She's gone (one shot)

2 2 0
                                    

"BULAGA!!" napalingon ako sa taong nanggulat sa'kin. Naiiling na napangiti na lamang ako matapos makita ang saya sa kan'yang mukha.

"Anong ginagawa ng soon to be hubby ko aber?" Dagdag nito ng hindi ako sumagot at tumitig na lamang sa kan'yang mukha. Nameywang ito at tinaasan agad ako ng kilay sabay dungaw sa aking ginagawa.

"Baby, take a look at this. Malapit ng matapos ang blueprint ng bahay natin." Masayang anunsyo ko sa kan'ya sabay hila sa bewang niya upang maupo sa mga hita ko.

"Ayyy! Ano ka ba naman Floss..magdahan dahan ka nga at baka malaglag si baby." Natatawa akong hinampas nito pero hinaplos ko lang ang kan'yang namumulang mga pisngi at ngumiti ng malawak.

"Baby naman, hahayaan ko ba namang mangyari 'yon?" Nguso ko dito sabay hawak sa kan'yang medyo may umbok ng tiyan.

"Ewan ko sa'yo!" Inirapan lang ako nito bago humarap sa kanina ko pang ginagawa.

"Surprised? Well~ ako lang naman 'to baby. Ang gwapong engineer na mapapangasawa mo." Tumawa ako sabay kindat sa kan'ya ngunit hampas lang ang iginante nito sa'kin.

"Ang ganda! Ang ganda ng gawa mo baby. It's my dream house goshh! Thank you so much baby." Tuwang tuwa akong niyakap nito sabay halik sa pisngi ko.

"Para sa pinaka magandang buntis na nakilala ko, lahat ng pangarap mo tutuparin natin mahal ko." Hinaplos kong muli ang pisngi nito sabay halik sa kan'yang noo.

"You'll be the best husband and father in the world. Thank you for making me so damn happy. I still can't believe that we're getting married two weeks from now. I'm so excited baby." Sunod sunod nitong sambit habang ako naman ay nakatitig lang sa kan'yang nagniningning na mga mata dahil sa saya.

"No, I should be the one to thank you baby. I'm so lucky that God gave me you. You and our baby, you both are my life. I can't wait to get married and make you my queen. I love you so much Claire." Emosyonal ko siyang hinalikan matapos sabihin ang mga katagang 'yon.

"Hmpk! Ang Drama ng baby ko HAHAHA. Pero mahal din kita, mahal na mahal kita~ namin ni baby." Kinuha nito ang aking isang kamay at ginabayan akong haplosin ang kan'yang tiyan.

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon at tila ayokong matapos pa ang sandaling 'yon ng buhay ko. Masarap sa pakiramdam na kapiling mo ang parehong mahalaga sa buhay mo. Sabay niyong aabutin ang pangarap na pareho niyong binuo ng ilang taon.

Katatapos pa lamang naming pareho ng kolehiyo. Abogado pareho ang kan'yang mga magulang kung kaya't iyon din ang kinuha niya samantalang ako naman ay nagtapos ng civil engineer at parehong successful ang business ng magulang.

Nagdesisyon akong hingiin ang kamay niya noong araw ng pagtagapos niya. Isa't kalahating taon din ang hinintay ko para sa aming dalawa at heto na nga, dalawampu't apat na araw nalang ang bibilangin ko. Ang dream house ni Claire ang kauna unahang proyektong ginawa ko matapos kong makapagtapos.

-

Isang linggo ang lumipas. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi ko malaman ang nararamdang saya. Gusto kong hilain ang araw para makasama ko na siya. Pero kailangan ko munang magtiis, isang linggo pa. Isang linggo nalang.

Nandito ako sa condo unit ko, mag isa. Tinatapos ko ang dapat gawin. Dito kami pansamangalang titira dahil may kaunting aayusin pa ang bahay na pinapagawa ko. Naligo lang ako at nagbihis ng pantulog bago ko naisipang tawagan ang babaeng pakakasalan ko. Nasa Canada sila ngayon kasama ang mommy niya para sa dadaluhang kasal din ng kinakapatid niya na nakatira na roon.

Ilang ring pa lang ay sinagot na niya ito kaya napangiti agad ako.

"hi baby, Late na dyan ah? Bakit gising ka pa?" Bungad na tanong agad sa'kin ni Claire. ( guys, hindi ko alam ang gap ng time sa Canada and Phil. Blkjn!)

She's gone (One Shot)Where stories live. Discover now