CHAPTER 4: BLOODY WELCOME
Iminulat ko ang mga mata na sobrang sakit ng katawan inilibot ko ang paningin ko hindi pamilyar saakin ang lugar puro puno ito at sa tingin ko ay sa likod ito ng eskwelahan medyo madilim na ang paligid at unti unti nading nawawala ang araw.
Isang malakas na sipa ang nag pagising saakin ng tuluyan dahilan para mamilipit ako sa sakit hindi ako makagalaw dahil nakatali ang kamay ko sa likod pati narin ang paa ko may naririnig akong tawanan ng babae.babae!? Tiningnan ko ang mga taong nasa harapan ko nakita ko ang tatlong lalaki kanina sa cafeteria na nakaupo at meron pang dalawa sa likod nila ngunit hindi ko na sila kilala meron din akong nakitang limang babae sila ang nananakit saakin kanina pa,naramdaman ko ang pagsipa at pag tadyak nila saakin kanina bago ako nawalan ng malay.how dare them?!kung hindi lang ako nakatali kayang kaya kong sirain ang mukha nila!
"Gising na pala ang ating newbie" narinig kong wika ng parang lider nila na umakbay at humawak sa hita ko kanina sa cafeteria.
"Tim siya ba yung nag bigay ng sugat mo nayan" ani ng isang babae sabay turo ng sugat sa labi nito.Tim pala pangalan ng bastos nayan.
"Oo siya nga" aniya tinignan ako ng masama ng babae lumapit ito saakin at sinipa ako.
"Oh crap!you bitch!" gigil na wika ko tumawa lang siya.what's funny?
"Dapat lang yan sayo" pagtaray na sabi nito.
"Tama na muna yan Colleen" wika ng lider nilang si Tim.Colleen pala pangalan ng bruhang iyon!
Lumapit sa akin si Tim at hinila ang baba ko at pinaharap sakanya.
"sa susunod kasi kilalanin mo ang kinakalaban mo" wika nito at sinampal ako namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkasampal niya.
"You moron! kapag nakawala ako dito I will kill you!" pagbabanta ko kahit alam kong wala na akong laban at puno ng pasa ang katawan ko ano nalang ang sasabihin ni dad pag nakita niya akong ganito?.
"kung makakaalis ka dito ng buhay" nakangising sabi nito at hinawakan ang hita ko. oh god help me.tumayo ito at akmang sisipain ako ng may marinig kaming boses na nagpatigil saamin.
"Anong ginagawa niyo" walang emosyong sabi nito ngunit nakakatakot at ang lalamin ng boses nito hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa dilim humakbang siya paharap duon ko nakita ang mukha niya dahil sa nagiisang ilaw na nangagaling sa poste.
"V-Vlad" nauutal na tinawag ni Tim ang pangalan ng lalaking ngayon ay nakatayo sa harap nila bakas ang takot sa boses nito.
"v-vlad wala naman tinuturuan lang namin ng leksiyon itong newbie"
"at bakit?" tanong ni vlad na wala paring emosiyon ang boses at ang mukha nito.
"bastos kasi eh kaya dapat pangaralan diba guys?" sumang-ayon naman ang kasamahan niya.
"anong bastos!? ikaw nga itong naghihipo diyan!" sabat ko "self defense ang ginawa ko hindi bastos kung may bastos dito ikaw yon!" dugtong ko tinignan ako ng masama ni Tim habang si Vlad naman ay pinagmamasdan ako.wala ba siyang gagawin?tssk umaasa lang ako.
"Tumigil ka nga!" itutuloy niya sana ang naudlot na pagsipa niya saakin kanina ng magsalita nanaman si Vlad.
"Subukan mong sipain siya at ipapangako kong hindi kana ulit makakalakad" ani nito wala parin itong kahit anong emosyon.wow! pinagtanggol niya ba ako? o baka naman imahinasyon lang ito.
"p-pero kailangan niyang turuan ng leksiyon!" medyo mataas ang boses na sabi nito ngunit hindi umimik si Vlad na nakapamulsa at tinitigan lang Tim.
YOU ARE READING
Immortal Beloved
VampiroShe's Hailey Adler a girl who lives with a peaceful and normal life.And in a one blink of eye her life become mysterious. There are no secrets that meant to be a secret forever and here,the greatest secrets are getting revealed day by day-and it was...