Chapter Three

14 0 0
                                    

Julie's POV

"A-ayos lang ako. Ako si Julie Veriton. Bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh" bumalik agad ang composure nya.

"Yup. Galing akong US but we came back here because....of some reasons." napuna ni Julie ang saglit na paghinto ng kausap kaya minabuti nang huwag makialam.

"ah ganun ba? sige sige mauna na ako. Baka ma-late ako eh. Salamat ulet ^^" at tuluyan nang umalis si Julie. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Hala ano ba naman un? kay aga-aga may ganun agad?" hindi niya alam na sinusundan pala siya ni Clay. Nilingon nya ito. "Hindi ka pa ba papasok?" tanong ni Julie kay Clay. "Sa tingin ko magkaklase tau sa first period. Room 308?"

Tumango nalang si Julie at nauna nang maglakad. Baka kasi mapansin ni Clay na namumula siya.

------------------------------------------------------------------

Xielo's POV

"Hala mali ung nakita kong schedule ko! Pambihira naman oh" napakamot nalang siya sa ulo. Tuesday pala ang nakita niya. Kanina pa siya nakatunganga sa cafeteria.

"Di bale na. Malapit naman nang mag 10 eh. Makapunta na nga ng room" naglalakad na siya. Kanina pa sya naglalakad pero parang nawawala na siya.

"Hala asan na ba yun? Nakita ko na un kanina ah?" nakakita siya ng bagong dating na babae. "Ay miss saglit lang. Alam mo ba kung san to?" ipinakita ni Xielo ang papel na hawak niya.

"Ay jan din ako pupunta. Halika na sumabay ka na sakin ^__^" nakita nyang mejo ngumiti ang babae. Ngayon nya lang napansin. ang ganda pala nang napagtanungan niya! Tapos kaklase pa niya sa 1st period. Astig!

Sumunod na rin siya ng nakangiti. Biglang nagsalita yung babae. "Ano nga palang pangalan mo? Siguro bago ka dito no? Halata sa itsura mo kanina ^_^" ngumiti nanaman yung babae sa kanya habang naglalakad sila.

"Ako si Xielo Zwits. Nice to meet you ^___^" para atang nasobrahan sa sigla ang ngiti niya dahil biglang tumawa yung babae. "Hahahaha! ang kyut lang! para kang nabigyan ng candy ^^ Jamie Veriton" at nakipagkamay ito sa kanya

"ang lambot naman ng kamay nito..." sabi niya sa sarili niya. Biglang hinatak ni Jamie ang kamay nya. "Bilisan mo malelate na tayooo!" sabay takbo. Napangiti nalang siya ng tuluyan..

----------------------------------------------------------------

nakakatapos ulit ng chappy! Cool! Hirap magtype sa phone! d bale na. masaya naman mag-update eh xD

Until there's You and Me...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon