Chapter 1

17 2 1
                                    

Anqueenia A.K.A Quee's POV

"Ateeeeeeee!!!!" Sigaw ng kapatid ko. Naka earphones na nga ako, dinig ko pa rin ang matinis niyang boses tsk! Tinanggal ko ang earphones ko at tinignan siya ng masama.

"Ano ba!!? Kumatok ka kaya?! Babae ka ba o lalaki?! Ang ingay-ingay mo! Ano yun?!" Pasigaw ko ring sagot.

"E bat ka sumisigaw?!" Sagot niya.

"Ikaw nauna e!!"

"Ikaw kaya!!"

"Ewan ko sayo!! May sasabihin ka ba o wala?!!!" Maluha-luha naman siyang tumingin sa akin. Ganyan talaga siya. Lalaking-lalaki pero iyakin. Isip bata rin.

Napabuntong hininga na lang ako ng bigla siyang tumakbo palayo sa kwarto ko.

"One, two, three, four, five." Pag bilang ko. Hindi na ako nagulat nang makitang marahas na pumasok si kuya sa kwarto ko. Nasa likod niya naman ang gago kong kapatid.

"Kelangan mo?" Bored kong sagot habang sinusuri ang kuko ko. Anong klaseng kuko to? Andumi naman. Habang hinihintay kong magsalita si kuya na alam kong nakatingin ngayon ng masama sa'kin, naghanap ako ng nail cutter sa make-up organizer ko. May make-up organizer ako pero random stuffs yung laman, di naman ako nagmimake-up. Doon ko talaga nilalagay ang nail cutter ko, pero wala dun. Wala din sa mini box kong may tatlong drawer. Napabuntong hininga na lang ako sabay tingin sa kuko ko. Parang di naman kuko ng babae to e..

"Hoy babae!!" Sigaw ng kuya ko.

"Ano yun lalaki?" Bored kong sagot habang nginangatngat ang madumi kong kuko.

"Bago natin pag-usapan ang dapat pag-usapan. Let me ask you. Bat mo kinakain yang kuko mo?!" Galit niyang tanong sakin.

"Hindi ko naman kinakain kuya e!! Kinakagat ko lang para matanggal!" Hinarap ko sa kanya ang marumi kong kuko. "Tignan mo o! Andumi tsk." Sagot ko sa kanya at nginatngat ulit ang kuko.

"That's my point!! Alam mo na ngang marumi kinakain mo pa!!"

"Kinakagat nga kuya. KINAKAGAT. Nakita mo bang nilunok ko? Wala diba? Tinatapon ko rin naman a.." Pinulot ko ang ilang piraso ng aking kuko na nahulog sa sahig dahil sa kangangatngat ko. "Ayan kuya a.. Ebidensya." At tinapon ko sa kanya. 

"Nakakadiri ka!! Para kang hindi babae!! Tara na nga Vans!" Pag-aaya niya sa nakababata kong kapatid.

"Sandali kuya!! Ano yung sasabihin mo?!" Pasigaw kong tanong habang unti-unti silang nawawala sa paningin ko.

"Tanungin mo kaibigan mong si Kurt! Total tsismoso yun! Baka alam niya yung dapat kong sabihin sayo!!" Pasigaw din niyang sagot.

"Hays. Akala mo naman may nail cutter siya tsk! Halika nga Bobby." Pag tawag ko sa pusa ko. Lumapit naman siya sakin. "Sara mo pinto." Pag uutos ko sa kanya. Inirapan niya naman ako bago sundin ang utos ko. Shala ng pusa ko HAHAHHAHA

Pabagsak akong humiga sa kama. "Hays, ang boring naman." Kinuha ko ang cellphone ko sa table na nasa tabi lang ng kama ko. "Mag-o-online na lang ako." In-open ko ang Facebook account ko saka nag scroll ng mag scroll. Share dito, share doon. React dito, react doon. Nang mag sawa, messenger naman ang in-open ko. Puro naman GC yun kaya in-off ko na lang ang data.

"Ano bang dapat kong gawinnnnnnn?! Ang boringggggggg!" Bagot at nanggigigil kong sigaw.

💡 Aha!

One of the boysWhere stories live. Discover now