Prologue

12 0 0
                                        



I remembered when i first met him, we were attending 'badag' while im with my GOOD friends who dragged me there to boy hunt

Badag means sayaw in bicol, it was like a dance party with beautiful classical music played by the band

My real intention was to dance and have fun because i want to let my stress out but my friends have a different intention well.. for me ofcourse

Geez.. para sakin noon mas okay nang tumanda akong dalaga kaysa magka roon ng kasintahan

I don't want anyone or any pest na basta basta lang akong pagbabawalan sa mga gagawin ko just because 'he is my boyfriend'

Yes i call them pest kasi mga peste sila nakakagigil lalo na yung mga lalaking feeling pogi masyado at masyadong presko nakakainis

Speaking of feeling gwapong lalaki naalala ko unang kita ko sakanya non alam kona na isa sya sa pinaka iniinisan kong tipo ng lalaki papalapit palang sila saamin ay napairap na agad ako sa hangin lalo na at alam kong may balak nanaman ang mga kaibigan ko na hindi kanais nais

Sabi ko nalang sa sarili ko 'eto nanaman reto nanaman maryosep pigilan nyo ko baka dumapo ang kamay kong ito mga kasama ko ngayong gabi' alam ko na kasi nun na kaya nila ko niyaya—no—pinilit pala ay para ireto nanaman ang nananahimik kong kaluluwa

Alam ko na agad na may paparating na reto dahil hindi naman nila ugaling basta basta namimilit kung wala kaya naman ay inaasahan ko nang meron dahil palagi silang may ibinibidang lalaki saakin

Hindi naman ako masyadong pihikan medyo lang

Pero wala pa talaga sa isip ko ang pag kakaroon ng kasintahan dahil na rin sa aking mga magulang at alam ko namang walang uubra sa katarayan ko sa mga ginoo

Kaya namang kumbinsido ako masyado na di rin uubra sa katarayan ko tong bagong paparating na ginoo na kaibigan ng mga kasintahan ng mga kaibigan ko

Mabilis na pumunta at yumakap ang aking mga kaibigan sa kanilang mga kasintahan habang ako ay nanunuod lamang sakanila

"Magandang gabi binibini" gulat kong sinulyapan ang lalaking kumuha at humalik sa kamay ko bilang kanyang pag bati

Pasupladang binawi ko ang aking kamay sa kamay ng estranghero sabay sabing "kung hindi pakikipag kaibigan ang hanap mo ay tigil tigilan mo ako at hindi ako interesado sayo"

Ngumiti sya at umiling iling na tila ba'y nagpipigil ng tawa dahil sa aking sinabi
Aba'y mahiya sya sa balat nya dahil hindi ako basta bastang mauuto ng isang palikerong tulad nya

"pwede ba tayong mag sayaw binibini?" inirapan ko sya sabay sabing "hindi ako nakikipagsayaw sa mga palikero"

tumawa siyang bahagya at umiling ilinng

"pasensya na binibini hindi ko batid na totoo pala ang mga sinasabi nila na ika'y masyadong maiwas sa mga lalaki sa pamamagitan ng iyong pagtataray"

kumunot ang noo ko dahil pilit kong iniintindi ang kanyang sinasabi at nang mapagtanto ko kung ano iyon ay sya namang pag alis nya kasabay ng pagtapik sa kanyang balikat ng kanyang kasamahan

'hudas' bulong ko sa aking isip sa sobrang inis sa lalaki

"mukang nagkakamabutihan na kayo ni Siso ahh" tudyo ng mga baliw kong kaibigan "asa naman aba'y walang makakalusot sa katarayan ko" mayabang kong turan

muling nagbalik ang mga kasintahan nila kasama ang sinasabi nilang Siso nagpasya kaong huwag nalang pansinin ito dahil hindi naman talaga ako interesado dito habang sya ay panay titig lamang saakin na tila ba'y kinakabisado nya ang bawat parte ng aking muka at mga kilos ko iniirapan ko lamang sya sa tuwing magtatama ang aming mga tingin at sya namay ngingiti ngiti lang na tila ba'y may nakakatawa sa pag irap ko

hindi ko alam pero masyado akong naiirita sa presensya nya hindi naman ako ganito sa mga nagpapalipad hangin saakin kadalasan pa nga'y kahit nagsusungit ako ay napaka marispeto ko namang mag salita ngumit iba ang nararamdaman ko rito sa lalaking ito parang gusto ko na syang sakalin kakangiti nya

hangang sa nagyaya nang umuwi ang kaibigan ko ay siya palang ako nakahingang maluwag

