Continuation...
Nang makapasok sila sa café ay bumungad sa kanila ang isang nakangiting waitress, Mae ang nakasulat sa nameplate nito.
"Colin, buti nagawi ka dito." magiliw na bati ng waitress.
"Hello, Mae." bati din ni Colin sa babae. Tiningnan ng waitress si Wesley ngunit animo'y hindi nakuha iyon ni Colin kaya siya na lamang ang nagpakilala sa sarili.
"Wesley, kaklase ko si Colin." pakilala niya saka inilahad ang kamay.
"Oh. A hand-shaker, interesting." nasisiyahang ani'to. "I'm Mae of Psychology Department. Magkabatch lang tayo pero nagpapart-time ako dito sa café." pakilala din nito ngunit ngumiti lamang si Wesley bilang sagot. "So, Colin. Cappuccino frappe? And fortunately hindi occupied ang usual spot mo." tiningnan nito ang pinakadulong mesa. "At Wesley, your order?" tanong nito sa kaniya habang nakaabang na isusulat ang magiging order niya sa bitbit na maliit na kwaderno.
"Macha frappe. Thanks." ani'ya.
"Coming up." ani'to at tumalikod na. Nauna namang tinungo ni Colin ang pinakadulong mesa kaya sinundan na niya ito.
Inilatag nito ang malapad na cardboard sa mesa at inisa-isa ang iba pang materyales na pinatong.
"I only brought one pair of scissors." sabi nito.
"May dala ako." at kinuha niya ang sariling gunting sa bag.
Naalala niyang kukunin niya pala dapat ang dress na pinatahi ng ina niya para sa masquerade-themed na acquaintance party nila sa sabado ng gabi. Ngunit dahil sa nakalimutan niyang may gagawin pa pala silang proyekto ay hindi na niya iyon makukuha pa. Ang tanging naisip lamang niyang gawin ay ang makisuyo sa kaniyang ina na ito na lamang ang kumuha. Kailangan niya pa kasing tingnan kung tama ba ang tabas ng dress sa kaniya at kapag hindi ay may oras pa silang ipaayos kinabukasan.
"Ma?" bungad niya sa kabilang linya.
"Oh, nak. May problema ba? Hindi ba nagkasya ang dress?" nag-aalalang tanong ng kaniyang ina.
"Hindi po kasi ako makakapunta sa shop ngayon. Nakalimutan ko pong may project pa pala kaming gagawin. Pwede po bang ikaw na lang ang kumuha?" paliwanag niya.
"Ha? Eh, alas sais na ah." alas siete kasi magsasara ang shop. "Oh, sige sana makaabot pa 'ko. Don't worry, nak, I got you." pabiro pang ani ng kaniyang ina.
"Sige, ma, salamat po talaga." at pinutol na ng ina niya ang tawag.
Muli siyang humarap kay Colin na gumugupit sa cardboard.
"You have a good relationship with your mother." puna nito.
"Kami na lang kasi dalawa ang magkasama." dahilan niya. Namatay ang ama niya sa sakit sa puso noong bata pa lamang siya at nasaksihan niya kung gaano katindi ang pagdadalamhati ng ina niya nang mga panahong iyon. "Hindi ba kayo close ng parents mo?" tanong niya. Matunog itong napatawa na tila ba isang malaking biro ang sinabi niya.
"They barely go home and when they do they're still busy talking with their investors on the phone." ani'to. Alam niyang nag-iisang anak din ito tulad niya dahil magdadalawang taon na silang magkaklase at isa ang impormasiyong iyon sa mga tinatanong ng mga guro sa unang araw ng klase.
Hindi na lamang siya nagsalita at tinulungan na lamang ito sa mga gawain. Ilang sandali ay dumating na ang order nila.
Pasado alas siete na ng gabi at malapit na nilang matapos ang ginagawa. Tatlong mesa na lamang ang okupado at nagsimula nang mag-ayos ang mga empleyado ng café. Napainat siya ng katawan dahil sa matagal na pagkakaupo. Biglang tumunog ang cellphone niya, numero ng ina niya ang lumalabas kaya agad niya iyong sinagot ngunit ibang babaeng boses ang narinig niya.
BINABASA MO ANG
Time Travel Paradox Series
Short StoryTime Travel Paradox Series is a compilation of short stories depicting the many different paradoxes that make time travel less plausible. This book includes a concise explanation for the mentioned paradoxes. Episode I: Predestination (completed) ...