Sabado ngayon at wala kaming pasok. Kahapon napagplanuhan namin ni Dawn na gumala daw at treat niya dahil gusto niya pa akong makilala at gustong-gusto niya akong maging friend.
9 : 00 am niya raw ako susunduin dito sa bahay, kaya ngayon nagpre-prepare ako para sa pag-alis namin.
Bago pa mag 9 : 00 am dumating na siya at naririnig ko ng nagdo-door bell siya.
Kaya kinuha ko na ang aking wallet at ipinasok saaking sling bag na black. Faded Fitted Jeans at White shirt at sneakers lang ang isinout ko para komportable ako kahit saan man kami mag punta.
Dali-dali akong lumabas ng bahay at ini-lock na ang gate ng makita kong naka parada na ang sasakyan niya.
" Hi, Good Morning! " bati niya saakin.
" Hi, Good Morning! " balik kong sagot sa kanya.
Pumasok na ako sa kotse niya at umupo, wala akong ideya kung saan kami pupunta, nahihiya sana akong mag tanong pero wala namang masama sa pagtatanong.
" Saan pala tayo pupunta? " tanong ko.
" Kakain muna tayo Rain, gutom kasi ako eh " sagot niya saakin.
" Okay, No problem di rin kasi ako nag-agahan kanina " balik kong sagot sa kanya.
Tahimik lang kami habang nagmamaneho siya papunta sa Milky Way Cafe na kakainan namin. Pagdating namin nag park lang siya ng kotse niya at sabay na kaming pumasok.
" Ako na mag-oorder, anong sayo? " tanong niya saakin.
Nang makahanap na kami ng puwesto umupo agad kami at pumili ng makakain.
" Fruity Pancakes and Cappuccino " sinabi ko sa kanya ang order ko.
" Roger that " tumatawang sagot niya. Umalis na siya at nag order ng kakainin namin.
Next namin na pupuntahan is sa mall daw, may bibilhin daw kasi siya sa isang boutique kasi sa susunod na linggo dadating daw ang parents niya at may dinner sila kasama ang business partners ng mga ito.
Ako naman papasok na rin ako sa book store hahanap ako ng libro na pwede kong bilhin at yung kaya lang ng pera ko.
Nang maka pagbayad na kami ng bill namin sa pagkain, umalis na kami at dumiretso sa mall.
" Rain, samahan mo ako mamili ng susuotin ha, ikaw mag judge hahaha! "
" Sure, hindi man halata magaling akong maging judge no "
Naglalakad kami ngayon sa loob ng mall at naghahanap ng magandang boutique para pag-bilhan niya ng damit.
Nang makakita na kami ng perfect na boutique, pumasok na kami at nag-umpisa na siyang mag-hanap ng above the knee na dress at naghihintay lang ako sa upuan habang busy siya.
" Naguguluhan ako Rain, ano na bilis! Anong mas maganda dito sa dalawa? "
Naguguluhan daw siya sa pagpili ng dress dahil parehong maganda ang dalawang hawak niya. Kahit ako nga eh naguguluhan din. Pero para saakin mas maganda itong simple light blue halter dress.
Simple lang ang kaniyang detail pero attractive parin, I like it! Pero sa kanya parin naman iyan siya na bahalang magdesisyon, sinasali pa ako sa kaguluhan na to eh.
" Rain, Can you please wear and try this ? Para ma-icompare ko tung dalawang dress na to. Please? "
Aba, nagpapa-awa pa saakin ah. Tsk! Para namang may choice akong iba ano. Kinuha ko ang dress sa kaniya itong light blue ang ibinigay niya. Babagay bato saakin ? Kailan paba ako huling naka sout ng ganito ?

YOU ARE READING
Darkness Of The Sky
Romance" I am feeling dark emotions on a high level and trapped living in the past and filled with anxiety about living in the future " Mahirap mawalan ng pamilya dahil parang napilayan ka rin at parang hindi na makalakad pa. Iyan ang nararamdaman ni Rain...