Chapter One

36 1 0
                                    

Xielo's POV

~If we'd go again, all the way from the start. I would try to change things that killed our love...~

Nagsisimula nang mag-alarm ang cellphone ni Xielo. Maaga kasi ang pasok niya ngayon. 4th Year College na siya at mag-aaral siya sa Uniden University, isa sa pinakatanyag na eskwela sa Pilipinas. Sa ibang bansa siya nag-aaral dati pero umuwi sila ng kanilang pamilya dahil sa isang malagim na trahedya. Engineering ang course niya. Unti-unti itong bumangon at nag kusot ng mata.

"Haaay......,ang aga naman ng pasok ko ngayon.....hmmp, di bale na nga"

At dali-dali siyang tumayo at dumiretso na sa CR. Pagkatapos maligo ay nagbihis ito at bumaba na sa may kusina. Nadatnan niya ang kapatid niyang si Clay na nagluluto. 2nd Year College pa lang ito at sa iisang eskwelahan lang sila nag-aaral.

"Oh ba't nagluluto ka ngayon jan? Asan si Mama?" tanong nito habang tinitignan nag paligid kung wala talaga rito ang ina.

"Wala. Maagang umalis. Ako nalang daw magluto kasi maaga pasok mo ngayon. Naalimpungatan tuloy ako ~.~"

Nilapitan naman agad ni Xielo si Clay at inakbayan. "to naman oh. Nagtatanong lang eh ^^" Pakyut pang sabi ni Xielo sa kapatid. "Hayaan mo sa susunod, Clay, ikaw naman ang ipagluluto ko. Kakain na ba?" At dali daling umupo si Xielo sa may upuan malapit sa engrandeng lamesa.

"Yeah. Bilisan mo kumain kuya ah. Baka ma-late. Lagot ka kay Mama pag na-late ka!" sabi ni Clay sabay lapag ng mga pagkain inihahanda niya kanina. Bacon, ham, and eggs. Tapos may hot chocolate pa na paborito nilang dalawa.

Inubos agad ni Xielo ang pagkain at nagpaalam na. Sakay ng pulang Ducati 848, humarurot siya at mabilis na nakarating sa eskwelahan nila.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jamie's POV

"Ate Mimi Ate Mimi gising na uy~~~~!" Niyuyugyog siya ni Julie. "Lilie....uhmm...5 minutes pa~" Sabi ni Jamie na hindi man lang nagbubukas ng mata.

Umupo sa gilid ng kama si Julie. "Tara na ate! Luto na yung pagkain. Nakaalis narin si papa. Kailangan mo na pumasok malelelate ka na oh! Mamaya nyan baka may gwapong transferee sa inyo, tapos late ka, di mo naabutan. Sayang yun!" Pagkukumbinsi ni Julie sa ate niya.

"Lilie, hay sige na nga. Ikaw talagang bata ka! Nu oras pasok mo? sabay na tayo ha. Ligo lang ako. maligo ka narin. Kain tayo saglit tas alis na. Go na. GO!" Nakabangon na si Jamie at dumiretso sa CR. 

Isang matalinong babae si Jamie. Hindi man ganoon kayaman ay nakapasok siya sa Uniden University dahil sa isang scholarship na pinaghirapan niyang kunin. Engineering din ang kurso niya dahil narin sa idolo niya. Ang yumao niyang ina.....

Pagkatapos kumain ng dalawa ay umalis na sila. Walking distance lang naman ang iskwelehan mula sa kanila kaya nialakad nila ito at magkahawak kamay pa. "Ate, bakit nga ba ako nag Architecture?" tanong ni Julie kay Jamie. "Kasi gusto kong ikaw ang magdedesign ng projects ko pag nagkatrabaho na tayo" sabay pisil sa pisngi ng kapatid nito. "Ang kyut kyut mo talaga Lilie~! Halika na nga! Bilisan natin!" at tumakbo sila ng magkahawak ng kamay.

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jusko! First Time ko gumawa ng story! Di ko alam kung ipa-publish ko ba o hindi. Pero....ayun na eh...napindot ko nayung publish button eh....wala na xD wala naman akong inaasahan nung gumawa ako ng story. Parang pampalipas oras lang. Halos wala din kasing magawa. Pero kung ikaw ay nagbabasa nito ngayon..............................

MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO ^^ 

 Si Xielo nga po pala yung nasa pic ^^ gwapings!! weeee!!

>< luuhhhh!! nakakahiya ><!!

Until there's You and Me...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon