"Akala ko ba pede akong mag trabaho sa sinabi ninyong lugar?"nanlilisik ang mga mata ko habnag nakatingin sa kanila
"Naniwala ka naman hahahaha"sagot ni Lilien
"alam niyo naman na kailangan na kailangan ko ng pera diba?sana naman wag ninyong gawing biro ang kalagayan ko"at umalis na ako sa kanilang harapan dahil ayoko nang may masabi pang hindi maganda
"woy ampikon netooo!!!!"saad ni Jillian
"Biro lang eh!!"dagdag pa neto pero wala na ako pake bahala sila diyan uuwi nalang ako.Nasa clubhouse kami kumuha sila ng bahay bilang lugar kung saan magkakaroon kami ng lugar kung saan pede kaming mag bonding pero sila lang naman nagiging masaya pag kami magkakasama taga luto lang naman nila ako.
9:57 pm
Shuta wala ba silang balak mag sorry sakin?
Ano hahayaan nalang nila na galit ako?sa bagay kailan ba sila nag sorry sakin panigurado sa lunes makikipag usap nalang sila sakin na parang walang nangyari
*Jillian Added you to the group Surprise*
Surprise?ahhh birthday nga pala ulit ni lilien pang ilang GC naba namin to para lang sa surprise?ako na nga lang kusang nag le-left dun pag di na active alam ko namang may bago silang gagawin at i-A-add nanaman ako
Jillian:Guys 1 week nalang birthday na ni Lilien
Julie:oo nga ano plano?sa club house ba tayo ngayon?
Jillian:wag sa iba tayo ngayon tara mag resort dun sa may Aj's Resort sa Manggas
Julie:Ayy okay yan okay yan di pa rin naman ako nakakapunta don eh sabi nga nila maganda daw
Julie:As usual Mao ikaw taga luto ung spaghetti ulit
Tss. tinan moto kala mo mga walang nagawang kasalanan sa akin.Bakit nga ba ako nagpapakahirap na ipagluto sila para sa surprise surprise na yan eh ako nga di masurprise surpise.Sa tuwing birthday ko ni isa sa kanila wala man lang bumabati kailangan ko pa ipaalala kahit nag notify na birthday ko sa kanila.Ang unfair talaga no?kahit gano ka pa kabait kung di ka nila feel sa samahan nila wala kang kwenta,meron naman pala taga gawa ng mga bagay na di nila nagawa.ANSAYA.
Mao:*like*
Ano pa ba gusto nila sabihin ko nakakapagod na rin matutulog nalang ako maigi pa sa panaginip ko masaya ako may mga kaibigan ako
MORNING
"BABAITA BAKA GUSTO MO NANG BUMANGON DIYAN?!!!!"Jusme ayan na bunganga ng nanay niyo agang aga actually kanina pa ako gising tinitiigan ko lang mukh ako sa salamin tinitignan ko kung may nabago ba o wala ar sa kasamaang palad wala
Binuksan ko na ang pinto at naglakad palabas pero narinig ko an g tatay ko
"1 2 1 2 1 2"para sakin yang parinig na yan gusto niya mag jogging ako per dahil ramdam ko naman na hindi na ako magbabago hindi ko nalang ginawa
"Nak mag diet diet ka naman tignan mo gano ka kalaki parang ikaw nanay sating dalawa eh oh"Kung alam mo lang mama na nagawa ko na mag diet pero wala talaga epekto
Bakit big deal sa kanila na mataba ako?
"Ki ganda gandang bata sabi ni nanay Linda niya eh kataba laang"Bakit?porket mataba pangit na?wala na ba kaming lugar sa mundo?di naman porket mataba kami ay halos nasakop na namin ang mundo at na so-suffocate na sila
BINABASA MO ANG
REal Beauty
RandomHow do you define a beauty? Is it the way she talks? Is it the way she moves? Is it the way she speak? Is it the way she moves? Is it the way she looks? If you don't have the ideal vital statistics and ideal face aren't you beautiful already? What d...