Part 2

5 1 0
                                    

--
Nagising ako sa aking kama kaka scroll sa aking social media..

"Naka idlip pala ako" sabi ko sa sarili..

Bumaba ako at pumunta sa kitchen para kumuha nang aking meryenda..
Binuksan ko ang aming ref at tadaaaaa.. may nakita lang naman akong moist chocolate cake ang pinaka paborito kong cake, at kumuha rin akong juice at tsaka bumalik sa aking kwarto..

Sunday kase ngayun at kakatapos ko lang mag church..
Ako lang kase ang nag iisa dito sa pinas kase ang parents ko ay pumunta sa ibang bansa para sa business purposes. Sanay naman din ako mag isa, at sanay narin masaktan. Chos!

Napakasarap talaga nitong Chocolate Moist na cake, supeeerr! Di ko talagang ma-hindian to basta nasa fridge na namin..

Oy, may nag chat.

"Be, san ka?" Bestfriend kong si Nicole.
"Dito lang sa bahay be, super duper bored. I want to go somewhere." I replied.
"Hmm, gusto mo mall tayo be?" Siya
"Sureee! What time?" Excited kong tanong sa kanya.
"Now?" Siya na inilahad pa ang mga kamay
"Goraaaaaaa~~~" ako na napaka excited..

Ayun, log out muna at naligo na ako. Sa mall nalang kase kami ni Nicole magkita kase may kanya-kanya naman kaming sasakyan..

Habang naliligo ako ay may naalala akong guy hes named is Walter Rexx Gamboa. Yes kabisado ko pa kase naman po napaka gwapo naman niya no! Nakita ko nga profile picture niya napaka kinis ng mukha, mala-Lee Min Hoo ang mga mata nito at ang tangos nang kanyang ilong plus nakaka attract talaga yung mga labi niya sarap niya halikan. Lol!

Kinikilig ako habang nag sho-shower nag huhum pa ako para bang nasa imahinasyon ko na nag kita na kami HAHAHAHAHA

Pagkatapos kong pantasyahan ang ka gwapuhan ni Walter Rexx Gamboa ay tapos na ako mag shower at binilasan ko nalang ang mag bihis..

Naka White crop top and baby blue skater skirt lang naman ako at dali dali akong bumaba..

Ginagamit ko yung kotse na iniregalo ni Dad sa akin..

Matawagan nga si Nicole kung andon na ba siya sa Mall..

"Be? Mall ka na?" Agad kong tanong sa kanya..
"On the way be.." She said
"I see, Im on my way too be.." me with smile.
"See you later beee~~" she said.

At in-end ko na ang call, ewan ko ba baket namimiss ko tong gaga nato. Kahapon lang naman yung huli naming kita kase pumunta siya sa bahay para kumuha ng mga notes namin.. Tatamad kase ayun di naka pag take down notes panay kase text sa kanyang boyfriend..

Nang nakaparada na ako, maraming mga mata ang nakatingin sa akin specially ang mga lalake syempre..

Duuhhrr! Im Keith Louis Gray kaya. Lol!

Pumasok na ako sa mall at biglang....

"Keeeeiiittthhhhh~~~~"si Nicole.
"Beeeeee.. Shit ha! Kung di lang kita bestfriend kanina pa kita binatukan." Irap ko sa kanya.
"Luh? Baket naman? Ayaw mo bang tawagin kita sa First Name mo? HAHAHAHA" siya..
"Tsss! Kung ikaw lang naman ang tatawag sa akin ng ganyan, why not? Your my beatfriend Nicole."I answered.

Di kase ako nag papatawag sa aking First name, gusto ko kase ay Louis (Lowis) na lang.. Parang naartihan kase ako sa pangalang Keith (Keyt) e!

But only my Parents, Nicole and all my relatives can call my First name. If you and I not close please! Dont call my First name!

"You're so sexy be~" she said
"I know." Smile with matching wink.
"You too be." Dagdag ko pa..

Pumunta kami sa watson at bumili ng kung ano-ano.. maganda kase ang kanilang quality at super duper satisfied ako di ako bumibili sa iba..

