa.

Pinindot ko na yung send, "Jax bagalan mo lang," tumingin ako kay Jax, medyo bumibilis na kasi yung takbo ng sasakyan. "I can't, f*ck. May problema sa mga brakes," pinagpapawisan na si Jax, tinignan ko si Miles, kinakabahan na din yung itsura niya, "anong gagawin natin Jax?" kalmado kong tanong pero deep in side natataranta na ako at naiiyak. "Please, wag kayong mag-panic, and please trust me," sagot naman niya sa amin habang tutok sa pagmamaneho.

"Isuot niyo ng mahigpit yung seatbelt niyo," utos ni Jax sa amin. "Sige," yun nalang nasagot ko sa kanya, si Miles naman ay kumapit sa sa sandalan ng upuan namin ni Jaxon.

Habang tumatagal ay bumibilis ang takbo ng sasakyan, "wala ba kayong gamit na liliparin dyan? Kung meron ilagay niyo na sa bag niyo." Tanong niya sa amin, nagtingin ako kung meron, "Wala naman sakin, sayo ba Miles?" 

"Wala naman," sagot niya. "Bubuksan ko yung mga bintana," paalala niya samin.

Binuksan na niya yung mga bintana kaya lumakas yung hangin sa loob, he shift the gear in 2 and then one, and he turned the key to the off position, namatay yung engine ng sasakyan. 

"Kumapit kayo ng mahigpit ah," utos niya sa amin. "Anong plano mo Jax?" Tanong sa kanya ni Miles, "kaya nga, paliko na yang dadaanan natin," dagdag ko, may tiwala naman kami sa kanya dahil sumasali siya sa mga race car, alam kong alam niya ang ginagawa niya. "Hindi ko pa kasi pwedeng gamitin yung handbrake, masyadong pababa na yung daanan. Baka magpaikot-ikot tayo na parang bola," sagot naman siya sa amin.  

"So...Ibabangga ko ng pa unti-unti itong sasakyan dyan sa mga breast wall and parapet wall, para medyo bumagal yung takbo ng sasakyan. And then... Ibabangga ko sa puno," nanlamig buong katawan ko sa narinig ko. "A-ano? Ibabangga m-mo yung sasakyan?" Tumingin ako kay Jaxon, at tumango naman siya. Lumingon naman ako kay Miles, ngumiti siya at hinawakan yung braso ko, "tiwala lang Mica," sabi niya sa akin. "Ikaw na ang bahala sa amin Jax," dagdag pa niya, umayos na kami ng upo.

Ganun nga ang ginawa niya, binangga niya ng pakonti konti yung sasakyan sa breast wall at sa parapet wall, naka lagpas na kami sa palikong daanan, bumagal ng kaunti yung sasakyan. Ganun ulit yung ginawa niya, hanggang sa makakita si Jax ng mga puno. Kumapit kami ng maiigi, ilang saglit lang ay bigla niyang niliko yung sasakyan at ibinangga niya ito sa puno. Hindi ko kinaya yung lakas ng pagbangga kaya napabitaw ako sa kinakapitan ko at naumpog ng malakas sa sandalan ng ulo, "sh*t ang sakit," napahawak ako sa ulo ko, namimigat yung mga mata ko at nang lalabo yung paningin ko, nakikiramdam ako kasi wala akong marinig, di ko rin mapakiradaman at makita yung mga kasama ko, pero mukhang huminto na yung sasakyan, sobrang sakit talaga ng ulo ko, ilang saglit lang ay tuluyan ng nagdilim paningin ko.




I Need You.Where stories live. Discover now