TAONG 2020
"Lola, ang ganda po ng langit dito sa probinsya, 'no?" sambit ni Miko. Napakalikot at matanunging bata ngunit pinakamamahal ko sa lahat.
"Oo, Miko... Walang makapapantay sa ganda ng kalangitan," ani ko sa apo kong saksakan ng kulit.
I was smiling the whole time being with this little kid who really reminds me of someone. Reminds me of him that I always longing for.
"Lola, you always stare the sky, especially when it's night. I was wondering why you love gazing the moon and stars," ani ni Miko na halata ang kuryosidad sa kaniyang mata ng nilingon ko siya.
Kinagat ko ng bahagya ang aking labi at dahan-dahang umupo sa aking kamang hinihigan malapit sa isang malaking bintana.
"Alam mo kasi apo... Maraming bagay na naalala si Lola Via mo sa tuwing minamasdan niya ang buwan at tala. Mga bagay na kahit sa susunod na buhay ay pipilitin kong maalala para masabi ang lahat ng hindi ko nasabi noong may mga panahon pa..." bahagya kong nginitian ang apo kong inosenteng nakatingin sa akin.
Hinawakan ko ang kaniyang braso upang maalalayan siya sa tabi ko kung saan ako nakaupo. Mabait na bata naman si Miko, kapag kami lamang dalawa ay hindi siya naglilikot at lagi siyang sumusunod sa akin. Mga pagkakahawig nila na lalong nagpapaalala sa akin ng kakulangan at kaduwagan ko.
"Ikaw talaga, Lola... Hindi po kita maintindihan pero sige po. Makinig na lang tayo ng music. Here, oh!" inabot niya ang kaniyang modernong cellphone at may kung ano siyang pinindot.
Umalis siya saglit para halungkatin ang kaniyang dala-dalang bagahe at may kinuha siyang parang mga kawad ng kuryente.
"Ano 'yan, apo? Wire ba 'yan? Baka makuryente ka, apo," hindi ko alam pero nabungisngis si Miko.
"Lola, yes it's a wire but this is called earphones. Gagamitin po natin ito para makinig ng music, okay po?" pagpapaliwanag ni Miko sa akin na siyang tinanguan ko.
Nang maikabit na niya sa kaniyang telepono ang dulo ng earphones na sinasabi niya at kinabit naman niya sa kanang tainga ko at dumikit pa siya sa akin lalo.
"Ito lola, trending po ito ngayon..." may pinindot siya sa kaniyang telepono na siyang nagpasimula ng tugtog sa aking tainga.
Now Playing: Lifetime By: Ben & Ben
Was there a lifetime waiting for us
In a world where I was yours?I closed my eyes and the memories of our yesterday came back into my mind. The warmth of the memories that I had with him.
BINABASA MO ANG
The Warmth Until The End | #AkdangSinagtala
Historical FictionRovia Palleciano was 70 years old and had a severe disease, that's why she was taken care of her children. There was a young kid named Miko that always reminds her the man that she always want to be with. Until Miko introduce her a song, reminds her...