And then, pagkatapos namin sa watson ay pumunta naman kami sa Department Store hilig kase namin ang bumili ng mga damit specially the branded kami pa ba ni Nicole? HAHAHHHAHAA

Tiningnan ko ang aking relo gabi na pala? Di ko namalayan na gabi na. Ayun pumunta kami sa isang restaurant. Omorder na kami ng aming dinner kase nakakagutom kaya paikot ikot sa mall tapos dami pa naming nabili ni Nicole.

"Nice, familiar ka ba sa pangalang Walter Rexx Gamboa?" Tanong ko sa kanya.
"Hmmm, lemme think....... aha! Yeah! I know him! Don siya sa kabilang building I think Engineer ang kanyang kurso, why?" Tanong niya
"I saw him kase on my timeline, bago lang kase siya nag update ng kanyang bagong picture.." Ako
"Waaaaaaaaaa!!! Really be? Omoooo!!" Siya parang nag wawala na..
"Hoy! Ano ka ba? Parang wala kang boyfriend ah, kung makatili wagas? Gusto mo pakain ko to sayo?"  Itinuro ko ang bote ng Ladies drink.
"Baket ka ba ganyan? Sikat ba yan siya?" Pahabol kong tanong
"Ayy nako be!! You dont know him? OH EM GE! Hes kinda sikat kaya in our school and haler his our varsity kaya in Basketball, duhh!" Siya na inirapan ako..

Di na ako nakasagot kasi dumating na aming inorder at napakasarap talaga ng pagkain nila rito! Si ako mag sasawang balik balikan ang pagkain nila rito. Kaya ko pang balikan ang pagkain nila, pero siya? Hmmm never mind!

Ayun, nag kwentuhan lang kami about kay Walter shit! Di ko nga siya kilala ako pa naman ang muse sa aming school , ano ba to?
Di kase ako namamansin ng mga lalake noong may boyfriend ako, super duper Loyal ako sa kanya at lahat ng gusto niya ay ginagawa ko di ko alam ginagago na pala ako! Mahal na mahal ko ang gagong yun! Pero pinagpalit lang ako sa cheerleader! Mga hayop na yun!

"Be? Okay ka lang ba?" Siya
"Yeah! Im okay!" Tinaas ko pa ang dalawang thumb ko.
"Are you sure?" Siya pero ang titig niya ay nasa plate ko. At napatitig rin ako.
"Luuhh! Sorry be, okay lang talaga ako. Di ko alam kung bakit nagka ganyan na yan." Pekeng katawa

Ehh kase naman po, yung mga pasta ang nag gutay gutay na! Di ko alam baket nagka ganyan ang mga yan..

"Hayyss!" Hinawakan ni Nicole ang kamay ko.. "Be, matagal na yun, move on na pls? Lalong sinasaktan mo ang sarili mo." Siya.
"I try naman be, pero.... hays!" Ako na nakayuko.
"Tss! Im pretty sure malilimutan mo rin yung nakaraan mo, pag nakilala mo na si Walter Rexx." Siya na naka wink pa. Gaga talaga!

Ayun, pagkatapos namin mag usap ni Nicole at kumain napag usapan namin na uuwi na kami kase may pasok pa bukas at nag papasalamat ako sa kanya kase wala yung mga magulang ko andiyan siya para may maka usap ako lalong lalo na yung 1st broken hearted ko HAHAHAHAHA

"Bye Nics! Thank you~~" sabay hug
"Your always welcome be, ikaw pa? Lakas ka kaya sa akin." Siya
"Di tuloy bored yung sunday ko, thank you kase nag aya ka sa akin para mag mall hehehe" ako
"Ano ka ba? Ok lang yan oy" siya

Pagkatapos namin mag yakapan at mag besohan ay sumakay na kami sa aming kotse at umuwi na kami..

--
End of chapter

By : Gurl_in_the_mirror

--

Please mga be, support  niyo naman ang aking first story. Please! VOTE AND COMMENTS naman po! Salamat po nang marami! Lovelotsssss!

Your author,
Gurl_in_the_mirror

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinagtagpo ngunit di TINADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon