Chapter 3

10 2 0
                                    

Kurt's POV
Nag-uusap usap sila. Alam nilang wala na ako sa sarili kaya hinahayaan na lang nila ako. Kumakain sila ngayon. Naalala ko na naman yung nangyari dalawang taon na ang nakakalipas.

FLASHBACK
Andito ako ngayon sa bahay ng pinsan ko. Tropa ko din to mula pa nung bata pa kami. 16 na kami ngayon. Alam kong suportado ako nito sa lahat, basta masaya ako. Umiinom kami, kanina pa kami umiinom at alam kong May tama na ako, okay lang naman yun. Kasi yung girlfriend ko sobrang mahal ako. Hindi niya ako kayang iwan at hindi niya ako sinasakal. Ganun niya iparamdam kung gaano niya ako kamahal. Kaya sobrang swerte ko. Sa kabila nun nakukuha ko pa ring mambabae. Pero hindi niya pa rin ako iniiwan kahit ilang beses ko na siyang niloloko. Ganun niya ako kamahal, kaya sobrang swerte ko talaga.

"Kurt si Nathalie nga pala." Biglang pag salita nung pinsan ko nung may pumasok na isang MAGANDA AT SEXING BABAE

"Aw, hi Nathalie. Ang ganda mo naman." Pag pansin ko dito

"Hello Kurt, ang gwapo mo naman." Aba HAHAHAHA

"Halika, maupo ka." Pag aya sa kaniya ni Brent, yung pinsan ko. Naupo naman ito sa tabi ko

"Kukuha muna ako ng baso at pulutan. Maiwan ko muna kayo." -Brent

"Kurt" tawag pansin sa akin nung babae at saka pinatong ang kamay niya sa hita ko. "May girlfriend ka na?"

"Ahh oo"

"Ayy ganun ba?"

"Oo, bat mo naman natanong?"

"Wala lang, ang gwapo mo kasi. Type kita eh. Matagal na."

"Talaga?"

"Oo kaso mukhang naunahan na ako" tapos bigla siyang kumagat sa labi niya habang medyo nagpapa cute. DAMN THAT LIPBITE WAS SO HOT!

"HAHAHAHA hindi pa naman siguro" Sagot ko sabay higit sa bewang niya papalapit sa akin. Pumupungay-pungay na ang mata ko nang walang anu-ano'y siniil niya ako ng halik. Hindi ko namalayang humahalik na pala ako pabalik. Ilang minuto kaming nanatili sa ganun. At ilang minuto pa ang nakalipas nang biglang may pumasok

"Ha! So ito pala yun?! Akala ko ba IINOM KAYONG MAGPINSAN?! Bakit dalawa lang kayo? Pinsan mo ba yan?! Akala ko ba WALANG BABAE?! Babe pang ilang beses na to ha?! Ilang beses kitang tinawagan!! Alam kong uminom kayo kaya nag alala ako na baka kung ano nang nangyari sayo!! Tapos ganito ang aabutan ko?!! Alam kong lasing ka pero hindi na ako papayag na maulit pa to!! Tama na! kasi Kurt ANG SAKIT SAKIT NA!!" Nanlambot ang puso ko nang makita kong ang babaeng malakas at tinatanggap ako ay napaluhod habang umiiyak. Na tila nanlambot ang tuhod nito sa eksenang naabutan, na tila sobrang nasasaktan na at nahihirapan. "Mag hiwalay na tayo. Lasing ka kaya siguro nagawa mo yan. Pero hindi ito ang unang beses. Ginawa mo na to ng higit sampong beses lasing ka man o hindi. Nasasaktan ako pero hindi pa rin kita kayang pakawalan kasi mahal kita. Pero ngayon, mas nangingibabaw na ang sakit na nararamdaman ko. Dahil sa kabila nang ginagawa ko para hindi ka magsawa at masakal, nakuha mo pa ring magloko. Hindi ako makahanap ng rason para magloko ka Kurt."

