Perfect two daw kami. Marami daw kasi kaming similarities at magkasundong magkasundo daw sa mga bagay bagay. He can be the peanut nga raw to my jelly and the butterflies I feel in my belly. Sapatos daw siya ako daw ang laces (Chos! Syempre lace ako! Ako nagpapaganda sa buhay niya eh. ;**)
“Pangit!!!” Sabay pisil sa pisngi ko.
“Pwede nga Matt! Nag-aaral ng matino yung tao eh!”
“Mamaya na yung competition namin. Punta ka ha.”
“Tutor mo muna ako sa Math… Please …please..” Para akong sirang nag popout at nag pupuppy eyes. Hahaha!
“Nak’ ng Bwitre ka naman Leslie! Break na nga tayo…” Aba! Loko loko toh haph! Pinag tutor lang ng Math!
“HOY MATTEO!!! ANONG PINAGSASABI MONG BREAK NA TAYO??!!!! MAY SIRA NA BA YUNG TOKTOK NG PYRIMID MO?! Halika ka parepair natin kay kuya MegS!”
“Sabi ko, break ka muna, I mean------tayo… Treat kita ng snacks sa cafeteria. Kung gusto mo, ako narin ang sasagot diyan sa lintik na assignment mo.Bibingi bingi din tong pangit na to.”
“Anong pangit? Upakan kita diyan eh! Kita mo ba to’h?” Sabay taas ko ng kwelyo ko na parang tambay na sisiga siga.
“Pffft… Dyahe! TIBO ka na pala pangit?!”
“Pak!”
“Nyemas! Masakit yun haph! Break na nga talaga tayo!”
“Anong break?? DI nga naging tayo ulol!!!”
“Eheehee..” Napakamot siya sa batok niya.
“Nakikiulol ka na pala ngayon ha!” Hinila niya yung tali ng buhok ko at tumakbo papalayo.
‘Loko!!!!!!!!!!
Umuwi ako sa bahay na sabog yung buhok. Pambihirang Matt na yun!
“Oh Les! Mukha kang pinagbagsakan ng kampon ni Iron Man?” Tanong ni Kuya MEgS habang nakaharap sa TV at lamon ng lamon sa kanyang tsetserya.
“Pahingi nga. “ Sabay agaw ko sa bowl ng tsetserya niya.
“Hoy! Hinay hinay lang. Tataba ka niyan.”
“Bakit? Tumababa ka ba???”
“Hinde..”
“Sus..See??”
***
6:30 PM na ngunit nandito parin ako sa kwarto at nakahiga sa kama. Pupunta ba ko o hindi?
“Ba’t nandito ka pa?” Biglang pumasok si Kuya.
“Care mo ba?”
“Nak ng Tatay mo! Pinag paalam ka na nung bestfriend mo ah.”
“Nak ng tatay mo din… Magkapatid tayo eh..”
“Umalis ka na nga….tsupi!”
“Pinapalayas mo na ko? Pahingi ng pamasahe..”
“Ayan!” SAbay bato ng biyente.
“Biyente lang?”
“Pambili ng cornetto. Hihingi hingi ka pa ng pamasahe diyan ka lang naman sa kanto.Tsss..”
BINABASA MO ANG
Perfect Crime (ONE SHOT)
Short StoryMag bestfriends kami.... Eh anong meron? Best friends nalang ba talaga?