'sa wakasa' bulong ko sa aking sarili ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay binalak pala ng mga kaibigan ko na iwan ako kasama ang lalaking to wala naman akong magawa dahil kasama nila ang mga nobyo nila napabuntong hininga nalang ako sa inis

"Nela pasensya na ngunit pwede bang sumabay ka nalang kay Siso? puno na kasi ang Kotse dahil kasama namin si Raya at ang nobyo nya habang si Edna ay sasakay sa motor ni Arnold. pasensya na ah?" napanganga ako sa anunsyo ni Eda dahil hindi ko talaga to inaasahan akala ko sasabay ako sakanila pauwi

tiningnan nya ng makahulugan si Siso habang papaalis at sinabing "ayusin mo Siso utang mo ito saamin kaya naman pagbutihin mo" habang ako ay nakatingin lamang sa papaalis nilang sasakyan at hindi makapag salita

"paano ba iyan magandang binibini mukang wala kang pagpipilian kundi ang sumama saakin" napairap ako sa kawalan at bumuntong hininga dahil muka ngang wala talaga akong pagpipilian kakapalan ko na ang muka ko at mag papakabait na ko.. sa ngayon dahil kailangan na kailagan ko sya para makauwi ako

bumaling ako sakanya nginitian ko muna sya nang pakatamistamis "nasaan ang sasakyan mo? halika na at iuwi mo na ko" tumawa sya at tumingin saakin na para bang biro ang sinabi ko kumunot ang nuo ko dahil sa ginagawa nya

aba hindi porket may kailangan ako ay hindi ko na tatarayan ang hudyo na to, tiningnan ko naman sya ng masama at natigil naman sya agad

"yan ba ang ginagawa sayo ng mga manliligaw mo? ang isakay ka nila sa magagarang sasakyan nila? tsk tsk napaka walang kwenta" nalaglag ang panga ko sa sinabi nya pano naman kasi napadpad sa mga manliligaw ko ang pag uwi namin? at anong pakealam nya sa mga manliligaw ko

"hilo ka ba? pano naman napunta sa usapang manliligaw ang pinaguusapan natin?" hindi sya sumagot pero narinig ko ang pag 'tss' nya kaya inirpan ko nalang sya

"halika na maglalakad tayo" at nauna na syang naglakad

hindi ako nagreklamo tutal hindi rin naman kalayuan ang bahay namin dito kaya tahimik akong sumunod sakanya habang naglalakad nang napansin nya ang kabagalan kong mag lakad ay tumigil sya at hinintay akong maka abot sakanya bago kami nagpatuloy ulit

tumitingala ako sa buwan at mga bituin habang nag lalakad at napansin nya yon "mahilig ka sa mga bituin?" marahan nyang tanong at tumango naman ako at hindi nagsalita kaya tumigil sya sa may kalsada kaya napaitigil din ako at binigyan ko sya ng isiang nag tatakang tingin

inilahad nya ang kamay nya saakin at tumitig sya sa mga mata ko "maaari ba kitang maisayaw at sa pagkakataong ito tayo ay nasa ilalim ng buwan at mga bituin Manuela" nakatitig lang ako sa mga mata nya na tila nanghihipootismo habang unti unti kong inaabot ang kamay ko sa nakalahad nyang kamay bilang pag sang ayon

sumayaw kami sa ilalim buwan at mga bituin habang nakatitig sa mga mata ng isa't isa

duon ko naramdaman ang estrangherong pakiramdam na nuon ko lang naranasan na tila ayaw ko nang umuwi at matapos pa ang gabing yon sa sobrang saya ng aking nararamdaman

hindi ako naniniwala sa pagibig lalo na sa 'love at first sight' na sinasabi nila pero hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko

that was the first time that i've ever felt that way, it was the best thing happened to my life that i will never forget

our first encounter...



________________

-Vhie

EncounterWhere stories live. Discover now