~3~
Brenan's POV
" Huwag ka ngang sumandal.." Amputek na babae naman to oh.. Aanhin kaya yung sandalan kung hindi sasandalan?
" Eeeh bakit ba? " Tinulak nya ko palapit sa mesa..
" Hindi ako sanay, pati masama yan.." Daming alam gusto nya lang ako chansingan eh.. Hahahaha XD Pero na-miss ko rin sya huh, ang daming nagbago sa kanya..
"Anak ng! Psh.. Kumain ka na nga lang dyan.. " Tapos ayun kumain na nga sya habang naka-pout.. Hahaha XD Napa-smile naman ako saglit at sigurado akong walang nakakita nun XP
" Anong kinuha mong course dun sa ******* University?" Tanong na naman nya, ang daldal talaga nya, pero okay lang kasi alam kong ginagawa nya yan para mawala yung awkwardness..
" Food Tech.. " sabay subo nung chicken.. Oo gutom ako.. Di pa ko nag-breakfast eh..
" Mahirap ba yun?"
" Medyo pero sakto lang kasi yun naman yung gusto kong course.. " Nag-nod lang sya.. Napansin ko yung Horror book na nakalapag sa gilid nya.. Nagbabasa sya nyan? " Ano yan?" Hahahaha alam ng horror book itatanong pa eh noh?
" Horror book.. Nakakatakot nga eh.. " tapos nag-smile sya.. I miss her smile.. Ang bubbly nya pa rin talaga hanggang ngayon..
" Tss, eh mas nakakatakot pa sayo yang binabasa mo eh.. " Naasar ko na naman sya..
" Adik ka! " Hinampas nya ko nun ng mahina ..
" Chansing ka na naman .. " Nakita kong nag-blush sya.. Nakasimangot na parang pinipigilan nyang ngumiti? Gets nyo? Hahahaha ang kulit eh..
" Mukha mo.. Bala ka dyan.. " Pinagpatuloy nya na ulit yung pagkain, kala ko tatahimik na sya.. Pero ang dakdak pa rin.. Hahaha XD
" Oh ubusin mo yan! " Ayan na naman sya, ayaw nya kasing nagtitira ako ng pagkain.. Sayang daw..
" Bakit? Busog na ko.. " I sip my drink..
" Kita ng marami ngang nagugutom tapos ikaw di mo uubusin? Ubusin mo yan.. " Psh, daig nya pa sila Mommy kung pagalitan ako ..
"Eh bakit pag inubos ko ba to, mabubusog sila?" Ang pinaka-famous na sagot pag ganyan na usapan.. Hahahah eh totoo naman diba? Eh kung mabubusog sila uubusin ko talaga to..
" Pilosopo ka!" She threw me a death glare.. Kaya ayun inubos ko na.. Hahahha katakot sya eh..
Tapos na kaming kumain, pero bago yun nagpaalam muna syang pupuntang CR, kakagaling nya lang dun kanina eh, nagpapaganda na naman sya.. Eh maganda na nga sya .. Eew Brenan Cheesy! :X
" Akina na nga yang bag mo.. " Kinuha ko yung bag nya tapos nauna na kong naglakad.. Hahahah nasanay kasi ako na laging ako yung nagbibitbit ng bag nya, kahit na pambabae pa yan.. I don't care..
" Oh san na tayo nyan? "
" Sa puso mo.. " *boshung*
" Aray bakit ba?" Binatukan lang naman nya ko.. Nag-joke lang naman eh..
" Bilis saan nga.. " Naiirita na sya nun.. Lakad lang kami ng lakad, sya sobrang pagod na .. Ako okay pa naman.. Eh di pa naman kami nakakalayo pagod na agad sya.. Weak talaga..
" Sa puso mo nga.. " Babalik nga ako.. XD
" Che! Bahala ka dyan.. Uwi na ko.. " Naku nabadtrip yata.. Hinatak ko sya sa wrist nya.. Hindi naman mahigpit, sapat lang..
" Mall tayo.. " Sumakay na kami ulit sa kotse..
*MALL*
" CR lang ako.. " Na naman? Nag-nod na lang ako, naghintay ako dun sa food court.. More than 5 minutes na nakalipas pero di pa rin sya bumalik.. Tinext ko sya na andun lang ako sa dulong table, hindi nagreply.. marami bang tao sa rest room? Well lumapit na lang ako sa rest room if ever.. Baka iniwan na ko nun..
" Nahimatay yata.. "
"Kinapos ng hininga yun.. "
" Baka gutom? "
" Ayaw daw magpadala sa hospital eh.. "
Narinig kong usapan nung mga babaeng kalalabas pa lang ng CR.. Sino kaya yung pinag-uusapn nila? Nabaling yung tingin ko sa biglang bukas nung pinto.. Nakita ko naman na lumabas si Angela, may nakahawak sa braso nyang babae pero tinanggal nya rin agad nung nakita nya ko.. Oy! wala akong balak manilip ah?
" Okay ka lang? " Namumutla kasi sya.. Tapos pinagpapawisan pa sya eh aircon na nga tong mall eh.. May problema kaya?
" O-Oo naman.. Hehehe.. Tara .. " Binilisan nya yung lakad sabay hablot sakin.. Talaga tong babae na to.. Pero kasi kanina ko pa napapansin na parang may kakaiba.. Ang dalas nyang pumuntang CR.. tapos yung namumutla pa sya..
Napadpad kami sa sinehan.. Sabi nya sya naman yung manlilibre.. Kala ko ba 100 lang pera nya.. Well, Di naman ako pumayag kaya nakipag-unahan akong bumili ng ticket.. Hahaha XD Nauna naman ako.. Belat! XP Kaso may kundisyon daw sya..
" Eto yung papanuorin naten! " Tinuro nya yung poster na ang pamagat " Diary ng Panget" Sounds ewan nung pamagat pero wala naman akong nagawa kasi sya yung may authority sa puso ko eh.. O_O Did i just said that?! EEW !!
Naupo kami sa bandang gitna.. Buti naman at nasimulan namin yung movie.. Nakita kong tuwang-tuwa si Angela.. Napanuod na ba nya to? Ang daya..
" Ano ba kwento nyan? Eh mukhang napanuod mo na yata? " tanong ko sa kanya habang pinapakilala yung mga cast nung movie..
" Story lang yan dati, tapos ngayon na-produce na as movie.. Grabe talaga! To the Highest Level yan sa ganda.. Idol ko writer ng story nyan.. " Nangingiti naman ako sa overacting nyang description.. Parang nangingislap pa mata nya eh .. Hahahah XD
" Ah ganun ba.. Sige.. Oh.. " Inalok ko yung popcorn na binili namin sa labas.. Kinuha nya lang nang hindi man lang nag-thank you, ni hindi nga ako nilingon kasi nasa big screen lang sya nakakatutok..
" HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA XD " Laughtrip mga dre! Hahahahaha XD sakit ng tyan ko kakatawa.. Ang ganda nga nitong movie na to.. Hagalpak kaming dalawa ni Angela habang nanunuod eh.. Pero mabilis nyang kinakalma sarili nya.. Baliw talaga to.. Pero katawa talaga, yung si Cross, okay na sana eh.. takot lang sa multo.. Buti pa si Eya matapang eh.. Hahahaha lakas-trip XD Idol ko na rin author ng story na to..
Nandun na kami sa part na pinagtatakhan ng mga tao yung pagta-transform ni Cross, yung lagi na syang naka-smile pati yung pag-hum nya sa Theme song nila ni Eya.. Di ko alam pamagat nung song pero maganda sya huh?
" Brenan wait lang ah?" Saan naman pupunta to? Dala nya yung bag nya eh.. Iiwan nya ko dito? Mag-isa?
" Saan ka pupunta?" tanong ko habang hawak yung wrist nya..
" CR babalik din ako.. " Tapos ayun tumayo na sya.. CR na naman? Ano to, favorite tambayan na nya yung CR? Tsk, naka-ilang punta na sya dun..
BINABASA MO ANG
One Last Day with my Ex
Short StoryMy last wish is to spend my whole day again with my ex boyfriend. I never thought that it became my last day. Thank God i spent it with him..