4

32 3 0
                                    

Tatlong araw na sunod-sunod akong busy sa school. Maraming kasing projects lalo na't graduating na ako tapos yung sa dance fest. Sabi kasi ng MAPEH teacher ko ay ako yung isa sa magiging judges sa competition at kelangan ko ng intermission number, syempre flattered ako na ako kinuha nila. Kaya sobrang busy ko nga talaga.

Dumating na nga yung araw ng kompetisyon.

Ready na ako sa gagawin kong intermission number, pinaghirapan ko din kabisahin yung mga moves ni JLo sa 'dance again' yun kasi sasayawin ko. I'm so excited much!! ^_^ 

"Hoy, Arielle! Maganda ba yung sasayawin mo mamaya?" tanong ni Mhielle. Kagagaling lang ng cr kasi inihanda lang niya yung isusuot niya mamaya sa competition. 2 hours na lang kasi ay magsisimula na. Pero ako eto pa rin kumakain dito sa cafeteria ng school namin.

"Oo naman, manood ka na lang. Watch and nga-nga. Haha." sagot ko naman tapus subo ulit ng piatos.

"Wow! A must-watch number again from the dance princess." sabi naman niya.

"Whoa! Dance princess ka dyan. " sabi ko naman tas subo lang ng subo ng piatos. Gutom lang ako.

"Yun naman kasi ang title mo dito sa school. Ang galing galing mo kaya."

"Hoy, Mhienelle Ramos wag kang ganyan. Kahit kaibigan kita wag mo naman palakihin ang lungs ko. " sabi ko at uminom na ng softdrinks.

"Haha. Ayaw mo talaga ng pinupuri noh?"

"Ah basta manood ka na lang." Tumingin ako sa relo ko. Alas dose kinse pa lang.

"Ui. Punta muna tayo ng room, iidlip lang ako. Maaga pa naman." sabi ko ulit kay Mhienelle na busying busy nga sa kakatext. Buti pa siya may katxt.

"Wait lang. Papunta na daw si Poks dito. Sabay-sabay na lang tayo papuntang room may kukunin din kasi ako dun sa cabinet ni Mrs. Gustin." sabi naman niya.

"Ok na kayo ni Markiez?" tanong ko kay Mhienelle.

Yung sinasabi kasi niya 'poks ay si Markiez yun. Poks short for 'poknat'. Haha! Mukha daw kasing poknat si Markiez. Haha!

"Oo naman. Kami pa, kahit anong sira naman naaayos namin. ^^" sagot niya.

Nag-smile lang ako.

Kasi naman these past few days ay hindi sila okay, as in di sila nagpapansin. Mga baliw kasi silang magbestfriend. Eh, halata namang gusto nila ang isa't isa tapos nagpapaselosan pa. Sarap pagbuhulin! Joke. Hehe.

"Oh, hayan na si Poks mo." sabi ko tas itinuro ang parating na si Markiez.

"Hi, babes! Hi, Mhine! " bati sa'min ni Markiez then hinalikan niya sa pisngi si Mhienelle.

Nag-wave lang siya sa'kin. Astig lang yung tawag niya kay Mhienelle. Parang kanyang-kanya na. Haha! 'Mhine' eh.

"Hoy, Poks! Yung pinapagawa ko sa'yo? " tanong ni Mhienelle.

"Tapos na." Sagot ni Markiez, umupo na siya sa table namin.

"Ui. Alis na tayo. Now na. Antok ako eh." sabi ko naman sa kanila.

"Babes, kauupo ko lang tapos tayo agad?? Pwede bang mamaya maya naman."

Pooteks 'tong si Markiez, 'babes' na ata tawag niya sa'kin for life. Babes?? Kadiri lang!

"Oo nga, Arielle. Dito muna tayo kain pa tayo," sabi naman ni Mhienelle.

"Go! Basta manglilibre ka," sagot ko. Paubos na kasi yung kinakain kong piatos.

"Sige, go ako dyan. Hindi ako manlilibre kundi si Poks." ^_^ sabi ni Mhienelle at tumingin kay Markiez.

"Hoy! Mhine! Wag kang kain ng kain nagkakabilbil ka na oh. At ikaw babes, baka di ka na magkaboypren niyan pagtumaba ka din," reak naman ni Markiez. Kaya ayun hinampas siya ni Mhienelle ng bote ng softdrinks, yung iniinum ko kanina.

"Aray! Mhine .. Araaay! Kung hindi ... "

"Kung hindi ano? " (hampas ulit) "Araaaaay .." (patuloy ang pag hampas ni M kay M )

Nagulat ako. May nakikita kasi akong kaprecorn na palapit.

Nahinto lang yung panghahampas ni Mhienelle kay Markiez ng makita niya akong nagtago sa ilalim ng mesa.

"Hoy, Arielle! Anong ginagawa mo?"

"Wag kang maingay may nuno sa punso," sagot ko naman.

Tumawa naman si Markiez. Ang lakas pa naman!

"ssshh!" saway ko.

"Namamaligno atah si babes. Hahaha!" tawa pa ng tawa si Markiez. Peste talaga, sarap patayin! Joke!

"Wag ka ngang maingay!" saway ko ulit.

Palapit na yung kaprecorn.

"hoy! Arielle, ba't ka ba nagtatago jan sa ilalim ng mesa?  Para kang kuting," tanong ni Mhienelle, hinampas ulit ang tumatawa pa ring si Markiez.

"Hi." Si Markiez

Si Mhienelle >>> ^_^

Yung nagsalita ay si Kaprecorn, oo yung nanghihingi ng number ko.

"Hello." ^_^

"Sino ka? Hoy! Mhine, wag kang malandi." -_- si Markiez.

Ako nasa ilalim lang ng mesa, nakapamaluktot. Nakikita ko naman sila. Ayoko lang lumabas. Anjan si kapre(si kuyang matangkad-- mumu).

"Ravein Alexis Santiago, pare." sabi nung kaprecorn kay Markiez. RAVEIN??? Parang familiar. Ang ganda ng pangalan niya, sana naging pangalan na lang siya. Haha!

"Anong kelangan mo, pogi?" tanong sa kanya ni Mhienelle..

"I wanna ask for Arielle Dienale Escueva's number, if she won't mind," sagot ni kaprecorn. Nagulat nga ako kasi alam niya yung full name ko. Lintyak. Stalker ko ba 'to?? Walang taste hah ako pa napili niyang i-stalk.

"Babes, labas na!" sabi naman ni Markiez.

"Waaaaaah! " sigaw ko at lumabas na ako mula dun sa ilalim ng mesa.

"Hoy! Bawal sumigaw," saway ni Mhienelle. Tiningnan ko yung kaprecorn. Nakangiti.

Hinablot ko yung bag ko na nasa ibabaw ng table at tumakbo palayo. Kelangan kong makalayo sa kapreng yun.

"Babeees!" tawag pa sa'kin ni Markiez. Pero hindi ko na nilingon tuloy lang ako sa pagtakbo.

Hanggang sa narating ko ang p.e. hall.Tumambay muna ako. Nag-soundtrip at kung anu-ano pa.

Yung antok ko naglaho na.

Makalipas ang isang oras ay may lumapit sa'kin na schoolmate ko dahil pinatatawag na daw ako ng MAPEH teacher ko dahil pinaghahanda na ako para sa sayaw, ako daw kasi ang mag-o-opening.

Medyo nagulat pa nga ako. Pero nag-ready na din ako.

KWENTONG VARSITY JACKET: TRENDING SA PUSO KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon