11

241 14 1
                                    

Kinabukasan ay simpleng araw lang iyon para sa akin. Dahil maganda ang araw ko at masyadong maganda ang pakisama ng panahon sa akin? Kaunti lang ang pasyente na tumungo dito sa clinic ko kaya hindi ako masyadong napagod. Maaga akong nagsara dahil gusto kong magpahinga ng mahaba. 2 o'clock pa lang ng hapon ay umuwi na kaming tatlo ng dalawang nurse ko.

"Pupunta kayo sa Baguio na kayo lang dalawa? Really, cous?" tanong ni Apollo sa akin habang gumagawa ng cupcake.

Nandito siya sa bahay ko ngayon at hindi ko naman din inaasahan na papatungo siya dito. Siguro ito na din ang oras para magpaalam sa kanya, kaya naman pala siya pumunta dito para lang ipag-bake ako ng cupcake. So sweet.

"Gusto ko naman din kasi maranasan makapunta sa mga malalayong lugar, Apollo," nakangusong sagot ko habang tinitignan ang ginagawa niya.

"Yeah, I know. Alam kong gusto mo maranasan ang bagay na iyan pero bakit kayo lang dalawa?"

"Kasi kami lang dalawa."

"What the?" naibagsak ni Apollo ang kanyang palad sa desk kitchen. "Hindi magandang tignan na kayo lang dalawa ang magkasama sa iisang bahay. Are you out of your mind, Amethyst?"

"Wala naman masama, ah? Besides, he's a good guy naman, Apollo."

"I know Yuhence is a good guy but my point here is... it's not good for you and Yuhence to be together in the same house."

Bakit ba hindi maganda na magsama kami ni Yuhence sa iisang bahay? We wouldn't share a room, because I know he wouldn't let that happen. I know Yuhence wouldn't do anything because he's a good guy and he respects me.

"Wala ka bang tiwala sa amin? Wala kaming gagawin na ikakasama ng isip mo, Apollo," seryoso kong tanong at natigilan si Apollo. "I know my limits at hanggang doon lang iyon. Hindi ko naman hahayaan si Yuhence na may gawin na masama sa akin."

"It's not like that, Amethyst."

"I just don't get it, Apollo. He's your friend," nakanguso kong sagot. "Alam ko naman na maganda ang pagkakakilala mo sa kanya at alam kong alam mo na hindi niya magagawa ang bagay na iniisip mong gagawin niya."

"Are you still innocent?" nakangisi niyang sabi. "Ibang-iba kasi ang mga sagutan mo ngayon. Nakakapagtaka lang na masyadong matured."

"Kailan ba ako naging immature?"

Hindi niya ako sinagot, binigyan lang ako ni Apollo na malakas na tawa para mapanguso ulit ako. Wala namang nakakatawa sa tanong ko pero grabe kung makatawa si Apollo.

"Payag ka na, please?" sabi ko pa at nag-puppy eyes.

Tinignan ako ni Apollo ng seryosong tingin at lumunok muna sabay buga ng hangin. Pumikit muna siya bago ulit ako tignan ng deretso.

"Fine," simple niyang sagot para mapatalon ako sa galak at patakbo siyang niyakap sa gilid ng kanyang braso.

"Thanks, cous. I love you."

"Naughty princess. Basta alamin mo ang limitasyon mo, ah? Hindi lalagpas doon at huwag mo rin hahayaan na lalapit sa 'yo si Yuhence na ganito kalapit," paalala pa niya.

Ngumiti ako. "Opo, master."

"Wag mo ko biruin baka bawiin ko ang sinabi ko," pananakot niya at nagkunwaring nalungkot ako. "Kidding. You're so cute, Amethyst."

"And you're so handsome, Apollo."

Napatingin ako sa pintuan dahil sa sunod-sunod na pag doorbell mula roon. Hindi na ako nagpaalam pa kay Apollo dahil tumungo na ako upang tignan kung sino ang tao sa labas ng gate ko. Lumaki ang pagkakangiti ko kung sino ang tao mula roon at patakbong tumungo sa gate.

Under The Amethyst Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon