MAGHIHINTAY...

47 2 0
                                    

First Part...

Isa ka ba sa mga taong umasa? O... IKAW mismo ang nag paasa?

I am Alex Villamor 19 years old at mag isa lang itinataguyod ang aking pag aaral. Hindi lingid sa aking nalalaman na hindi kami ganuon ka yaman kaya naman tinatahak ko ang dapat tahakin upang mapag-aral ko ang aking sarili.

kung ako ang papipiliin sa aking na itanong, eh isa ako sa mga UMAASA.

Umaasa ako sa babaeng alam kong malaki ang aking tiyansa. Tatlong taon na akong nanliligaw sa kaniya, at sa tatlong taon na iyon ay hindi ko naramdaman na wala akong pag asa. Kaya naman kahit na medyo matagal na ay naiintindihan kong kailangan muna namin na mag aral.

Matalino at maganda si Eumy. Kaya kahit anong pag hirapan, ay gagawin ko talaga para mapasa akin siya.

Kakatapos ko lang sa aking side line sa carwash, at mamayang tanghali ay papasok na ako sa school. Iyon ang sideline ko at masaya ako na kahit mahirap ay kinakaya ko. Para sa pamilya ko at para narin sa future family ko.

Nag lakad lang ako mula sa carwash papunta dito sa university ni Eumy. Hindi kami magkaparehas ng school dahil wala naman akong kakayahan para maka pasok sa gantong klase ng unibersidad.

"Kanina ka pa?" Ngiti sakin ni eumy ng makalapit siya sakin mula sa pag hihintay ko sa labas.

Kinuha ko ang bag at libro niyang dala-dala. "Ahh hindi" sabi ko sa kaniya at saka sabay kaming nag lakad paalis sa school na iyon. "Kamusta naman ang first day of school ni eumy ko?" Pag lalambing ko. Hindi ako na iilang kahit nanliligaw palang ako ay ganito na ang trato ko sa kaniya. Dahil hindi niya naman ako pinipigilan. Kinikilig pa nga siya e.

"Iyun...okay naman" naka simangot na sagot niya.

"Oh okay naman pala ah? E bakit naka busangot 'yang maganda mong mukha?" Suyo ko naman.

"Eh kase yung bago kong classmate iniinis ako sa room.."

"Wag ka mag alala nagagandahan lang sa iyo yun" pag papalakas loob ko sa kaniya.

"Talaga?" Parang gandang gandang sabi niya.

"Oo naman! Ganda ganda ng future girlfriend ko e.." taas taas kilay pang sabi ko.

"Alex..." suway niya sakin.

"Oo naman, mag hihintay ako... hihintayin kita.. AT! syempre dapat mag aral muna tayo atsaka tayong sabay na aangat.."
ako na ang nagsalita ng linyahan niyang ganyan kapag binabangit ko ang "future Gf" kaya naman kabisado ko na ito.

"Kain na nga lang tayo.." bawi ko.

"Oo nga! Tara tusok tusok!" Masayang sabi niya. Atsaka kami nag tungo sa mga streetfoods.

Ganito kami lagi, nakilala ko siya nuong 2nd year college ako at siya naman ay 1st year college. Sa pinag ta trabahuan kong carwash nung nagpalinis ng kotse ang kaibigan niya. At dahil gwapo lang ako at walang pera diniskartehan ko ng makuha ang number niya.

At ngayon... hindi ako maka paniwala na nakakasama ko ang babaeng ito. Na dati ay ka text ko lang at soon to be my girlfriend.

Hindi ako nahihirapan mangligaw sakaniya. Dahil sanay naman siya sa mga tusok tusok sa labas ng school. At pag may okasyon para sa aming dalawa ay pinag iipunan ko iyon para makakain naman kami sa restoran.

At ngayon ay pinagmamasdan ko ang mag kahawak naming kamay habang kami ay naka sakay sa jeep. Ang swerte ko sa babaeng ito... nangiti ako matapos yun masabi sa aking sarili.

Wala paman nasasabing kami ay para sa akin ay ayos na muna ito basta ako ginagawa ko ang lahat para hindi naman ako maka sira sa pag aaral niya. Hinihintay ko ang lagi niyang pinapaalala sa akin.

MAGHIHINTAY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon