"Sabi kasi ni mama follow your dreams. Kaya ayan, sinusundan kita."
Halos isang minuto kaming nagtitigan bago siya nag-iwas ng tingin. Wala mahina pala sa eye contact eh.
"Wag kang tumingin sa'kin ng ganyan. Baka tuluyan akong magkagusto sa'yo, pero ayos lang. Graduating naman na ako this year eh, may ipapakain na ako sa'yo kung sakali." Wtf Trevor? Ang advance naman ng isip nito.
"Alam mo, ang harot mo no? Saan mo nakuha yang mga ganyang linyahan mo? To be honest kahapon, nung unang kita ko sa'yo I thought you were that kind of guy na tahimik. Like yung typical nerdy boy."
"Grabe ka naman sa nerd. Hindi naman gaanong mataas ang grado ng salamin ko ah?"
"Aminadong maharot nga." I scoffed.
"Sa'yo lang ako maharot." Ay wow so special ako gano'n? GE kunyari naniwala ako.
"Una na ako sa building namin. Mahirap na ma-late. Salamat sa tulong at sa libre. See you around."
"Teka lang, hindi ko pa alam pangalan mo." Oo nga no? Hindi pala ako nagpakilala sa kanya.
"Kyla. I'm Kyla. Pwede na ba akong umalis?" His brows furrowed.
"Ayaw mo na ba akong kasama? KYLA-nga pa man din kita." Okay, that's it.
"I appreciate your help kahapon, and I am grateful that you paid for my pancake. Pero sobrang harot mo. Nakakaumay. See you around."
Bakit ba kasi ang daming banat nun? Napaghahalataan na sobrang expert sa pagpapaikot ng babae. Malamang playboy yun.
I just shrugged off my thoughts about him and focus on my class instead. Kahit sobrang nakakaantok. Hanggang sa magquiz na nga kami sa Lit. Maayos ko namang nagsagutan tho hindi ako gaanong confident sa ibang sagot ko. Sinunod ko na lang yung instincts ko dahil medyo nakalimutan ko yung sa part ng mga authors. Ang hirap naman kasi ng spelling ng names nila.
Pagkatapos ng klase ko, nakita ko sa labas si Allison na naghihintay sa'kin. Di ko na talaga kailangan ng jowa.
"Tagal niyo namang mag-dismiss." Reklamo niya. Kumakain siya ng chocolate at may hawak pa siyang isang maliit na bouquet ng blue rose.
"Kanino na naman galing yan?" Tanong ki sabay agaw ng chocolate niya. Pinabayaan niya lang akong ubusin yun.
"As usual."
"Di ka pa rin ba tinatantanan ni Zion?"
Bumuntong hininga na lang siya. Ex niya kasi yun. Ewan kung ex-boyfriend. Basta sabi niya ex. Malay ba namin kung ex-kaharutan, ex-MU or ex-walang label, lol.
"Nakakainis nga eh, akala tuloy ng mga nakakachat ko taken na ako. Kaya ayun nagsialisan ang mga gago." Akma niyang itatapon yung blue rose sa basurahan pero pinigilan ko siya. Sayang, mukhang mamahalin pa man din.
"Bigay na lang natin kay Avi kung ayaw mo. Baka magamit niya to sa art journal niya."
And speaking of Avi, nakasalubong namin siya sa hallway. Actually she's with someone. Cute nilang tignan.
"See you tomorrow na lang, Avi! Take care."
"You too, Yuen." She smiled sweetly at Yuen before she diverted her gaze to us.
Nakataas ang kilay namin ni Allison sa kanya. Painosente naman niyang pinagdikit ang dalawang hintuturo niya. Pabebe amp.
She cling her arms on us as she walks like a kid. May patalon-talon pa siyang nalalaman.
"Nagkape ka ba?" Tanong ko sabay alis ng kamag niya. Ang likot eh.
"Oo, libre ni Yuen. Mainggit ka plith," oh di sila na may lovelife.
"Ang haharot niyo, tas pag niligawan na kayo aayaw na kayo. Anong rason niyo, takot kayo sa commitment?" Sermon ko sa kanila.
"Look who's talking. Sino nga ulit yung nagkajowa ng LDR tapos laging insecure tas wala halos tiwala sa jowa niya? Kala mo tahimik eh. Nanguna pang nagsabi na ayaw sa commitment tas isang gabi chinat kami na may jowa na raw." Allison backfired. Sapul ako dun ah.
Totoo naman, hehe. Kaya ayoko na ulit subukan. Takot na ako kasi feeling ko naging sobrang toxic at unfair ako sa ex ko na yun. I mean, sa sobrang insecure ko hindi ako naniniwala tuwing sinasabi niyang cute ako. Kahit tuwing sasabihin niyang mahal niya ako. Kaya tinapos ko na lang.
"Manong sampung pisong kwek-kwek po tas limang pisong kikiam." Ikakain ko na lang to.
"Akala ko ba nagtitipid ka?" Tanong nila sa'kin.
"Akala ko rin eh." Pagkakuha ko ng pagkain, sumakay na kami sa jeep. Sinigurado kong natakpan ng bag ko yung legs ko since nakasuot lang ako ng high waist short. Pinahiram rin muna ako ni Allison ng panyo niya. Mas mabuti ng sigurado. Kaming tatlo pa lang ang laman ng jeep kaya matagal-tagal pa bago mapuno to.
"Bili na tayong materials bukas Alli, maglaba ka na ngayon para maaga tayong pumunta ng bookstore." Paalala ko kay Allison. Tumango na lang siya habang nag-scroll sa phone niya.
"Sama ako, kailangan kong bumili ng bagong ballpen at bagong watercolor para sa plates ko."
May sumakay na tatlong matandang teacher at umupo sa tapat namin. Mukha na rin silang stressed. Tama bang nag-educ ako? Nakikita ko future naming tatlo sakanila, kaso Architect na si Avi nun.
"Di ka pa rin ba tapos sa plates mo?" Ngumanga siya kaya sinubuan ko siya ng kwek-kwek. Umiling siya pagkatapos ay sumandal siya kay Alli.
"Ang dami kong dapat gawin." Reklamo pa niya.
"Same."
"Yeah. Kita na lang bukas. 9 am sharp ah. Ano susunduin pa kita?" Kinalabit ko pa si Avi pero mukhang nakaidlip agad sa balikat ni Allison, hindi na sumagot eh.
Bumaba ako saglit ng jeep para itapon sa basurahan yung pinagkainan ko. Sakto namang pag-angat ng tingin ko, nakita ko si Trevor na may kasabay na babae. Nursing student, base sa uniform. Tama nga ako, playboy nga. Para sa graduating student na gaya niya, ang dami naman niyang time.