Pagkatapos niya bitawan ang mga salitang yun, umalis na siya. Ilang minuto lang ay bigla akong natauhan. Lumabas ako at hinanap siya. Ngunit hindi ko siya mahanap! Nasapo ko na lang ang noo ko. Napaupo sa sahig sa gitna nang madilim na kalangitan. Ano na namang ginawa mo Kurt?! Hindi bale, Alam kong magkakaayos rin kami bukas. Napangiti ako sa naisip ko. Ngunit nawala yun nung bumalik sa isip ko ang eksena niya kanina. Kung saan sa ilang beses kong pagloloko, siya ring unang beses ko siyang nakita na napaluhod. Tila sumusuko na talaga.

Lumipas ang gabing yun at isang lingo. Ngunit hindi ko pa rin siya makontak. Ni hindi ko siya nakita. Sinubukan kong pumunta sa bahay nila pero hindi ako pinapasok ng mga magulang niya ay hindi nila hinarap sa akin ang anak nila. Naiintindihan ko yun. 16 pa lang din siya, sobrang strict ng mga magulang niya pero pinili niya pa ring makipag kasintahan sa akin. At naiintindihan ko ang mga magulang niya dahil parang ipinag katiwala na nila sa akin ang anak nila. Pero sinasaktan ko lang. Naalala ko rin ang sinabi ng papa niya Nag iisang anak namin yan. Babae yan. Usapang lalaki to. Kapag nakita at nalaman kong sinaktan mo ang prinsesa namin hinding-hindi na kita hahayaang lumapit pa sa kaniya. Ayaw pa naming magkasintahan siya, pero dahil masaya siya. Sige sa unang pagkakataon papayag kami. Alam ko ring first love niyo ang isa't isa. Kaya sige. Pumapayag na kami ng asawa ko. Napaluha ako nang maalala ko yun.

Simula nun nawalan na ako ng balita sa kaniya. Wala siyang mga kapatid ay hindi taga rito ang mga kamag-anak nila. Kapag kakausapin ko naman sila Wala daw silang alam. Kapag ang mga magulang niya ang tinatanong ko, hindi sila nagsasabi sa akin. Ang tanging sinasabi lang nila Hayaan mo na ang anak namin. Tama na ang sakit na binigay mo sa kaniya. Pakiusap wag mo na siyang guluhin. Masaya na siya ngayon.

END OF FLASHBACK
Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko na yun na pala ang huling chance ko. Kasi nasanay akong lahat ng sakit na nabibigay ko sa kaniya, tinatanggap niya lang. Alam kong nasasaktan siya kasi sinasabi niya, pero hindi ko man lang yun pinansin dahil sa kompyansa ako na hindi niya ako iiwan kahit na nasasaktan na siya.

Sobrang tanga mo Kurt! Tangina mo!!! Hindi mo binigyan ng halaga ang babaeng unang minahal mo. First love mo, yung taong pinaramdam sayo ang salitang pagmamahal na hindi mo makuha sa pamilya mo, yung babaeng nag take ng risk dahil sa sobrang pagmamahal niya sayo, yung babaeng hindi mahigpit at hindi nakakasakal. Yung babaeng sobrang suportado, na Kahit hindi mo na siya masyadong mabigyan ng oras sinusuportahan ka pa rin sa lahat ng bagay. Yung babaeng halos ibigay na lahat. Lahat lahat ginawa na niya, ngayon ko lang narealize na lahat yun ginawa niya para wala akong maging rason para iwan siya. Para sa mga babaeng yun, nakuha mong saktan ang unang babaeng minahal mo.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. Hanggang ngayon siya pa rin ang hinahanap-hanap ko. Sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko, pero mukhang huli na ang lahat para maayos pa yun. Kasi sobrang tapos na ang lahat :<

Iba talaga sumuko ang marupok

A/N: You can also read DOLCEANTON 's story(stories). Thank you!<3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One of the boysWhere stories live. Discover now