Chapter 24

21.6K 1K 58
                                    

Natutop ni Azul ang tapat ng bibig nang pagdating nila sa rooftop ng Verratti building ay may five-seater, Bell Jet Ranger helicopter nang naghihintay. “A-ano ito?” baling niya kay Gelier, nagtatanong ang mga mata.

Gelier looked no less than a top-paid model of a sleek tuxedo. Napakaguwapo nito at napakabangong tignan. Ang buhok nito ay maayos na hinagod palikod. He was screaming wealth from head to toe. And his smile was perfect. Matiim itong nakatitig sa kanya. Hindi nila kasama ang anak. Gavino volunteered to babysit Tilly for a few hours. May ipapakita raw kasi sa kanya si Gelier.

Ang nakikita niya ngayon ay napakagarang chopper!

Inilahad ng binata ang kamay sa kanya. Nang ilapat niya ang kamay dito ay dinala nito iyon sa labi nito. He kissed her knuckles one by one. Natulala siya at nakamata lang sa binata.

“Nagustuhan mo ba?”

Nakalagay ang pangalan niya sa kanang bahagi ng katawan ng chopper—Mi Azul.

“Ano ang ibig sabihin nito?”

“This is yours. I bought this for you.”

Napabuntong-hininga siya. “Salamat, Gelier, pero hindi mo naman kailangang regaluhan ako nito. Napakamahal at—”

“This isn’t about how much this helicopter cost. This is about giving you what you deserve… giving you the best.”

Pinisil ni Gelier ang baba niya at mainit siyang hinalikan sa labi. Inihimlay niya sa dibdib ng binata ang mga palad niya, ipinikit ang mga mata at tinugon ang mga halik nito. Lumalim ang paraan ng paghalik nito sa kanya. And she was okay with it. She was so fine with it. Lalo na at napakasarap humalik ni Gelier at napakabango nito.

“Did you know that this chopper can also fly us to a place where we can be alone?” Kumindat ito sa kanya, puno ng kapilyuhan. Nagkakatitigan sila at sabay pang natawa. Mayamaya ay umakbay ito sa kanya at magkatabi nilang minasdan ang regalo nito sa kanya.

“Alam kong hindi na mahalaga sa iyo ang mga materyal na bagay na kaya kong ibigay. When I saw you again, I saw maturity in your eyes. I keep telling myself that I don’t give a f*ck. Pero hindi ka maalis sa utak ko. I keep wanting you. And when I saw you in the charity auction, I thought to myuself… susuntukin ko ang kung sinong lalaking maglalakas loob na higitan ang isang milyong bid ko.”

“Napaka-possessive mo,” komento niya.

“I was never possessive, Azul, until I met you. You turned my world upside down. Pinapaalala ko noon palagi sa sarili kong hindi ikaw ang klase ng babaeng gugustuhin ko, pero lapit pa rin ako nang lapit sa iyo. And when I stayed away from you, our paths crossed again. At lalo na ngayong may anak na tayo, there is no escaping from you now. Guess, destiny has finally came up with a plan to chain us together forever.”

Natawa siya. Totoo nga naman, palaging nagkukrus ang mga landas nila.

“Pero seryoso, Gelier, nagpapasalamat talaga ako sa mga mamahaling regalong ibinibigay mo at alam kong niri-regaluhan mo ako dahil mahal mo ako…” Tumingala siya rito. “Mahal din naman kita. Pero sana ilaan na lang natin sa mas mahalagang bagay ang pera mo.” Naalala niya ang naging buhay nila ng pamilya niya noon. Halos wala silang makain. Hirap na hirap ang nanay niya. “Puwede nating tulungan ang mahihirap. Magbigay tayo ng tulong pangkabuhayan, edukasyon, o pangkalusugan sa mga mahihirap.”

Gelier gazed down at her, there was gentleness in his eyes.

“Huwag mo akong titigan nang ganiyan. Iniisip mo ba na ang bait ko na?” tanong niya.

“You have always been that… golden. Alam ko namang kahit na ganoon ang pananaw mo sa buhay noon ay may tinatago kang kabutihang loob. Maybe I would never have been attracted to you if you were a cold-blooded gold digger. But you have always been different, Azul. Kahit na madalas ay ipamukha mo sa akin noong hindi mo ako papatulan dahil mahirap lang ako, ramdam kong may dahilan sa likod niyon.”

Nagbalik-tanaw siya sa buhay nila ng ina niya noon. Awtomatiko ang pag-uulap ng mga mata niya. “Mahirap lang kami. Ang tatay ko lasenggo. Sinasaktan niya kami ni Nanay. Ang Nanay ko lang ang meron ako. Nangako akong i-aahon siya sa kahirapan. My mother deserves to enjoy life.”

“And enjoy life she will. Ibibigay natin sa kanya ang lahat ng kaginhawaan.” Huminga nang malalim si Gelier at pinisil ang kamay niya. “I am so sorry for hurting you. I am so sorry that I let you carry my child for nine months alone. And I wasn’t there even after you gave birth.”

“Patawarin mo rin sana ako sa pagbebenta ko ng katawan ko at pagpili kay Mr. Verratti kaysa sa simpleng si Gelier para maging ama ng ipinagbubuntis ko."

“I will tell you a little secret,” sambit nito.

“Ano iyon?”

“Noong nadatnan ko si Rasil sa bahay n’yo sa Cebu, pinatawag ko siya sa opisina kinabukasan. I said I will have to terminate him for trying to steal my woman.”

Namilog ang mga mata niya. “Gelier! Magkaibigan lang kami ni Rasil.”

“That’s exactly what he told me. Sabi niya mabait ka at maganda pero dati pa ay napansin na niya ang matatalim na titig ko sa kanya kapag nababanggit ka niya. Alam na raw niyang may gusto ako sa iyo kaya hindi na siya sumubok manligaw pa.”

“Sinisante mo pa rin siya, ano?”

“I did not because he told me everything he knows about you. Iyong dahilan kung bakit nangailangan ka ng pera. It was for your mother’s hospitalization. I wanted to kick myself then. Bakit hindi man lang ako nagtanong noon kung para saan ang pera? Sa halip ay nag-isip agad ako ng masama.”

Umiling siya at tipid na ngumiti. “Tapos na iyon, Gelier. Those were the secrets and lies that separated us.”

“Yes, and I love you so, Azul. At alam mo naman na sigurong hindi na kita pakakawalan pa?”

Tumawa siya. “Alam ko. Ganoon din naman ako sa iyo, taling-tali ka na sa akin.”

Sabay silang natawang dalawa pagkatapos ay pinagmasdan uli nila ang chopper. “Where would you want to go first?”

“Kahit saan basta kasama ka…”

Possessive 7: SECRETS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon