CHAPTER 11:Behind that hoods

5 0 0
                                    

CHAPTER 11:Behind that hoods

LINGGO ngayon at walang pasok kaya naka-kulong ako sa bahay magdamag at walang balak na lumabas nagluluto ako ng pananghalian ng may nag-doorbell dali-dali akong pumunta sa pinto at binuksan iyon sa isipang si daddy 'yon ngunit pagbukas ko ng pinto mas nagulat ako kung sino iyon.

"Candice?Jane?" tawag ko sa pangalan nila

"Surprise!!" sabay nilang sabi na nakangiti habang ako nagtataka.

Kumunot ang noo ko "paano niyo nalaman kung saan akong nakatara?" tanong ko at bumungisngis naman si Candice.

"Naka limutan mo naba?hinatid kita dito nung nabugbug ka no!" natatawang sabi niya 'akit kayo nandito?" tanong ko ng mai-sara ko na ang pinto.

"wow! ang ganda ng bahay niyo Haylie!" sabi ni Jane na may paghanga ang boses at hindi pinansin ang tanong ko.

Tumango tango naman si Candice "oo nga!ikaw lang ba mag-isa dito?"

Umiling ako "Kasama kosi dad kaso nasa business trip siya" sagot ko tumango lang sila "so anong ginagawa niyo dito?" tanong ko ulit at ngayon humarap sila saakin.

"Mamamasyal tayo!" masayang sabi ni Jane.

"Total wala naman pasok mag-eenjoy tayo!" masaya ring wika ni Candice ngunit nawala iyon "naaamoy niyo bayon?" tanong niya sabay singhot.

"amoy sunog!" ani Jane

"Yung niluluto ko!" sigaw ko at tumakbo sa kusina pagdating ko umaapoy yung niluluto ko kaya kaagad kong pinatay yung stove nakahinga ako ng maluwag nung mawala yung apoy.

Habang kumakain kami nagtatalo yung dalawa hindi pa daw sila kumakain kaya nakikain dito.

"Ikaw Haylie saan mo gusto pumunta?" tanong saakin ni Jane.

Nagkibit balikat ako "Hindi ako sasama" sagot ko na ikinasimangot nila parang bata.

"oh come on!" reklamo ni Candice.

"This our first bonding Haylie!sama ka na please" pagmamaka-awa ni Jane at nag puppy dog face nanaman ako ang kukulit ng mga ito sabagay wala din naman ako gagawin dito sa bahay kaya tumango nalang ako at itong dalawa nagtititili.

Habang naglalakad-lakad dito sa mall pakiramdam ko ay may nakatitig saakin ngunit hindi ko na iyon hinanap dahil alam kong hindi ko siya makikita kaya pinasawalang bahala ko na lang iyon.

Nandito kami sa may food court dahil nagugutom nanaman daw ang dalawa at ako ay bumili lang ng large frenchfries para kainin 'yon sa daan pagkatapos nilang kumain pumunta kami sa mga bilihan ng damit ako naman ay croptop oversized hoodie lang ang binili yung dalawa naman ewan ko kung ano pinagbibili pumunta rin kami sa arcades at naglaro.

Pagkatapos namin gawin lahat ng gusto namin umuwi narin kami at madilim na sa labas at pumunta sa parking lot,sumama sila pauwi sa bahay para kunin ang kotse nila isang kotse lang kasi ang ginamit namin at 'yon ay ang kotse ko.

Pagkauwi namin ay agad na din silang nagpaalam at sumakay sa kaniya kaniyang kotse saby pinaharurot 'yon at ako naman ay pumasok na sa bahay nag-shower lang ako,nagbihis at pinatuyo ang buhok ko at natulog na hindi na ako kumain dahil kumain na kami sa mall bago umuwi.

Maaga akong pumasok and as usual kaunti pa lang ang estudyante na gaya ko din ay palakad lakad lang din.Nasa hallway ako ngunit napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang music hall napagdesisyonan kong pumasok doon at nasisigurado akong wala ang asungot dito.

Nakita ko ang iba't ibang instrumento ngunit isa lang ang naka-agaw ng atensiyon ko, ang piano lumapit ako doon at umupo sinimulan ko ang pagpindot doon at pagkanta.

Immortal BelovedWhere stories live. Discover now