Bata pa lamang ako ay gusto ko na siya. Oo, bata pa ako pero may gusto na ako. Malandi ako eh. Bakit ba?
Seven years old ako ng makilala ko siya. Isa siyang bagong estudyante sa paaralan namin. Nang makita ko siya, bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Grabe, ang landi ko pala noon? Pero hindi ko pinansin ang pagka-bilis ng tibok ng puso ko. Hinayaan ko nalang yun dahil baka naexcite lang ako na may bago ng akong kalaro. Pero dumaan ang maraming taon, at dun ko narealized na may gusto na pala ako sa kanya.
Naging kaibigan ko siya at palagi ko siyang kasama araw-araw. Pinilit kong balewain ang nararamdaman ko para sa kanya dahil ayaw ko naman masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero mahirap pala. Mahirap balewalain ang nararamdaman ko para sa kanya. Dahil kapag nakikita ko siyang ngumingiti ay nahuhulog ako lalo sa kanya.
At isang araw nasabi ko sa kanya ng hindi sinasadya ang nararamdaman ko para sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ko. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung sasabihin ko sa kanya bigla ang totoo kong nararamdaman sa gitna ng pag-aaway namin? Naiinis kasi ako sa kanya dahil nagpapa-tanga na naman siya sa Ate ko. Oo, mahal niya ang kapatid ko. At mas nahihirapan ako dahil dun. Gusto kong magalit at mainis sa Ate ko pero wala naman siyang kasalanan na mahal siya ng taong mahal ko.
Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya ay tumakbo ako palayo sa kanya. Nahihiya kasi ako. Alam ko naman ang mga consequences sa mga ginawa at sinabi ko eh. Iniisip ko pa lang na malalayo ako sa kanya ay sobrang nalulungkot na ako. Mas pipiliin ko pang makasama siya na hindi niya nalalaman ang pagtingin ko sa kanya kaysa sa nasabi ko nga ang nararamdaman ko para sa kanya pero malalayo naman ako sa kanya. Mas mahirap yun diba? Kuntento naman ako sa pagkakaibigan namin eh. Sadyang madaldal talaga tong bunganga ko.
At ngayon, heto ako nagdurusa. Tinitingnan siya sa malayo. Masakit. Nakakalungkot. Hindi nakokompleto ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang mga tawa niya.
How could I love someone who loves someone else?
BINABASA MO ANG
Love Square
Short StoryHow could I love him who loves someone else? And how could he love her, knowing that she was in love with somebody else. And how could she love him when he was in love with me? How could we love a wrong person?