Chapter 4

123 84 31
                                    

~Zayn Jade Zanlouer~

Nagising ako sa isang umaga na nananatiling may pag aalinlangan sa aking mga kaisipan.

Three months ago, nagpaalam na si Driz kay tita Levi( mama ni Lex ) na balak nitong manligaw sa kanyang anak, kumbaga ay hiningi na niya ang kamay ng kanyang panganay na anak upang maligawan.

Matalik na kaibigan ko si Lex simula pa noong mga bata kami, nagtagpo kami sa isang kasalan doon sa aming lugar, sa dating tinitirhan nila Lex.

Share ko lang hah dahil kinikilig ako sa tuwing naiisip ko yun.

Ang araw na iyon ay ang pinaka masayang araw para sa best friend ng ate ko na ka close din namin ang kanilang pamilya, kumbaga family friend ganon.

Dahil ikakasal na siya sa taong pinapangarap niya.

<Flashback Memory>

" OMG! Sis, this is your day!" masayang banggit pa ng ate ko sa kanyang kaibigan ni si ate Rox.

"Oo nga eh, ang tagal ko ng hinihintay toh" masayang sagot pa niya.

"Oh ready na pala ang ating cute na Ring Bearer eh" sambit pa ni ate Rox habang tinutukoy ako.

"Hello po ate Rox! Happy po ako para sa inyo!" sambit ko pa.

Sinamahan ko lang kasi si ate Llian na puntahan si ate Rox doon sa dressing room niya kasi gusto nga daw niya kumustahin ito bago pa ito tuluyang maglakad sa altar.

"Sige po ate Rox! Ate Llian, labas na muna ako puntahan ko lang sila Dad." pagpapaalam ko pa.

"Osya sige, sabihin mo kila Mom and Dad, susunod nalang ako."

Tumango nalang ako at dali daling lumabas ng silid na iyon.

- -

--20 minutes before the actual Wedding Ceremony--

Halos lahat ng mga bisita, kakilala, mga kaibigan at kamag anak ng dalawang taong ngayon ay mag iisang dibdib na, ay halatang nagagalak dahil nalalapit na nilang masaksihan ang isa sa mga pinaka masayang araw para kila ate Roxanne at kuya Jordel.

20 minutes nalang kasi bago maganap ang nasabing seremonya.

Nagikot ikot pa ako ng simbahan dahil lagi ko ring pinangarap na balang araw makakatapak din ako sa pasilyo ng simbahan habang hinihintay ang babaeng aking makakasama sa habang buhay.

Pero masyado pa akong bata para isipin ang mga bagay na iyon.

Pero 'di naman masamang mangarap eh.

Sa aking pag iikot ikot ay may nakita akong isang batang babae na nakayuko at tila umiiyak sa may ilalim ng puno malapit sa likod ng simbahan.

Natatakot ako, baka multo toh.

Pero dapat wala akong kinakatakutan.

Dahan dahan akong lumapit sa may puno, hindi ako nagpahalata na ako ay nagtungo doon.

Habang palapit ako ng palapit sa batang babae ay mas lalo kong naririnig ang kanyang mahihinang paghikbi.

TdaaWhere stories live. Discover now