Love In The City Of Tokyo

2 0 0
                                    

"GUSTO ko sa Japan tayo maninirahan kapag mag asawa na tayo," sabI ni Kael sa'kin. Kael is my boyfriend. And he's talking about our dreams.

"Ako rin. Sightseeing lang tayo sa overlooking na Tokyo, lalakad sa malilinis na streets, kakain lang ng ramen sa tabi tabi, pipitas ng mga sakura. Yung mga dating pinapanood lang natin," ngiti ko sa kanya.

Pareho kaming mahilig sa anime at Japanese movies. Adik kami sa mga 'yon kaya pangarap talaga naming makapunta doon.

"Tapos may four season pa. May snow! Hihiga tayo sa snow tuwing winter," sabi niya na ikinatawa ko.

Pinagsalikop niya ang mga daLiri namin.

"Promise love, someday, pupunta tayo sa Japan."

And now, unti- unti nang natutupad ang mga pangarap namin. Sumalubong sa'kin ang malamig na simoy ng hangin habang pababa kami ng eroplano.

"HELLO JAPAAAAN!" sigaw ko. Nag uumapaw ang tuwa sa damdamin ko. Tumawa naman si mommy sa inakto ko.

NanditO na kami sa wakas.

Umuwi muna kami sa hotel na tutuluyan namin bago ko hinatak si Kael na lumabas. Hindi na kasi ako makapag hintay.

"Sofie, mag iingat ka! Hindi natin kabisabo dito," sabi ni mommy. Ako lang ba bibilinan niya? Nandito rin si Kael oh.

"Sige po mommy. Mag iingat po kami!" sambit ko pabalik.

Dahil food is life, una naming ginawa ay kumain. Nilakad lang namin ang busy na streets ng Tokyo dahil gusto naming damdamin ang feels...

Napakaraming tao ngunit wala kang makikitang dumi. Naglalakihan din ang screens kada building kaya't sobrang mailaw ng paligid.

Kung hindi lang Japanese characters ang makikita mo sa mga screen ay mapapagkamalan mo ang Tokyo na Time Square sa NYC.

Sunod naming pinuntahan ang Ichigaya. Todo picture kami doon dahil ito yung lugar na madalas pag shooting-an ng mga Japanese moVies or dramas. Tuwang tuwa kami dahil napapanood lang namin 'to dati.

Pinuntahan din namin ang fashion capital ng Tokyo, ang Harajuku. Makakakita ka ng napakaraming stores at shops. Bumili kami ng iilang mga souvenirs don. Sa gilid ng mga streets ay may iilang naka costplay at ang medyo creepy na yami-kawaii.

Magkahawak kaming namasyal sa halos kabuuan ng Tokyo. Buong araw ay nakangiti kami pareho. Ibang klaseng pakiramdam ang tuparin ang mga pangarap mo kasama ang mahal mo.

Nang mag gabi ay nag senti kami sa pinaka malaking parke dito. Maraming tao din ang nandito. Magkaka pamilya, mga magkasintahan o magkakaibigan. Damang dama ko ang pagmamahal sa oras na'to.

"Sobrang ganda dito lovE no?" tanong ko sakanya ngunit hindi siya sumagot.

Iginiya niya ako sa gitna ng parke. Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikad at bewang niya. Ang mga kamay naman niya ay nasa magkabilang bewang ko.

He started swaying us. Natawa ako ng napagtantong sinasayaw niya 'ko.

"Kael, ano ba? Hahahahaha," pagpa pabebe ko.

I will never forget this moment. Me and my love, in the land of our dreams. Dancing under the stars.

Iniikot niya ako paharap sa kaniya. Napalingon ako sa mga taong kanina pa pala nanonood sa'min.  Ngumiti ako sa kanila ngunit kumunot ang noo ko sa pagtatakang nasa mga mukha nila.

Tinitingnan nila kami na para bang maY ginagawa kaming kalokohan. Some of them are laughing. Tinuturo nila kami at pinag uusapan.

"What is she doing?" rinig kong sabi ng isa ring banyaga.

Hindi ko nalang sila pinansin at bumalik sa pakikipag sayaw kay Kael. But I was shocked when he suddenly kneeled in front of me.

Natutop ko ang bibig ko nang mag labas siya ng singsing.

"Sofie, limang taon na din tayo. Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito. Mahal na mahal kita at ikaw lang ang gustO kong makasama habang buhay.

Sofie, will you marry me?" tanong niya.

"Oo! Oo, Kael. Oo. " hindi ko namalayan na umiiyak na pala 'ko.

Isinuot niya ang singsing sa daliri ko. Sandali, kailangan ko 'tong sabihin kay mommy. I'm getting married!

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang nUmber ni mommy.

"Mom! Ikakasal na'ko. Kael just proposed to me!" bungad ko.

I heard her sigh.

"Go home now, Sofiana," sabi niya. What? Hindi man lang niya ba 'ko ico congrats?

"What, mom? Hindi mo man lang ba ako babatiin?" bigonG sabi ko.

"I said go how now, Sofie!" Tumaas na ang boses niya.

Kaya wala na kaming nagawa ni Kael kundi sumunod. Hindi ko mawari ngunit nakakaramdam ako ng matinding pagka lungkot habang pauwi kami.

Nang makarating kami sa hotel ay lumuluhang si mommy ang nadatnan ko pagbukas ko ng pinto.

"Mom! Tingnan mo 'to." Iminuwestra ko ang daliri kong may singsing ngunit nagtaka ako ng wala na 'yon doon.

Nasaan napunta iyon? N-Naiwala ko ba? NahuloG? O baka nakay Kael lang.

"Kael, nasayo ba 'yong singsing?" Nilingon ko siya ngunit wala siya.

Teka, s-san napunta si Kael?

"Kael? Kael, nasan ka? Sandali lang, kausapin mo muna si mommy," tawag ko sakanya.

I froze when mOm suddenly hugged me.

"A-Anak, tama na,"she said while crying.

"W-What? What do you mean mom?" May pumatak na luha sa mata ko.

"S-Sofie, diba? Si K-Kael?"

What? What's with my fiancé?

"He died two years ago," sabi niya at napahagulgOl ng iyak.

"What? Huwag nga po kayong nagbibiro ng ganiyan." Ano bang sinasabi ni mommy?

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang mga kamay ko.

"Sofiana, naalala mo? Yung una sanang pagpunta niyo dito, two years ago? Nag-crash ang eroplanong sinasakyan niyo. Causing Kael's death. " Natutop niya ang bibig niya sa pag iyak.

H-HinDi.

Tinakpan ko ang tainga ko at napaupo sa sahig. I started to shout.

"Tama na! Tama na po please!" Unti- unting bumalik sa ala ala ko ang lahat.

Ang apoy. Ang mga pagtangis at paghiyaw. Ang duguang si Kael.

"You don't need to make me remember, mom. Because I rememBer it all."

Kael is already dead. He died two years ago. Wala na siya. Hindi ko siya kasama kanina. I just imagined all of that.

Mag-isa kong pumunta sa mga lugar na iYon. Mag- isa akong kumain. Mag- isa akong tumanaw sa mga ilaw. Mag- isa kong dinama ang malamig na hangin. Mag-isa akong sumayaw sa ilalim ng mga bituin. Walang proposal na naganap.

Mag-isa kong tinupad ang mga pangarap namin.

I just imagined that he's still here with me.

I just imagined our supposEd love in Tokyo.
---
(WORK OF FICTION. OPEN FOR CRITICISMS.)

Tales Of KatanaWhere stories live. Discover now