Continuation...
Napabalikwas sa bangon si Wesley nang tumunog ang alarm clock niya. Malalim ang kaniyang paghinga na animo'y nawalan ng hangin ang kaniyang baga. Pinatay niya ang maingay na alarm saka dinama ang mukha at katawan. Naaalala niyang nagpakalunod siya hanggang sa unti-unting pagkawala ng kaniyang hininga.
Bigla niyang naalala na naaksidente ang ina at dead on arrival ito. Nanlaki ang mata niya sa napagtanto at hindi magkandaugagang umalis sa kama at tumakbo pababa. Naabutan niya ang inang nagluluto ng kanilang almusal. Manok na tinola, iyon ang naalala niyang pinagsaluhan nila ng ina niya... kahapon? Tinampal niya ang magkabilang pisngi.
"Panaginip. Isang masamang panaginip. Bangungot." ani'ya sa sarili.
"Nabuang ka na, nak?" biro ng ina niya nang masulyapan nito ang ginagawa niya sa sarili.
"Ma." usal niya saka naluluhang niyakap ang ina.
"Bakit, Wesley? May problema ba?" nag-aalalang ani ng ina niya ngunit mas hinigpitan lamang niya ang pagyakap. Pinatay na ng ina niya ang apoy sa stove.
"Wala, ma. Kain na po tayo." yaya niya. Kumuha siya ng mga kubyertos at masaya nilang pinagsaluhan ang umagahan. Pasulyap-sulyap siya sa ina. Klaro pa rin sa isipan niya ang maputlang muka ng ina at na tinabunan ng kumot. Pinilig niya ang ulo upang maalis iyon sa kaniyang isipan.
"Bilisan mo na, Wesley. Baka mahuli ka pa sa klase mo." utos ng ina niya.
"Hindi na muna siguro 'ko papasok, ma." sabi niya. Gusto niyang manatili sa tabi ng ina.
"Naku. Tinatamad ka ngayong pumasok?" kunot-noong tanong ng ina.
"Ganoon na nga po." sang-ayon niya.
"Sus. Walang tamad sa pamilya natin, Wesley. Magbihis ka na." pinanlakihan siya nito ng mata.
"Tutulangan nalang po kita sa trabaho mo ngayon, ma." pilit niya ngunit hindi din patinag ang ina.
"Wesley, isa." nagsimula na itong magbilang kaya wala na siyang nagawa. Nanlulumo siyang umakyat at nagbihis.
Habang nasa kalagitnaan siya ng klase ay napapansin niyang magkatulad na magkatulad iyon sa kaniyang panaginip. Ang bawat salitang binibigkas ng guro, ang tono ng pananalita nito, at ang mga paghinto ay katulad ng nasa panaginip niya. Walang kibo lamang ang mga kaklase niyang nabuburyong nakikinig.
Matapos ng klase niya sa umaga ay tinunton niya ang parking lot kung nasaan ang kaniyang kotse upang sa bahay siya magtanghalian. Habang naglalakad ay nag-vibrate ang cellphone niya.
'You are lucky to witness this rare phenomenon, Wesley.' basa niya sa mensahe. Ibinalik na lamang niya sa bulsa ang cellphone. Iniisip na baka may nantitrip lamang sa kaniya. Iwinaksi ang nararamdamang pagkabahala.
Tulad ng nasa panaginip niya ay ganoon din ang nagyari ng tanghaling iyon. Ngayon ay mas determinado na siyang huwag umalis sa tabi ng ina ngunit sa ikalawang pagkakataon ay pinagalitan na naman siya nito. Napipilitan siyang sundin ang utos nito.
"Pero, ma, promise mo sa'kin na hindi ka aalis ng bahay kahit na anong mangyari." nag-aalala niyang bilin.
"Ano ka ba naman, Wesley. Sige na, baka malate ka pa." taboy nito sa kaniya.
"Ako na pong kukuha ng dress sa shop kaya dito lang kayo, okay?" dagdag niya.
"Sinabihan ka ba ni Madam Ricky na tapos na ang dress mo?" nagtatakang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Time Travel Paradox Series
Short StoryTime Travel Paradox Series is a compilation of short stories depicting the many different paradoxes that make time travel less plausible. This book includes a concise explanation for the mentioned paradoxes. Episode I: Predestination (completed) ...