CHAPTER 1

24 9 2
                                    

Lumabas ako sa'king kwarto at pumunta sa kwarto ng mama ko para tanungin siya kung ano ang nangyari sakin nung nasa ospital ako.

"Mi? may ginagawa kaba?" sabi ko at sabay katok sakanyang pinto.

"Wala anak, pasok ka." tugon naman nito. Binuksan ko ang pinto at pumasok, pumunta ako sa kama nito at humiga.

"Mi? pwede mag tanong?" sabi ko dito habang siya ay nag cecellphone.

"Sure, ano ha iyon?" tanong uli nito.

"Sure kaba mi, na kaya ako naospital kasi Nahimatay lang ako pero bakit parang nawala ang alala ko?" saad ko dito at sabay titig sakanya. Tumingin sa'kin si Mommy at natigil ang kanyang pag cecellphone.

"A-ah o-oo anak b-bakit?" utal na sabi nito sa'kin, "Bakit mo natanong?" sabi  nito.

"Kasi mi, may nakita akong lalaki kanina na parang familiar sakin parang ang tagal nanamin mag kakilala ganon." sabi ko.

"Nako ngayon kalang lumabas ng bahay ang dami mona nakita, alam mo anak wag mo problema yung mga ganong bagay okay?" saad nito sa'kin at sabay kapit sa'king kamay.

"O-okay..." sagot ko. Tumayo ang at lumabas ng kwarto ng mama ko. Hindi koba alam pero parang may tinatago sila sa'kin na hindi nila sinasabi.

𝙅𝙊𝙎𝙃𝙐𝘼 𝙋𝙊𝙑

Nag mamadali akong umuwi sa bahay para tignan uli ang litrato, pumasok ako at pumunta sa'king kwarto at tinignan ko ito.

"Bakit kamuka mo siya? ikaw ba ito." sabi ko sa sarili ko. "Tsaka ano ba meron sayo."

Nakatitig lang ako sa litrato at isip ng isip. Naisipan kong puntahan si Riley para tanungin kung sino ang babae na kasama ko sa litrato.

Lumabas ako at nag tungo sa bahay nito, pag punta ko dito at agad ako nag door bell.

"Riley!" sigaw ko.

Bukas ang gate at nakita ko agad si Riley na nakaupo sa kanilang labas.

"Oh josh ikaw pala, ano ginagawa mo dito?" tanong nito sakin habang ito ay nag kakape. "Kakauwi kolang kasi galing ako ng trabaho."

"May itatanong lang sana ako," sabi ko dito.

"Osge ano yun? umupo ka muna." sabi nito. Agad ako umupo at pinakita sakanya ang litrato.

"Kilala mo siya?" tanong ko.

"Si Karina?" sabi nito, "Oo kaibigan ko siya nag kakilala lang kami sa isang restaurant."

"Karina..." sabi ko sa isip ko.

"Bakit kayo mag kasama jan?" tanong  nito sa'kin.

"Ayun nga ang hindi ko alam, May alam kaba nung nasugod ako ng ospital?" tanong ko sakanya. Kumapit ako sa ulo ko at nag isip isip.

"W-wala," sagot nito.

"Bakit parang nauutal ka? yung totoo Riley." seryoso kong sabi sakanya.

"Wala talaga." saad naman nito.

"Kung ganon, okay aalis na'ko sorry sa pang iistorbo." sabi ko dito. umalis ako sa kanilang bahay at umuwi samin.

Hanggang ngayon gulong gulo padin ako kung anong nangyari dahil napaka hirap nito alalahanin. Sa nangyari sa'kin hindi ko alam naaksidente ba ako o ano.

"Oh anak andito kana pala saan ka galing?" tanong ni mama habang siya ay nag lilinis ng sala.

"Wala ma, akyat nako." sagot dito.

𝙆𝘼𝙍𝙄𝙉𝘼 𝙋𝙊𝙑

"Punatahan ko uli kaya yung guy nayon?" sabi ko sa sarili ko habang papunta sa sala.

Naisipan ko na bumalik sa kwarto ko para kag ayos, gusto ko kasi puntahan yung lalaking yon para maging okay na sa'kin ang lahat at para hindi nadin ako magulugan.

"Karina! saan ka pupunta?" tanong sa'kin ni dadi habang ako ay papalabas ng gate namin.

"A-ah bibili lang po!" singhal ko at sabay sara ng gate.

Nag hintay ako masasakyan, nginit wala padin kaya nag lakad ako papunta sa sakayan. Lumipas ang ilang minuto nakarating nako sa sakayan at sumakay.

"Manong sa Brgy Angles po." sabi ko at sabay bigay ng bayad, "Patay ako neto." napapikit ko na sabi sa sarili ko.

Nakaalis na kami at pumunta sa Angeles, binaba ako nito sa waiting shed kung saan doon ko nakita ang lalaki.

"Pa'no ko siya mahahanap kung hindi ko alam ang panagalan." sabi ko sa isip ko. Nag lakad lakad ako at nag tanong tanong. Kinalaunan nakita ko ang lalaki na hinahanap ko sa isang tindahan at doon ay bumibili siya.

"Kuya!" sigaw ko sakanya. Pinuntahan ko siya hanggang sa makalapit ako sakanya.

"Diba ikaw yung napag tanungan ko kung saan bahay ni Riley." Sabi ko at sabay kamot sa'king ulo.

"I-ikaw..." Sabi nito.

"By the way i'm Karina." sabi ko dito at sabay tapat ng kamay ko sa harap niya.

"Josh." sabi nito.

"Sungit naman neto." saad ko sakanya.

"Bakit ka nandito?" tanong niya sa'kin at sabay alis.

"Teka lang bakit ba ang sungit mo!" inis ko na sabi sakanya.

Lumingon ito sa harap ko at nilapitan ako, "Sino kaba bakit ang kulit mo." seryosong sabi nito sa'kin.

Bigla akong hinila nito at dinala sa isang bahay, Pinapasok ako nito at pina upo.

"Kanino tong bahay?" tanong ko. "Bakit ang familiar naman neto sa'kin."

"Bakit nakapunta kanaba dito?" masungit na sabi nito habang ito ay nasa kusina.

"H-hindi. kasi ang totoo niyan hindi ko alam kung bakit ako narito." sabi ko sakanya.

"Bakit moko pinuntahan dito at ano kailangan mo?" tanong niya sa'kin.

"Ang familiar mo kasi sa'kin para bang kilala na kita dati pa." sabi ko dito.

Umakyat si Josh sa taas nila at pag baba nito may dala dala siyang isang frame ng isang litrato. Lumapit ito sa harap ko at pinakita sa'kin.

"Ikaw ba ito?" tanong niya sa'kin.

"Teka ako ba iyan? Bakit parang kamuka ko yang kasama mo?" sabi ko sakanya.

Tinitigan kong mabuli ang litrato. Biglang lumapit sa'kin si josh at kinapitan ako nito, Nakaramdam ng pag kagaan ng loob ko sakanya habang kapit niya ang aking kamay

"Kung sino man, ang kasama ko sa litrato sana makita ko siya." sabi ni josh sa'kin at sabay bitaw ng kamay niya sa kamay ko.

Umalis nako sa bahay at umuwi, sa'king pag uwi tila napaka daming katanungan sa'kin kung sino ba talaga si Josh ano ko siya at sino siya sa buhay ko? ako ba yung kasama niya sa litrato o iba, bakit napaka daming tao na tila nag lilihim kung ano ang nangyari sa'kin.

𝙅𝙊𝙎𝙃𝙐𝘼 𝙋𝙊𝙑

"Sino kaba talaga? Karina?" sabi ko sa sarili ko at habang nakatingin sa litrato.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I MET A GIRL (On-Going)Where stories live. Discover now