BEGINNING
🎶Romeo, take me somewhere we can be alone
I'll be waiting, all there's left to do is run
You'll be the prince and I'll be the princess
It's a love story, baby, just say,-----"ATEEEEE" okay na sana 'yes' nalang ang kulang umeksana pa ang napakagaling kong kapatid bwisit
" BAKIT BA " Sigaw ko pabalik habang inaayos ang aking napaka gandang hair .
Btw ako nga pala si Fatima lorraine cortes ang ganda ng pangalan ko noh kasing ganda ko charrrrrr" Wag kana mag pa ganda hindi naman mall ang pupuntahan natin " at yan naman si buknoy ang bakla kong kapatid nahawa ata to sa bestfriend kong bakla kaya nag kaganyan
" Mall Maya yun , Mall ng basura " pamimilosopo ko din akala mo ha
" mauna na kami ni ashley baka maunahan naman tayo sa pwesto natin " sabi niya saka umalis
Tinuloy konaman ang aking napakagandang kanta sobrang fan talaga ako ni Taylor swift ang ganda kasi ng mga kanta niya at ang ganda kopa charrr ulit hahah .matapos ko kantahin ang love story agad na akong bumaba sa napaganda naming hagdan na inaamag na
" good morning lola " bati ko sa lola namin na hindi matukoy ang sakit
" LA alis na ako ha mamaya pupunta dito si adrianne siya na muna bahala sayo " sabi ko sabay kiss sa pisnge niya
Lumabas na ako sa bahay katulad ng amoy ng basura kahapon ganun din ang amoy ngayon mas lumala nga kasi ang katabi naming subdivision dito tumatapon ng basura ang gaganda ng ugali noh jusko .pero kahit ganun marame parin kaming memories dito tulad nalang ng ilog dito dati doon kami naliligo ng mga batang kalaro ko noon kahit sobrang dumi naliligo parin kami at saka bata palang ako natuto na akong mag trabaho mangalakal ng basura para my makain ganito ang buhay dito kapag mahirap ka basahan ka kapag mayaman ka naman halos purihin ka .back to story na tayo 😅
"ADRIANNE " sigaw ko sa bahay ng baklang kaibigan ko
" BAKIT BA NAG BEBEAUTY REST AKO " aba sa palagay niya makakapag beauty rest siya kapag ganito kabaho ang paligid niya
" IKAW NA BAHALA KAY LOLA HA MANGANGALAKAL NA KAMI " sigaw ko hindi kona siya hinintay mag salita at tumakbo na papaalis baka kasi tumanggi pa hahah . nakarating na ako sa pwesto namin
" Ate bat ngayon kalang " tanong ni buknoy habang kumakain ng tinapay
" hoy san mo nakuha ang tinapay na yan ha
at saka asan si ashley bat hindi mo kasama?"
Tanong ko" kagat kagat ng aso to kanina kaya inagaw ko saka si ashely naman nag hahanap na ng pagkakakitaan " aba ang baklang to piningot konaman ang tenga niya
" ateeee masakit ano ba " reklamo niya
" Sundan muna si ashley at mag hanap kana rin ng plastic para maka delensya na tayo bilis "sabi ko napatakbo naman siya papaalis habang ako kumuha na ng sako at nag babahay bahay na para mangulekta ng plastic o lata" Good morning fatima " bati sakin ng guard sa subdivision hindi sa pag mamayabang pero sikat ako sa lugar namin kahit nga guard kilala ako
" good morning manong guard teka my plastic kana ba" nakangiting tanong ko
" oh eto kinulekta ko talaga yan para maparami delensya mo " nakangiting sabi niya ayos to ha
" salamat manong " sabi ko saka pumasok s loob ng subdivision nag Simula na akong mag bahay bahay hanggang sa makarating ako sa pinaka malaking bahay dito . dito dati nag tatrabaho si lola . nag door bell na ako ng ilang beses pero walang lumalabas aalis na sana ng biglang my sumigaw kaya napalingon ako"SANDALI ANONG KAILANGAN MO " sigaw niya bigla naman akong natulala ng makita ko ang kanyang muka alam moba yung feeling na bigla nalang nag slowmo ang lahat ng makita mo siya sabi nila siya daw yung ment to be mo oh my goddd
"A-ah m-my plastic o lata po ba kayo " nauutaal kong sabi my ghod fatima
" ahh wala balik kanalang bukas " sabi niya sabay talikod akin wahhhhh balik daw ako bukas siguro gusto niya pa ako makita oh my ghod
Hapon na ng makabalik ako samin nakauwi narin pala sila buknoy at Ashley habang si adrianne tulog
" hoy bakla gising na " pang iistorbo ko
" sa wakas nandito kana " sabi niya
" oh ano nakarami kaba ngayon ?" Tanong niya naalala konaman tuloy yung poging lalake kanina oh my ghodd
" hoy hoy hoy anong klaseng ngiting yan ha " tanong niya napaupo naman ako sa tabi niya
" Adrianne I think nahanap kona si destiny " nakangiting sabi ko napatayo naman siya
" tigilan moko jan lorraine kapag my nakikita kang pogi yan parate sinasabi mo nga pala my babaeng mayaman na pumunta dito kanina sabi niya siya daw yung dating amo ng lola mo ikaw yata yung papalit. oh sya alis nako bukas nalang bakla " mahabang sabi niya sabay alis____________________________________
Ayieeee sana nagustuhan niyo don't forget to vote and comment thank you 😘 kung na papangitan po kayo mas magandang wag nalang kayo mag basa 😊

YOU ARE READING
The Triplets and Me
Genç Kurguwhat if ang tatlong nag gagwapuhang triplets ay mag kagusto sa iisang babae ano kayang mangyayare? kyle , kyde , and kiel ang tripletes na pakikiligin tayo sa kwentong ito. papasok naman sa tahimik nilang buhay ang isang babae na sisira sa kanilang...