Eight

535 23 0
                                    


Elle

Ang gwapo ng secret boyfriend mo, Piper.

Oo, secret boyfriend dahil ang tagal mo siyang itinago sa akin. Mahigit dalawang taon na pala kayo ni Judd? Bakit mo siya itinago sa akin? At bakit mo siya tinanggihan?

Ni minsan ay hindi ako nainggit sa mga naging boyfriends mo. Dahil gusto kong maging masaya ka. Kasi kung masaya ka, masaya rin ako. Pero hindi mo lang alam kung gaano ako kainggit na naging boyfriend mo si Judd. Tapos tinanggihan mo pa ang marriage proposal niya? Ano bang naisip mo Piper?

Gwapo, mukhang mabait at responsable pa. Ano pa bang kulang sa kanya?

Nang sinabi sa akin ni Judd kagabi na tinanggihan mo siya ay hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Mukhang mahal na mahal ka niya, Piper. Gusto ka niyang makasama sa habang buhay. Isipan mo nga, may handang pagtiisan ka sa kabila ng pagiging maldita at masungit mo.

Matapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto mo. Pagdating ko sa salas ay kaagad na sumalubong sa akin ang masarap na amoy ng pagkain. Dinala ako ng mausyoso kong ilong sa kusina kung saan nadatnan kong nagluluto si Judd.

At marunong pa siyang magluto? Piper naman, eh! Minsan hindi talaga kita maintindihan.

"Morning!" Masayang bati niya sa akin. Suot niya ang cute na pink frilly apron na binigay ko sa'yo.

"Good morning," hindi ko mapigilang tumawa.

"Ang cute, no?" Sabi niya habang nakatingin sa suot na apron. May hawak pa siyang sandok.

"Binigay ko 'yan kay Piper." I was hoping na matututo kang magluto pero hindi pa rin. Nasanay ka pa rin sa take out. Mabuti na lang at marunong magluto itong mapapangasawa mo.

Sandali. Hindi mo nga pala tinanggap 'yung proposal niya. Nakakainis ka!

"I like it!" At nagpaikot-ikot pa siya.

Umiling ako at tumawa. Haay, Piper! Ano bang wala sa lalaking kaharap ko?

"Kain tayo," sabi ni Judd sa akin habang naglilipat ng bacon sa plato. "Bumili ako ng groceries kahapon. Wala kasing laman 'tong ref ni Piper."

Walang laman dahil hindi ka naman kasi marunong magluto.

Tiningnan ko ang bacon sa plato. Tamang-tama lang ang pagkakaluto ni Judd sa mga ito.

"There's also coffee," dagdag niya at itinuro ang coffee maker.

Nakakatakam ang niluto niyang bacon pero magdadala ng pagkain si Nanay Ining ngayon sa shop. Ayokong magpakabusog. Paborito ko pa naman ang niluto ni Nanay Ining.

"Kailangan ko nang pumunta sa shop," sabi ko at napatingin sa aking relos. Mag-a-alas siyete pa ng umaga pero kailangan kong pumasok ng maaga dahil marami kaming i-che-check para sa event na aayusin namin mamaya.

"Come on, Elle!" Dismayadong sagot ni Judd. "Nagluto ako para sa'yo."

Napangiti ako. I feel flattered. First time na may lalaking nagluto para sa akin.

"Magdadala kasi ng pagkain si Nanay Ining, eh." Ang totoo ay nagpaluto ako ng kare-kare kay Nanay Ining. Ang tagal ko na kasing hindi nakakain ng kare-kare.

"Nanay Ining?" Pinatay ni Judd ang stove at lumapit siya sa table. Kumuha siya ng pinggan at nilagyan 'yun ng dalawang piraso ng bacon at inilapag sa harapan ko.

"Siya 'yung yaya namin ni Piper noong mga bata pa kami. Ngayon ay tinutulungan na niya ako sa shop," ang sabi ko habang nakatingin sa bacon na nasa harapan ko.

You & Me + Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon