Chapter 3

6 0 0
                                    

Basement

        Trisha's Point Of View

"N-nasan ako?"


Minulat ko ang mata ko at nakaramdam ng kaunting hilo. Inilibot ko yung paningin ko at wala akong masyadong makita. Sobrang dilim. Nakaramdam ako ng takot dahil ayaw ko sa dilim. A-anong ginagawa ko dito?


Naalala ko yung nangyare kanina na lalo nagpadagdag sa takot ko at kaba.

Flashback

"Kailangan na natin makaalis dito. Mas gugustuhin ko matulog dun sa gubat kaysa dito"


Sabay sabay kaming naglakad palayo at ako lang yung medyo nahuli dahil masyado akong napapaisip sa paaralab na ito. Nagkaroon nga ba ng patayan dito?


Nilibot ko ang paningin ko sa bawat sulok at kumunot ang noo ko na may makita ako. Isang matanda na nakaitim at nasa may hagdan siya banda. Siya yung matanda kanina ha? Bakit nandito siya?


Nakaramdam ako ng kilabot sa katawan nung makita ko itong ngumiti sakin at naglakad paalis. Susundan ko sana sya pero di ko magalaw yung paa ko, para bang may nakahawak dito. Pilit ko paring ilakad ang mga paa ko ngunit hindi ko ito maigalaw. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na medyo malayo sakin, sinubukan ko silang tawagin pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.


"A-anong nangyare" tanong ko sa isip ko at ginawa ang lahat para makagalaw ako pero wala rin nangyayare. Nagulat ako nang biglang may humila sa paa ko dahilan para sumalampak ako sa sahig at tumama ang ulo ko. Nakaramdan ako ng hilo pero di ko pinansin yun dahil naramdaman ko ang paghila sa paa ko.


"Tulungan nyo ko! " sigaw ko kahit walang boses. Pinilit kong humarap at isang lalaki ang nakita ko habang nakatalikod sakin. Nanlaki ang mata ko nang tumigil ito at lumingon ito sakin na may ngiti sa labi, ngiting demonyo. Lumapit ito sakin at may binulong, kakaibang lenggwahe at unti unti na akong nakatulog.

End of flashback

Anong gusto nya samin? Ano yung binulong nya na nagpatulog sakin? Anong meron sa paaralang ito?


Kinapa kapa ko ang bulsa ko at kinuha ang flashlight na kanina pa nakatago dito. Nanginginig ko itong buksan at tumambad sakin ang silid na puro sira sirang gamit. Nasaan ako?


"G-guys?" mahinang tawag ko sa mga kaibigan ko at nagbabakasakaling marinig nila pero wala, wala sila dito. Sinubukan kong tumayo pero agad din ako natumba dahil sa oanghihina ng tuhod ko, nakaramdam ako ng sakit sa ulo pati na rin ng buong katawan ko.


"K-kim? L-lance?" tawag ko uli sakanila pero walang dumating na kim at lance. Naiiyak na ako sa takot at kaba. Nasaan ba ako? Ano nangyare? Bakit nandito ako?


Tinignan ko ang buong paligid habang nakabukas parin yung flashlight ko. "Awww" napahawak ako sa braso ko ng may natamaan akong medyo matigas na bagay sa gilid ko. Dahan dahan ko tinapat ang flashlight doon at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.


"B-bangkay" nauutal na sabi ko habang nakatingin sa isang bangkay na nasa tabi ko.


Napaiyak ako sa sobrang takot at pinilit tumayo pero di ko magawa dahil sa sakit ng katawan ko. "TULONG!!" Malakas na sigaw ko ngunit di ganun kalakas dahil sa panghihina ng katawan ko. Lalo ako napaiyak nang biglang namatay ang flashlight ko. Kinapa kapa ko ang sahig at gumapang palayo doon sa bangkay. Kahit wala akong makita ay patuloy parin ako sa pagatras pero pinagtataka ko, bakit di ako nabubunggo sa pader? Gano ba kalaki itong silid na ito?


Napahinto ako nang may maramdaman akong humawak sa pisngi ko kaya lalo bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba at takot "S-sino ka" tanong ko pero walang sumagot. Nararamdaman ko parin yung kamay na humahawak sa pisngi ko. "SINO KA?!" sigaw ko pero nakarinig ako ng mahinang tawa dahilan para kinalabutan ako. Kakaiba yung tawa nya na para bang may gagawing masama.


