Chapter 7

11 3 15
                                    

Sabihin niyo nga sa akin kung paano ako napapayag ni Trev na sumama sa gala niya?

"May bibilhin ka ba sa mall?" Tanong ko sabay kagat ng Cornetto.

"Stage one psychopath amp."

"Huh?"

"Kinagat mo yung ice cream instead of licking it."

"So? That doesn't make me a psychopath, silly." Alangan naman kasing dilaan ko eh di baka iba ma-imagine niya? "May bibilhin pa akong materials para sa practice teaching ko."

"Okay," inubos na niya agad yung ice cream niya at saka tumingin sa'kin. "Ang dungis mo kumain ng ice cream. Ka-turn off ha." He was about to wipe the sides of my lips when I pushed his hands away. Galawan mo ah. Pinunasan ko ang labi ko at binilisang ubusin yung ice cream bago uminom ng tubig.

"Let's go?" Yaya ko. Tumango naman siya at saka nauna nang naglakad. Pinagbuksan pa ako ng pinto.

"May available pa po bang ibang color ng cartolina bukod dito, miss?" Tanong ko sa isang staff sa national bookstore pero hindi yata ako napansin dahil busy sa kausap niyang katrabaho niya. "Miss excuse me po?" Her smile suddenly faded. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya nang tumingin siya sa'kin bago sumagot.

"Kung ano yung nasa display ma'am yun na lang meron." Tss, awts gege ate.

Hindi na ako nagsalita at naghanap na lang ng construction paper.

"Buset, attitude ka sa'kin? Di ka sana magustuhan niyang kalandian mo." Bulong ko sa sarili ko.

"Sama mo naman." Trev commented, umirap na lang ako at saka kumuha ng mga kailangan ko bago pumila sa counter. "Kaibigan mo yun di ba?"

May tinuro sa akin si Trev na babae na nasa labas lang ng store. Pero dahil medyo malabo ang mata ko, hindi ko maaninag maiigi.

Nang matapos akong magbayad, iniwan muna namin sa may baggage counter at saka dumiretso sa isang fastfood chain.

Umorder ako ng 1 piece chicken, fries and sundae. While he ordered chicken and spaghetti with mango pie.

We were eating peacefully nang parang nakita ko sa peripheral vision ko si Avi. Dito rin ba gala nila ni Yuen?

"Nood tayong sine after."

"You sounded like you're not giving me any option but to say yes to whatever you say. I don't like being commanded."

"So you like being dominant?"

"Sort of."

I found myself staring at the movie tickets in my hands. Bakit ako napapayag na manood ng sine kasama siya?

"Tara na." He guided me inside the cinema. Sa dulo kami banda umupo. Medyo na-conscious pa nga ako dahil dito madalas umuupo yung mag-jowa na naglalaplapan sa kalagitnaan ng movie.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi man lang ako umaangal.

Patapos na ang movie nang bigla akong napatingin sa bandang kanan ko, and then there. I saw Avi making out with a guy. Pota?

They're about 3 seats away and I saw how Avi close her eyes as the guy kiss her neck. Wtf? I didn't know Avi could be this wild and carefree!

"Hey, ayos ka lang?"

Halos mapatalon ako sa upuan ko nang kalabitin ako ni Trevor. He was about to look at them when I cupped his face and make him stare at me instead.

Fuck, wrong move.

"Why? Do you want to kiss me?"

Mahina ko siyang sinampal at ibinalik ang atensyon ko sa movie. Puta, now he must have misinterpreted my action. How impulsive, grrr!

Nilabas ko yung phone ko and I dialed Avi's number. They need to stop before that guy could ever do anything that they might regret later. Besides malapit nang matapos yung movie.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na natigil sila. Sinagot ni Avi yung call pero inend ko agad. Hindi ko na nakita yung reaction niya. Dali-dali kong hinila palabas ng sinehan si Trevor.

"Hoy, ano meron?" Tanong niya pero patuloy ko lang siyang hinila hanggang sa makaalis kami nang tuluyan sa sinehan.

Tumigil lang ako sa paghila sa kanya nang makalabas kami ng mall. Sakto namang may amusement park sa malapit kaya niyaya ko siyang pumunta dun. Sumakay kami sa ferris wheel at dun ko na inilabas ang emotions ko.

"Sorry, it's just that I saw my friend making out with a guy inside the cinema awhile ago."

"Kaya ba ayaw mo akong palingunin kanina? I thought you wanted to kiss me." Umirap na lang ako sa kanya, nag-peace sign naman siya at nanahimik kaya tinuloy kong mag-rant.

"Concerned ako sa nakita ko kay Avi. Una sa lahat, I never imagined her to be that wild. And of all places, seriously? Sa sinehan? Lastly, I thought he's with Yuen? Or si Yuen yung kahalikan niya, I'm not really sure."

"Uh huh,"

"It's not that I don't want her to be happy or I'm against it. Concerned lang ako. What if may ibang nakakita?"

"It's none of your business na. If ever they got caught, it's their problem not yours. Oo you're her friend, pero know your limit. Gaya nga ng sabi mo concerned ka lang."

"Alam ko, hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili ko minsan. Alam ko rin naman na siya ang mamomroblema pag nagkataon. Pero that exactly is my point. Ayoko siyang mamroblema later on."

"You know what, ikaw rin madalas ang problema, your thoughts rather. You're always overthinking things." That was straightforward. "Tho I commend you for being a good friend... I guess?" Mahina lang siyang natawa. He even pat on my back.

Saka ko lang na-realize na umiikot na yung ferris wheel. Hindi ko namalayang 5 pm na pala. Sunset na.

We just sat there silently, admiring the view of the sunset over the city. Though masasabi kong it was not an awkward silence. It was a comfortable at comforting one.

The Words I Wish To SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon