Nagkasalubong kami ni Vin, we broke up two months ago. I admit na naiinis pa rin ako sa kanya dahil iniwan niya ako. One day he woke up and ayaw na daw niya. Is that even possible?
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang papalapit siya kung saan ako nakatayo. May kasama siyang babae. Hindi naman sila magka-holding hands pero halatang close sila. Naka-ngiti pa sila habang nag-uusap.
Siguro 'iyan yung pinalit niya sa akin kaya niya ako hiniwalayan.
Tinitigan ko pa siya nang maigi. Napansin ko kaagad na hindi na siya nakasalamin. Inisip ko nan aka contact lens na siya. Napaiwas tuloy ako dahil bigla na lang ako napa-ngiti.
Aaminin ko na ang gwapo pa rin niya at siya parin ang tipo ko sa lalaki. Magkakilala na kami simula high-school. Naging kami lang nung college na. Mabait naman si Vin at maayos ang naging relasyon namin. Walang kaming naging third-party o matinding pinag-awayan noon, kaya nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit isang araw, iniwan na lang niya ako.
Gusto ko siyang ngitian pero natatakot ako. What if hindi niya ako pansinin? Or baka isipin niya na hindi pa ako nakaka-move on?
Bahala na!
Nung tumapat sila kung saan ako nakatayo ay ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Namula ang mga pisnge ko dahil pakiramdam ko napahiya ako nang sobra-sobra. Out of nowhere napasigaw na lang ako sa direksyon nila nang, "Ang bitter!" bago ako umalis.
Sana hindi lagi masarap ulam niyo!
Hindi ko alam kung sinasadya ba ito o talagang malas lang ako dahil naging katrabaho ko siya. Accountant kasi siya at ako naman ay employee nang communication department sa kumpanya. Hindi kami madalas magkita kasi sa kabilang building siya pero kapag nagkikita naman, hindi kami nagpapansinan.
Isang ordinaryong araw, dumaan ako sa conference room. Sakto naman na lumabas doon ang head manager ng accounting department at tinawag niya ako at ang sinabing tawagin ko daw si Vin dahil kanina pa late sa meeting nila. Wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Kesa naman magpaka-bitter din ako kaya ginawa ko na lang.
Pumunta ako doon sa office niya at sinabing hinahanap siya sa conference room, "Ok," tipid niyang sagot sa akin tapos tumayo na siya at iniwan na lang niya ako.
Ano 'iyon? Hinintay lang niya na may tumawag sa kanya bago siya pumunta sa conference room? At hindi 'man lang siya nag thank you sa pag tawag ko sa kanya? Ang yabang!
Kinagabihan ay umulan nang malakas. Wala akong masakyan na jeep or kahit taxi 'man lang. Ang dami-dami 'kong dalang reports. Habang naghihintay ako ng masasakyan, biglang may tumabi sa akin na naka hood na lalaki. Matagal din siyang nakatabi sa'akin hanggang sa may bus na huminto sa harap namin kaya agad akong sumakay. Yung naka hood na lalaki naman ay umalis na. Pagsakay ko agad akong nakahanap ng pwesto ko. Maraming tao na ang sumakay pero wala pa sa tabi ko.