Malayang Gabi

2.4K 94 58
                                    

Malayang Gabi

Party roon, party rito. Tugtog dito, tugtog doon. Maingay, mausok, at mga pinaghalong amoy ng iba't ibang klase ng alak.

Sa lugar kung saan pwede mong gawin lahat ng gusto mo nang hindi nakakatanggap ng panghuhusga. At sa lugar na iyon, doon mo makikilala ang iba't ibang klase ng tao.

Kasabay ng mausok at maingay na kapaligiran naroon siya sa gitna, sinasabayan ang ritmo ng musika.

"Everyone! This is Salvi, he just finished his college! Who wants to see him get drunk by this Bacardi?!"

Napuno ng sigawan ang loob ng bar. Lahat itinaas ang kani-kanilang hawak na beer kasabay ng pagsigaw sa iisang pangalan.

"Get Salvi wasted!"
"Bottoms up agad!"

"Go Salvi! Walwalan na!"

Sabay-sabay nilang sigaw. Napakamot na lang si Salvi habang napapailing sa kaibigan niya na nagpasimuno sa ganitong set up. Dahan-dahan siyang tumayo sa tapat ni Jaime. Nakatayo si Jaime sa upuan samantalang siya naman ay nasa tapat nito.

Mas lalong lumakas ang hiyawan nang buksan ni Jaime ang isang bote ng Bacardi. Pagkaraan ay tumingala si Salvi at ibinuka ang bibig, at doon dire-diretsong nilagok ang alak na bumubuhos sa bibig niya.

"Salvi! Salvi!"
"Fucking hot Salvi!"

Sigaw pa ng ibang kakabaihan. Itinaas ni Jaime ang bote nang makakahalati ang alak. Napapapikit na lang si Salvi habang nilulunok ang alak.

"Pokanangina ka Jaime! Papatayin mo ata ako eh!" sigaw nito sa kaibigan matapos bumaba sa upuan. Tawa lang ito ng tawa.

"Hindi mo nga naubos eh!" biro pa nito. Bumalik sila sa lamesa nila kung saan naroon si Aeron, jowa ni Jaime.

Parehas nilang pinagtawanan si Salvi matapos makita na halos mahilo-hilo ito habang naglalakad.

"Dude, kaya pa?" tanong ni Aeron.

"Myghad Aeron, please staph calling me dude! My braincells is aching! Sisihin mo yang leche mong jowa!" singhal nito.

"Baby, look oh. Inaaway ako ni Salvi," paawang sabi ni Jaime sa boyfriend nito. Niyakap naman siya sa bewang nito, bago bumulong.

"Potangina huwag kayong maglampungan sa harap ko. Please lang konting respeto mga bakla"

Natawa naman si Jaime rito. Sinadya niya talaga harutin si Aeron sa harap ni Salvi para mainis ito.

"Hoy bakla! Minsan lang eh! Atsaka alam mo naman na tradition yun ng mga graduates!"

Hindi na lang niya pinansin si Jaime. Umupo siya tsaka isinandal ang batok sa sofa. Si Jaime at Aeron naman ay nagpunta sa dancefloor para maglandian.

Graduate? Oo masaya siya kasi graduate na siya after 5 years of studying in college. Sa wakas tapos na rin ang paghihirap niya sa paggawa ng thesis at mga sunod-sunod na puyatan.

Ngunit masaya nga ba talaga siya?

Napangiti na lang siya nang mapait matapos maalala kung paano siya ginawang rebound ng ex niya na si Remison. Ang masaklap pa one day before graduation tsaka ito nakipag break sa kaniya. Kung kailan akala niya sabay silang gagraduate ng taong mahal niya. Kaso hindi pala, dahil may ibang kasama si Remison sa pagdiriwang ng graduation nila.

"Kingina, ginawa ko naman lahat," natatawang sambit ni Salvi bago inumin ang smirn off beer na hawak.

"Tangina talaga Remison" napailing na lang siya kasabay ng pagtungga sa alak.

Malayang Gabi (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon