Chapter 12

4.1K 86 0
                                    

Dalawang linggo ang nakalipas simula ng araw na iyon, walang nagbago sa relationship naming dalawa, in fact mas lalong tumibay ang pagmamahalan namin.


Walang nangyare noong araw na inihatid ako ni Nico, we just cuddle, talked, and shared memories, hanggang sa mag gabi, he simply teased me, dahil alam niya kung gaano pa kasakit ang ibaba ko dahil sa ginawa niya.


Nandito ako ngayon sa bahay, nagaasikaso, dahil sa makalawa uuwi ang mga magulang ko, they are both doctors, and kaya lagi silang wala dahil sa mga medical mission na ginagawa nila,  and that is one of the reason kung bakit ko gustong maging isang doctor, they influence me.


Lumabas mula sa kusina ang naka topless na katawan ni Nico, puno ng pawis ang kabuoang katawan nito, dahil pinaa-ayos ko sa kaniya 'yong nasirang lababo, ayaw niya  kasing magtawag ng magagawa dahil sayang naman raw dahil nandito siya, at gusto niya raw kasing tumulong sa akin upang linisin ang buong bahay. If I know nagpa-pogi points lamang siya kila Mama.


"Bakit naka hubad ka, ha? Nasaan tshirt mo?" Tanong ko, lumapit ako sa kaniya dala ang towel na nakalapag sa upuan. Inilapag ko ito kanina, dahil magpapawis kami sa pag-aayos. 


Pinunasan ko mukha niya, pababa sa leeg nito. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang kakaibang nararamdaman ko. Ang naughty ko na nahahawa ako kay Nico.


Damn, nagpupunas lang ako ng pawis niya naakit na agad ako? I can't believe this, ang landi landi mo self.


"Iniwan ko sa upuan sa kusina, nabasa."  Sagot niya, nagtitigan kaming dalawa, mata sa mata.


Hindi ko maiwasan ang mapulunok, dahil sa kakaibang klase ng tingin na binibigay niya, para siyang nang-aakit, at may nais na gawin, alam ko sa sarili ko na sasangayunan ko.


"B-binigay mo na ba kay ate 'yon? Para sana malabhan na." Nauutal na tanong ko.


Bakit ba kinakabahan ako, kahit wala naman s'yang ginagawa? Kaka kape ko ata ito, kaya nagiging nerbyosa ako.


"Why are you stuttering, amore?" Nakangising tanong nito.


Iniwas ko ang mga mata ko, mula sa nakakaakit n'yang tingin, at nakakalokong ngisi.


Siraulo talaga ang isang 'to, alam ng naaakit ako sa kan'ya gumagawa pa ng kalokohan sa pamamagitan ng ngisi at tingin.


"Anong pake mo? Kuhain mo  nga tshirt mo roon, para ibigay ko na kay ate, upang malabhan." Pag iiba ko ng usapan.


He followed what I've said but there was a trace of smirk on his lips. 


Inabot niya sa akin ang tshirt niya, ngunit hindi parin natatanggal ang ngisi sa labi.


"Naka glue na ba 'yang labi mo? Ayaw matanggal ng ngisi eh, para kang timang tingnan." Naasar na ani ko.


Tawa lamang ang sinagot niya sa akin,saka ako  hinalikan sa noo, at muling bumalik sa kusina, upang gawin ang naiwan niyang gawain.

Affection's TourneyWhere stories live. Discover now