SAKSAK, BUNOT, SALAG (UNTOLD)
"WALANG ATRASAN SA LABANAN. MAKIPAGLABAN KAHIT ANO ANG KAHINATNAN. PROTEKTAHAN ANG BANSA LABAN SA MGA DAYUHAN. WALANG SUSUKO HANGGA'T HINDI NAKAKAMIT ANG KALAYAAN" buong lakas kong sigaw sa aking mga kasama.
"SULOOONNNGGG!" sigaw naming lahat.
Itinaas ko ang aking espada hudyat na kami ay susulong na.
SAKSAK...
BUNOT...
SALAG...
Paulit ulit kong ginagawa hangga't ang kalaban ay matutsa.
MAGULOOOO....
MADUGOOOO.... ang labanan.Espada lang ang aming sandata habang may baril at kanyon sila.
Ngunit unti- unting nagagapi ang mga kalaban gayundin ang paglagas ng aking mga kasamahan.
SAKSAK...
BUNOT...
SALAG...
Sa panghuling hataw ng aking espada pinuno nila'y aking pinugutan. Ito'y bumagsak sa lupa na hiwalay ang ulo sa katawan.
Sa wakas natapos narin ang mahigit anim na taon na pakikipagsagupaan. Natalo ang mga kalaban.
Natupad rin ang mithiin ng karamihan. Mithiing kaytagal na inasam- asam.
Mithiing makamit ang kalayaan....
Hunyo 4, 1946. Ang araw kung saan nakawala tayo sa karahasan ng mga dayuhan.Kasabay ng pagkamit ng kalayaan, ang araw ay muli kong nasilayan.
---
Nakangiti kong binahagi sa aking apo ang aking kuwento no'ng nakipaglaban ako sa ikalawang digmaang pandaigdig (World War 2) taong 1939-1945.
Anim na taong pagbubuwis ng maraming buhay. Anim na taon na ang isa't- isa ang aming kaagapay.Isang karanasan na baon ko hanggang sa kasalukuyan..
Nakapikit ako habang sinasariwa ang isang kagitingan na ipinamalas ng aming samahan. Samahang Kataas- taasan, Kagalang- galangan, Katipunan.
Napadilat ako ng tawagin ako ng aming kasambahay.
"Sir Andres Bonifacio nasa labas po ang inyong matalik na kaibigan na si Heneral Emilio Aguinaldo"
~End
YOU ARE READING
My One Shot Stories Compilation
De TodoIt has different genre that you'll probably love to.