POEM 4 " DAHIL SA PASKO"

11 1 0
                                    


Tayo'y magbigayan,
Dahil yan ang tunay na kasiyahan,
Di mapagkakailang, kay Jesus ang kaarawan,
Kaya tayo'y magkaisa at magtulungan.

Itigil muna ang putukan,
Itigil muna ang awayan,
Itigil muna ang iyakan,
Tayo na't humayo at magsiyahan.

Tayo na't magmahalan 
At wag puro pag-aawayan,
Tayo na't magpatawad,
At hindi ang pagbibingihan.

Halina't magsimba,
At wag puro lakwatsa,
Tayo'y magkaisa,
Panigurado, ang pasko'y masaya.

Sa tatlong daang animnapu't lima,
Sa isang taon na labing dalawang buwan,
Sa pag lipas ng oras, 
Ay isang beses lang mangyari.

Sa pagbangon ng madaling araw,
Sa pagpuyat araw-araw,
Sa pagsalamat araw-araw,
Para kay Jesus, ito'y napakalaking bagay.

Kung ito'y ating gagawin araw-araw,
Talagang walang gulo balang araw,
At wag natin kakalimutan,
Ito'y dahil sa pasko lamang.

POEMWhere stories live. Discover now