Nagulat ako sa biglaang pag-amin ni Ashley sa akin ng nararamdaman niya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Na kay Ashley na ata ang lahat. Maraming nagkakagusto na lalaki sa kanya sa school namin. Hindi ko sila masisi, sobrang ganda naman kasi Ashley eh. Matalino pa siya at mabait. Masyado siyang friendly kaya ang dami niyang kaibigan sa school. Maraming gusto maging girlfriend si Ashley. Kumbaga para sa mga lalaki si Ashley ang "dream girl" nila. Maraming gusto sumubok manligaw kay Ashley pero kinakausap niya ito ng masinsinan na may gusto siyang iba. Marami rin nagsasabi na ang swerte ng gusto ni Ashley. Na ako pala. At tama sila, ang swerte ko nga.
Pero wala eh. Wala talaga akong gusto kay Ashley. Iba kasi ang gusto ko at yun ang kapatid ni Ashley na si Mae. Halos magka-pareho lang rin ng ugali sila Ashley at Mae. Pero mas magustuhan ko si Mae.
Ilang beses ko ng niligawan si Mae pero busted lang ako. Pero hindi ako sumusuko. Mahal ko siya eh kaya lalaban ako. Kahit minsan nahihirapan at nasasaktan ako, tinitiis ko yun dahil alam kong sa huli lahat ng paghihirap ko ay worth it. Pero siguro kahit anong gawin ko, hindi ko talaga makukuha ang puso ni Mae. Paano ko nga ba makukuha kung nasa iba na ito? Kaya nga inis na inis si Ashley sa akin dahil ang tanga ko daw. Aware naman ako na may ibang gusto si Mae eh. Pero hindi ko pinansin yun, baka kasi may pag-asa pa dahil hindi naman siya mahal ng taong mahal niya.
Kaya isang araw kinausap ako ni Mae ng masinsinan. Sabi niya sa akin na itigil ko na ang panliligaw ko sa kanya. Dahil masasaktan at mahihirapan lang daw ako. Dahil may iba ng may-ari ng puso niya. At masaya na siya na minamahal si Arthur ng walang kapalit. Hindi naman daw niya hinahangad na mahalin rin siya ni Arthur pabalik, sapat na sa kanya na pwede niyang mahalin si Arthur. Sabi rin niya sa akin na subukan ko daw na tumingin sa paligid dahil baka nandyan lang daw ang taong para sa akin. Pero hindi ko na kayang tumingin pa sa iba pang babae. Mahal na mahal ko si Mae kaya siguro katulad niya ay makukuntento nalang ako na pwede ko siyang mahalin.
Ito rin kaya ang naramdaman ni Ashley? Ang mahalin ang isang tao na hindi ka naman mahal?
How could she love me when I am in love with someone?
BINABASA MO ANG
Love Square
Short StoryHow could I love him who loves someone else? And how could he love her, knowing that she was in love with somebody else. And how could she love him when he was in love with me? How could we love a wrong person?