Chapter 1

57 51 1
                                    

DISCLAIMER: THERE ARE TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERROR ALONG THE STORY. IF YOU ARE PERFECTIONIST, GO AND PRESS THE BACK BUTTON. THANK YOU EVERYONE!!!

***

"You are spacing out Margarette!" agad akong bumalik sa katinuan ko dahil sa sigaw ni Amalia na nakaagaw ng atensyon ng ibang tao sa paligid namin.

I gave her an awkward smile saka uminom ng tubig.

Kasalukuyan kaming nagme-meeting ng mga kaibigan ko dito sa Starbucks about school stuffs. Since second year highschool until now that we are in 4th year highschool ay kami na ang naatasan sa mga ganitong bagay kaya hindi na bago to saamin.

"Kanina pa lumilipad ang utak mo girl" inis na sabi ni Kezaira. Ngumuso lang ako saka nagpeace sign.

"Everything is settled... I guess. Let's go home na" agad na inayos ni Amalia ang mga gamit n'ya na nakakalat sa table. Nakangiti namang nag-unat ang iba pa naming kasama.

"T-tapos na agad?" tanong ko. Gaano ba ako katagal nakatulala at hindi ko namalayan ang oras? Ni wala ngang pumasok sa isip ko tungkol sa napag-usapan namin ngayon. Kasalanan to ni Winter, ang puppy ko, kung hindi n'ya ako kinulit kagabi ay hindi ako mapupuyat.

"It's already 2pm Marga. We already spent three freaking hours kaya minadali na NAMIN tapusin" si Czarina ang sumagot na pinagdiinan pa ang salitang 'namin'.

Whew. Edi sila na ang may na-contribute na idea! Pero kasalanan ko pa rin eh.

"Sorry na girls. I didn't get enough sleep last night dahil pinuyat ako ni Winter kaya 'di ko magawang magfocus ngayon" nagpout at nagpuppy eyes pa ako para kahit papaano ay hindi na sila mainis. Kahit slight lang hehe.

"Okay. Okay. Tara na girls" tumayo na agad si Kezaira, kasunod nito si Amalia na nasa cellphone n'ya na ang atensyon. Tumayo na rin ako bitbit ang frappe ko na hindi pa ubos.

"So bye na everyone. See ya on Monday" nakangiting kumaway si Amalia bago pumasok sa kotse n'ya. Pumasok na rin ang iba pa naming kasama sa kani-kanilang sasakyan kaya nagmadali akong lumapit kay Scarlet.

"What?" tanong n'ya nang makalapit ako sakanya.

"Can you please email me what you guys talked about? Please"

"K" tipid na sagot nito bago pumasok sa kotse n'ya.

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Knowing Scarlet, she's the busiest among us.

Masaya akong umuwi sa bahay dahil napapayag ko si Scarlet. Agad na bumungad saakin si Mommy na nakaupo sa sala habang karga-karga si Winter. Nakangiti lang si ito habang hinihimas ang uluhan ng alaga ko. Nang maramdaman nila ang presensya ko ay biglang tumakbo papalapit sakin si Winter. Binuhat ko ito nang makalapit s'ya saakin.

"Hi baby!" I kissed her head.

"Hi honey. Have you eaten?" tanong saakin ni Mommy na ngayon ay nasa harapan ko na. Humalik muna ako sa kanyang pisngi bago tumango.

"I'm sleepy Mom. Winter didn't let me sleep on time last night" sabi ko na parang batang nagsusumbong. Tumawa ito ng marahan habang hinahaplos ang aking buhok.

"Then take a rest honey" nakangiting sabi ni Mommy na ngayon ay karga na ulit si Winter.

"Yes Mommy" I was about to go to my room when Mom stopped me for awhile.

"Aalis kami ng Daddy mo, Chanel. 1 week kami sa Baguio for business trip" nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi ni Mommy.

In fact, sanay na rin naman ako dahil kahit noong bata pa lang ako ay madalas na silang umaalis dahil sa business, pero kahit anong pilit at pangungumbinsi sa sarili ay hindi ko pa rin magawang hindi malungkot, syempre gusto ko rin makabonding sila, gusto ko rin gawin yung mga bagay na madalas gawin ng isang pamilya.

Until our Paths Cross AgainWhere stories live. Discover now