"Ego sum daemonium" sabi nito at nawala na rin ang mga kamay na humahawak sa pisngi ko. Ano yun? Di ko naintindihan. Anong ibig nyang sabihin?


Naramdaman ko na may tumama sa binti ko na kung ano kaya nanginginig ang kamay ko na kinuha yun. Kinakapa kapa ko yun "Flashlight?" sabi ko at agad binuksan. Akala ko hindi na ito gumagana?


Nawala ang pagiisip ko tungkol sa flashlight at nabitawan ito nang bumungad sakin ang isang pugot na ulo habang ang mga mata nito'y nakatingin sakin.

"AHHHH!"

    Kim's Point Of View

"Nasan kana ba kasi Trisha?"

Kanina pa kami paikot-ikot dito sa school pero di parin namin nahahanap si Trisha. Nasan kana ba kasi?


"Sinubukan ko hanapin yung pinagmulan ng sigaw nya pero wala talaga" nanghihinayang na sabi ni lance at sinipa yung pinto sa classroom na pinasukan namin.


"Subukan namin pasukin yung iba pang silid dito" boluntaryong sabi ni dolly kaya tinignan ko siya "Sasama ako" sabi ko at tumango naman siya. Tututol sana sila lance kaso nakaalis na kami ni dolly at pumunta sa pinaka sulok nitong 2nd floor.


"Ano ito? Di pa natin napapasukan diba?" tanong ni dolly sakin at binuksan ang pinto ng room na yun. Oo nga, parang di namin napansin ito kanina. Sabay kaming pumasok doon at sobrang dilim, tanging ilaw sa flashlight namin yung liwanag sa loob.


Medyo malaki yung Room na yun kaya nagkahiwalay kami ni dolly para maghanap sa sulok sulok. Habang naghahanap ay narinig akong mahinang boses. Nung una ay di ko maintindigan ang sinasabi nito pero unti unti rin naman luminaw.


"T-tulong" sinundan ko ang boses na yun hanggang sa makalapit ako sa isang pinto dito sa Room na ito. Pinihit ko ang doorknob pero nakalock ito kaya hinagilap ko ang susi sa paligid. "Kim tara na, wala dito" aya sakin ni dolly pero di ko siya pinansin at yumuko para hanapin yung susi sa sahig, baka nalaglag lang.


"T-tulungan nyo ko" lalo ako nakaramdam ng kaba nang marinig ko ang paghikbi niya sa loob ng Room na yun. "Dolly, kim tara na sa baba dun natin hanapin si tri-- ano ginagawa mo dyan kim?" lumapit sakin sila sky kaya tinignan ko sila na nagtataka. Di ba nila naririnig?


"May narinig kasi akong h-humihingi ng tulong sa room na ito" paliwanag ko at kinapa kapa yung ilalim ng drawer dito sa gilid ng pinto. "At hinahanap ko yung susi kasi nakalo-- ito na!" agad ko naman kinuha yun at inunlock ang pinto. Dahan dahan ko pinihit ang doorknob at bumungad sakin ang napaka dilim na Silid.


Tinapat ko doon ang flashlight ko at puro sirang gamit ang nandoon, basement ata ito. Tinapat ko sa gilid ang flashlight ko at nakita ang isang babaeng nakaupo sa gilid habang nakayuko at umiiyak. "TRISHA!" sigaw ko at agad lumapit sakanya. Inangat nya ang tingin sakin at nanlaki ang mata nang makita ako. Niyakap ko naman siya agad at naramdaman ko ang pagiyak sa balikat ko.


"Nakakatakot, k-kim. Umalis na t-tayo" natatakot na sabi nito sakin habang umiiyak kaya dahan dahan ako tumango sakanya. Nagulat naman ako na may kumalabog sa sahig kaya tinignan ko ang mga kaibigan ko at ang flashlight na nahulog, ayun ata yung kumalabog.


"K-kim" nakatingin sila sa gilid namin ni trisha at sa likod ko kaya natatakot na tinignan ko ang mga yun at agad ako napaupo sa tapat ni trisha na mapagtanto ko na isang bangkay at pugo't na ulo ang nakita ko.


"Umalis na tayo" kinakabahang aya samin ni martin kaya tinulungan nila ako alalayan si trisha at tumakbo papalayo sa basement.



Bakit may bangkay doon? Ano ba nangyare dito? Ano ba Lihim ng Devillio University?

------------

😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devillio UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon