Kabanata 1

44.5K 1.4K 751
                                    

Kabanata 1

"Bakit kaya napatalsik 'yong supervisor?" iyon agad ang pambungad na tanong sa akin ni Donna habang nagwawalis kami sa loob ng cabin. 

Matapos ng tatlong araw na pahinga ay mukhang iyon na ang laman ng tsismis ngayon habang naglilinis kami. 

"Hindi ko alam. Baka may nangyari?" sagot ko sa kanya.

"Pero nabasa mo 'yong balita tungkol sa kompanya?" aniya. "Hindi ako naniniwalang nagnakaw ng gano'n kalaki ang Navis. Nadawit na naman siguro ang kompanya dahil sa kapalpakan ng empleyado." 

Nagpatuloy pa rin sa pagsasalita si Donna habang tinataktak ko ang dustpan sa loob ng trash bag.

Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari lalo na't nadamay pa ang supervisor na noong mga nakaraang araw ay kasama lang namin.

He was probably fired since the accounting documents got leaked. And of course, it will revealed how the budget was being manipulated in his command. Mukhang nalaman iyon ng kompanya lalo na't sa nirelease na article patungkol doon. 

"Biruin mo, sa kanya pala napupunta iyong pera." pagpuna ni Donna na nilabas pa ang cellphone para ipabasa sa akin ang artikulo. "Mula pa sa Starlight Publishing kaya paniguradong totoo 'to." 

I glanced at the article, pretending that I haven't read it even though I even saw the raw version before it was published. Tumulong pa nga ako sa pagproofread niyan. 

"Bilisan na natin, baka masita tayo ni Mrs. dela Torres." sabi ko para hindi na humaba ang usapan.

Mabilis naming nalinis ang buong silid ng cabin. Nang matapos ay napagdesisyunan naming magpahinga at kumain saglit sa may cafeteria. Konti kami ngayon kumpara sa nakaraan dahil sa event na nangyari. 

"Riyel, tubig." may inabot sa aking bote ng tubig ulit si Ronnel at tinanggap ko iyon. 

Nakita kong hinablot ni Donna ang bote mula sa akin. Binuksan niya iyon at agad na ininom para asarin si Ronnel. Natawa ako sa ginawa niya lalo na't sa reaksyon ni Ronnel.

"Bumili ka ng iyo!" suway ni Ronnel at pilit hinahablot kay Donna ang bote.

"Bumili ka ulit para kay Riyel, nainuman ko na 'to." 

"Gahaman ka talagang babae ka. Nagseselos ka na naman." 

Umiling-iling pa si Ronnel kaya mas lalong naasar si Donna at pinukpok ang bote sa ulo niya.

"Ang kapal mong lumot, buwakanang ina ka!" 

Muli silang nagtalo at nanood lamang ako. Natatawa ako dahil sa pagbabangayan ng dalawa.

Nang matapos kami sa gawain ngayong araw ay napagpasiyahan namin ni Donna na pumunta malapit sa dalampasigan.

We sat on the dock, watching the majestic view of the sun slowly setting towards the horizon. Few minutes passed by and the night slowly colored the entire sky turning it into a beautiful darkness. Yumakap ang dilim sa pagkawala ng araw mula sa linya ng karagatan. 

"Alis na tayo?" tumayo si Donna at pinagpag ang shorts niya. 

Umiling ako at ngumiti. "Mauna ka na. Dito muna ako." 

Tumango siya at pumayag. Umalis siya kaya naiwan akong nakaupo habang pinagmamasdan ang dagat.

The breeze was calming as the familiar smell of the sea invaded my nose. Napapikit ako habang pinapakiramdaman ang preskong ihip ng hangin. The overfamiliar calmness of the night sky and the deep sea came flashing in my mind. A fragment from a memory that has been hidden for a long time began to unveil.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon