Chapter 1

8 1 0
                                    


Outing..

Kim's Point Of View


"Isang alak pa"

Napatingin ako sa katabi ko na kanina pa order nang order ng alak. Lakas mag inom palibhasa di krinushback.

"Oy tama na yan, mag swiswimming pa tayo" suway ko at sinabi dun sa bartender na wag na bigyan pa.

Ang aga aga nagiinom, sayang naman kung di namin maeenjoy itong resort. Tinignan ko ang paligid at nakitang puro puno na yung dulo nitong resort at mukhang di na nila sakop yung lugar na yun.

"Oh ano nangyare dyan?" napatingin ako sa lalaking nasa harap ko habang nakaturo sa katabi kong si MJ. Nagkibit balikat na lang ako at umalis dun, mahawa pa ako ng kalasingan nilang dalawa. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Lance pero di ko sila tinignan

Nanditot kami ngayon sa isang tagong resort dito sa pilipinas. Sabi nila kaunting tao lang daw nakakaalam nito at di ko alam pano ito nahanap ng mga kaibigan ko. Nakakapagtaka lang bakit pa nila binuksan ito kung wala silang balak ipaalam ito sa maraming tao? Weird

"AHHH!" napatili ako at naramdamang ang katawan kong lumubog sa pool dahil sa pagtulak saakin ng kung sino. Tinignan ko nang masama ang mga kaibigan ko na nasa pool pero lahat sila tinuro si Martin na ngayo'y tawang tawa.

"Guys kain na tayo!" agad kaming umalis sa pool dahil sa sigaw ni dolly. Argh buti naman naisipan na nilang magpakain, kanina pa ako nagugutom. Tumakbo kami sa rest house na nirentahan namin at kanya kanyang kuha ng pagkain

"Oh kaya mong ubusin yan?" natatawang tanong sakin ni sky pero inirapan ko lang siya, pake nya ba? Eh sa gutom ako duh.

Tinapos lang namin yung pagkain at paglabas ng rest house ay gabi na pala kaya tumambay na lang kami sa gilid ng pool.

"Laro tayo!" excited na sigaw samin ni Christine kaya tinignan namin siya. "Anong laro naman?" tanong ni trisha at umupo sa tabi ko.

Hinayaan ko lang sila magusap kung ano lalaruin nila dahil wala naman ako ganang maglaro. Nilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid at napako ang tingin ko sa gubat na nasa medyo dulo ng resort. Napakunot ang noo ko nang may makita akong matandang babae na nakatingin samin. Tama ba itong nakikita ko?

"Kim?" nawala ang iniisip ko at binaling ang paningin ko kay Trisha na nasa tabi ko. "Ayos ka lang? Kanina kapa namin tinatanong" napatingin ako sa mga kaibigan ko na ngayo'y nakatingin na pala sakin.

"A-ano yun?" tanong ko dahil di ko alam kung ano yung nilalaro nila at di ko alam bakit nakatingin sila sakin.

"Nagtatanong kasi kami kung ano yung kinakatakutan namin at ikaw na. Ano yung kinakatakutan mo?" agad ko naman inisip yung kinakatakutan ko ngunit nabaling uli yung tingin ko dun sa gubat kung saan may nakita akong matandang babae kanina.

"Nasan na yun?" tanong ko sa sarili ko dahil nawala na yung babae dun. Ang alam ko nandun lang siya eh, di naman siya mawawala siguro ng ganun kabilis diba? Unti unti na ako nakakaramdam ng takot. Hindi kaya multo yung babaeng yun?

"KIM!" napatili naman ako dahil sa sigaw ng mga kaibigan ko. Inis na tinignan ko sila pero nawala rin yung inis ko nang makita sila na takhang nakatingin sakin.

"Ano ba nangyayare sayo? Kanina ka pa natutulala dyan. Sino ba tinitignan mo dun?" tinignan rin ni trisha yung tinitignan ko kaya tinignan rin yun ng iba. "Sino yun?" tanong ni trisha habang nakatingin dun sa gubat na tinitignan ko kanina

"Nakita mo rin?" gulat na sabi ko kay Trisha kaya tinignan nya ako. Ibig sabihin hindi siya multo? Pero kung hindi siya multo, bakit iba yung tingin nya samin kanina?

"Sino? Nagjojoke lang ako" sabi naman nito at tumawa pero di ko magawang tumawa dahil naramdaman ko na naman yung takot ko kanina.

"Mukhang maganda maglibot libot dun sa gubat? Anong oras palang nman" sabi ni MJ kaya tinignan namin siya. Sumang ayon naman yung iba kaya wala akong nagawa kundi sumang ayon na rin.

"Tignan lang natin tapos balik na rin agad tayo" sabi naman ni Martin kaya nagsitayuan na rin kami at kinuha yung ibang gamit na kakailanganin namin.

Kumuha rin kami ng tig iisang flash light at siniguradong dala namin yung phone namin bago umalis ng resort at pumunta sa gubat.

"Hindi man lang naglalagay ng ilaw dito?" tanong ni Christine habang nakakapit kay Dolly na maarteng inaalis yung mga kahoy kahoy sa paligid.

"Di na siguro ito sakop ng resort kaya siguro di na nila pinalagyan" sabi naman ni lance habang seryosong tinitignan yung paligid.

Tinignan ko naman yung paligid habang naglalakad pero puro matataas na puno lang yun nandito at mga kahoy kahoy na nakakalat. Wala bang kumukuha ng mga kahiy kahoy dito? Andami kasi nakakalat.

"Guys alis na kaya tayo? Nakakakilabot dito. Feeling ko may bigla na lang sasakmal satin dito" rinig kong sabi ni Trisha habang takot na takot na naglalakad kasabay namin.

Siguro nga kailangan na namin umalis. Mukhang maling puntahan namin itong lugar ng ganitong gabi na. Di naman siguro multo yung matanda kasi di ko na rin siya nakita di--

"Anong ginagawa nyo dito?" napatili kaming mga babae dahil sa matandang sumulpot sa gilid namin. Nakaramdam ako ng kaba nang mapagtanto na siya yung matanda na kanina ko pa tinitignan.

"M-may titignan lang po" kinakabahang sabi ni Christine pero seryosong nakatingin lang samin yung matanda.

"Umalis na kayo, di nyo alam yung pinuntahan nyo" sabi ng matanda kaya nagkatinginan lang kami magkakaibigan. Napatingin ito sakin dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. B-bakit parang ganun nya ako tignan? May kakaiba talaga sakanya.

Inalis rin nya ang tingin sakin at tinignan ang mga kaibigan kong natatakot na rin dahil sa pagsulpot nya at dahil na rin sa awra na ito na kala mo'y mangangain ng buhay.

"A-aalis rin po kami. May titignan lang po kami dun sa dulo" sabi naman ni Martin at inaya na kami maglakad uli at iniwan ang matanda sa likuran namin. Narinig ko pa yung bulungan ng mga kaibigan ko tungkol dun sa matanda ngunit di ko na pinansin yun dahil ang nasa isip ko lang yung matandang babae kanina. Anong meron sakanya? Anong meron sa lugar na ito? Bakit nya kami pinapaalis?

Natatakot man ay sinubukan ko parin tignan yung matanda na sana di ko na lang ginawa. Paglingon ko ay isang nakakakilabot na ngiti ang kumurba sa kanyang labi bago naglakad paalis.

---------

😊

Devillio UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon